43 - Magbalik

3.2K 71 9
                                    

Chris

"Pare, hindi ka nahihirapan? Halos gabi-gabi ka nang umiinom kada pag-uwi natin sa condo." Sabi ni Andres sa akin.

"Oo nga. Buti at kaya mo pa pagkatapos ng mga trabaho natin. Kami, hindi, kaya nga pass muna kami eh." Sabi naman ni Kean.

Nagpatuloy lang ako sa pag-inom nang hindi ko sila sinasagot sa mga tanong at mga sinasabi nila sa akin. At mabuti na rin dahil nagsawa na sila sa pakikipag-usap sa akin.

"Tara na nga, inaantok na ako. Hay, salamat! Makakatulog na ulit ako sa malambot na kama!"

"Wow, Pat. Parang masaya ka pa na wala na sina Maxene dito. Nakakalungkot kaya." Sabi naman ni Kean.

"Totoo. Parang bumalik sa dati, kaingayan niyo na naman ang naririnig. Lalo ka na, Pat." Sabi naman ni Jayden.

"Hoy! Nalulungkot kaya ako! Wala na rin dito ang Chiara babes ko. Wala na akong lalandiin."

Ilang araw na simula nang umalis sina Max dito sa condo. 'Yung araw na naging sagutan namin, ayun 'yong huling araw na nakita at nakausap ko siya. Umalis siya, kasama niya si Chiara at ang anak niya, dala na ang mga gamit nila. Wala na siyang huling salitang sinabi pa at iniwan na kami.

"Hayaan niyo na 'yan, senti mode na naman 'yan." Sabi pa ni Kean at iniwan na rin nila ako rito sa kusina.

Tulad ko, naguguluhan sila sa nangyayari, pero bakit naintindihan nila kaagad? Bakit ako, hindi? Hanggang ngayon, kahit ilang araw na ang nakalipas na nalaman na ng lahat na nakalabas na si Hades, bakit hindi mapakali ang isip ko kakaisip ng mga dahilan kung ano nga ba?

Gusto ko siya makausap, kakausapin ko na sana siya, gustuhin ko man pero sadyang tadhana na ang may gawa kaya hindi natuloy. Dumating si Hades, dumating ang taong dahilan kung bakit bumalik na naman ang Maxene na pinagmukha akong tanga sa lahat. Hindi niya man sabihin, alam kong nagkakaganoon siya dahil kay Hades, dahil bumalik na ang taong totoong mahal niya. Para siyang nawawala sa sarili. Excite? Saya? Kaba? Gulat? Ewan, ewan ko.

Akala ko, okay na. Akala ko, ako na nga. Pero hindi, pakiramdam ko, lumapit siya sa akin dahil wala si Hades. At ngayon na nagbalik na si Hades, ayun, parang noong dati lang, ginamit lang ako. Kaya nga umalis na siya, umalis na siya at sigurado ako, nagsasama na sila ni Hades.

Masaya 'yon, buo na sila.

At wala na pang kailangan pag-usapan, tungkol saan pa? Tungkol sa pagpapanggap niya na ako ang mahal niya para balikan ko siya? Tapos, iiwan niya na naman ako? Gagamitin niya lang ulit ako dahil wala pa si Hades?

Dahil kay Hades.. Dahil si Hades kaya hindi niya masuklian ang pagmamahal ko sa kanya.

Ininom ko na ang natitira pang alak sa baso ko at tumayo na upang magpunta sa terrace.

Nang biglang nahagilap ng mga mata ko ang papel na kusot-kusot at nasa sulok ng couch na hinihigaan ko. Natawa ako at kinuha iyon bago ako tuluyan nang dumiretso sa terrace..

Umupo ako sa sahig at tuluyan nang binalikan muli ang kaisipang kanina pa nakakulong sa utak ko. Puso ko.

Nandito ako ngayon sa rooftop ng Engineering building, nagsasaya mag-isa sa togang suot ko ngayon. Masaya naman talaga, ilang saglit na lang, ga-graduate na ako. Ilang taon na rin, matapos nang iwan niya ako.

Dahil IkawWhere stories live. Discover now