55 - Baby

4.9K 73 5
                                    

Chris

Ganda talaga ng babaeng 'to. Kaya ako naha-high blood eh. Sino ba naman ang hindi? Maganda na nga, sexy pa at mabait. Nasa kanya na ang lahat ng katangian na hinahanap ko, sa kanya ko nakita 'yong gusto ko.

Kumbaga sa pagbili ng kotse, oo, maraming magaganda, oo maraming magagara at mamahalin, pero 'yong klase na mapupusuan ko ang hinahanap ko. At ito, kay Maxene ko nahanap.

Tangina, ang korni ah. Ikinumpara pa si Max sa kotse! Haha!

Muling naglakbay sa labi niya ang daliri ko at kung hindi lang siguro mahimbing ang tulog, baka tadtarin ko na sa halik hanggang sa mamula at mamaga. De, loko lang.

Pero pwede rin, nakakagigil eh. Sarap tikman, sarap halikan, sarap panggigilan. Nahihibang na yata ako sa kanya, grabe na yata 'tong panggigigil ko na 'to. Sorry naman, mahal ko talaga siya eh.

Bumaba naman ang daliri ko sa chin niya at medyo natawa ako dahil unti-unti na naman siyang napapanganga. Himbing-himbing ng tulong, mabuti dahil kung hindi, baka ma-outside the kulambo ako kapag malaman niyang pinagkakatuwaan ko siya habang tulog. Moody pa naman.

At speaking of moody, tangina, ito ang iniisip ko ngayon. Sa lahat ng sinabi ko, ito ang nasa sentro ng utak ko ngayon. Buntis siya.

Buntis ang fiancée ko. Buntis si Maxene. Buntis ang mahal ko!

Halos isigaw ko na naman dahil hindi ako makapaniwala sa sobrang saya ko. Para akong sasabog sa sobrang saya, parang lumilipad pa rin sa kalangitan at naliligaw sa islang nakakahumaling sa ganda at parang gusto ko nang tumalon sa building pagkatapos sumigaw ng "Tatay na ako! Thank You, Lord!"

Pero syempre, hindi ko gagawin 'yong talon. Joke lang 'yon. Kailangan ko pang mabuhay para sa magiging anak namin ni Max.

Tangina talaga! Tatay na ako! May anak na kami! Mainggut sina Kean, Pat, Andres at Jayden sa'kin! Mga walang hiya sila, mas excited pa kaysa sa akin. Inaagawan ako ng emosyon. Pero okay lang, pare-pareho kami ritong excited sa pagbubuntis ni Maxene ko. Lalo na ako na excited nang paglihian niya at excited sa paglaki ng tiyan niya.

8 weeks na pala siyang buntis. Paano namin nalaman? Ayun nga, 'yong pagkatapos ng concert, habang naglalakad na kami patungong backstage, bigla siyang nahilo, at mabuti at nakaalalay ako sa kanya kaya nasalo ko siya. Maraming nakakita non kahit wala na ang atensyon ng lahat sa amin, at ako, grabe 'yong panic ko habang binubuhat siya at hindi malaman kung dadalhin ko na ba siya sa ospital or what.

Agad na tinawag ni Pat si Kuya Kevin para lumapit sa amin at tulad ko ay kinabahan siya nang makita niyang walang malay si Maxene na buhat ko. Siya 'yong nagdesisyon na itakbo namin sa ospital kaya agad-agad kaming nagtungo sa parking lot para makasakay na kami at isugod si Max.

Pagdating namin sa ospital, halos sigawan ko na 'yong mga nurse na asikasuhin agad siya dahil tangina, kinakapos ako sa hangin sa tuwing nakikita ko siya mula sa byahe hanggang sa mailapag ko na siya sa hospital bed.

Pinaalis muna kami ng doktor sa tabi niya at kahit na ayaw ko, sumunod ako. Sa labas naman, para akong kiti-kiting hindi mapakali, ganoon din si Kuya Kevin, para siyang naging pipi at nakita ko nga na umiyak siya kaya mas kinabahan ako lalo.

Nahilo siya. Inisip ko na baka sa pagod, dehydration, panic sa dami ng tao, init, ewan ko. Tsaka na lang ako nagkaroon ng sagot nang papasukin na kami ng doktor matapos ang 30 minutes. Mas lalo akong kinabahan at pati rin ako, naiyak na dahil kung may mangyari nang masama at hindi maganda kay Maxene, ikamamatay ko.

Dahil IkawWhere stories live. Discover now