52 - Araw-Gabi

4.3K 70 2
                                    

Ilang linggo ang lumipas matapos ang huli at hindi malilimutang nangyaring gulo sa Pangasinan, at ngayon ay bumalik na nga sa normal ang lahat. Ngunit ang nangyaring iyon ay lihim na lang na dinala ni Chris, mga kaibigan nito, at ni Maxene ang pangyayaring na 'yon. Wala nang balak pang sabihin ni Max iyon sa kapatid niyang si Kevin dahil alam niya na kapag sinabi niya pa ay baka mas lumaki ang galit nito, tulad ni Chris.

Ilang linggo na rin nang makabalik sina Chris dito sa Maynila at sa mga linggong nagdaan, hindi nakaramdam ng lungkot at takot si Maxene dahil sa laging pagdalaw nito sa kanya. Na kahit may trabaho si Chris para sa kanilang nalalapit na concert ay nagagawa niya pa ring dumaan sa bahay ng nobya niya para lang bisitahin at sabihin ang katagang mahal kita.

Tila nga nagbalik sa dati, mga panahong sumubok sa unang pag-ibig si Chris at Maxene sa isa't isa. Isang tipikal na magkasintahang nagmamahalan, pabisi-bisita si Chris at walang araw na hindi nagbibigay ng bulaklak sa kanyang nobya. Pero ang naiba nga lang, hindi pa nila nasubok muli ang paglabas at pagkakaroon ng oras sa mall o kung saan. Huling beses ay iyong pagpunta nila sa perya at wala na pang sumunod.

Naiintindihan naman iyon ni Maxene kahit walang sinasabi si Chris sa kanya. Isa lang naman, ang Chris na nobyo niya ay isang sikat na bokalista mula sa kilalang banda na ngayon, na noon ay pangarap pa lang para sa kanilang dalawa. Naiintindihan niya iyon at ngayon ay nag-iingat na rin siya sa bawat galaw niya ngayong alam na rin ng karamihan na nobyo na ulit siya ng Chris na kilala ng lahat.

Hindi pa man kinukumpirma ni Chris ang pagkakaroon niya ng nobya sa publiko ay hindi niya na rin inabala pa. Sapat na siguro iyong pagpapakita niya sa kanyang mga social media accounts na litraro nila ni Max at wala na siyang balak pang magsagawa ng press conference para lang sabihin sa lahat. At gusto niya nang tahimik na buhay para sa kanila ni Max.

Ngunit kahit ganito ay namumuhay pa rin si Maxene nang normal na buhay, lalabas siyang kasama si Chiara at ang pagbabago nga lang ay pinagtitinginan na siya ng mga ibang tao. Nginingitihan at ang pinakaiba sa kanya ay ang mga ibang taong sinusungitan at pinaparinggan siya. At inakala niya na siguro ay nagagalit sa kanya dahil ang nasa likod ng mga masasakit na kanta ni Chris na kanilang iniidolo ay siya.

At isa na rin ang dahilan ang pagkalat ng rebelasyon na pag-iwan at panggagamit ni Maxene kay Chris kaya naghiwalay ang dalawa noong nasa pa kolehiyo ang mga ito. Ang impormasyon ay galing sa mga ka-batch nila at dala ng paghingi ng atensyon sa lahat, kinalat ito at naging usap-usapan nga sa social media. Mas maraming nagagalit kay Maxene.

Ligtas na nga si Maxene kay Hades, ang sumunod naman ay hiya niya sa mga taong hinahangaan ang nobyo niya, hiya niya bilang nobya na ulit ito ng lalaking katumbas na ng sikat ay isang artista. Pero si Chris, nandito pa rin at patuloy na nagtatanggol sa kanya.

"Hayaan mo na sila, Max.. 'Di ba, sabi nga ni Chris, pabayaan mo lang sila." Bulong ni Maxene sa sarili at tsaka niya namalayan na tuluyan na pala siyang gising kahit nakaidlip pa rin, at kanina pa nag-iisip ng kung ano-ano.

Sinabihan na nga siya ni Chris na hayaan na 'yong mga tao ngunit ang hindi niya alam, may konseptong namumuo kay Chris na kapag umabot sa puntong masasaktan si Max ay aalis na sa pagiging bokalista.

Nagmulat na ng mga mata si Maxene at umupo na mula sa pagkakahiga rito sa kanyang kama. Nag-inat siya ngunit napatigil siya nang mahahilap ng mga mata niya ang hagkan ng mga rosas na nasa kanyang tabi.

 Nag-inat siya ngunit napatigil siya nang mahahilap ng mga mata niya ang hagkan ng mga rosas na nasa kanyang tabi

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Dahil IkawWhere stories live. Discover now