47 - Alipin

3.5K 79 27
                                    

Nagsimula na ang pista, nagsimula na rin ang kasiyahan ng pamilya, dito sa malawak na bakuran ng bahay kung saan nakasalang ang mga nagkalat na upuan at lamesa at mga pagkain din.

Pista ng lugar ang magaganap ngayon at bukas naman, family reunion ng pamilya. At sunod-sunod nga ang magaganap na okasyon dahil ang susunod naman ay ang pagdiriwang nila ng Pasko.

"Mommy, what happened to your finger?"

Napansin ni Lennon ang daliri ng kanyang ina na may bandaid at bakat pa ang panibagong dugong lumabas. Kinuha niya ito at napatingin sa ina.

Dumako ang tingin ni Max sa kanyang anak na nakaupo sa kandungan niya. "Stitch lang, baby. Wala 'to." Alanganing sagot ni Maxene.

"But it's bleeding oh!" Hindi naalintana ng bata ang paglakas ng boses niya dahilan nang mapalingon si Chris sa gawi nila, at ganoon din si Maxene.

"Sshh. Lennon, I'm okay." Bulong ng ina at hindi naman na sumagot ang bata.

Nagkasalubong ulit ang mga mata ni Chris at Maxene, nagtugma at ayaw na ngang pakawalan ang isa't isa. Kung hindi lang siguro sa mga taong dumadaan sa pagitan nila, siguro ay wala na ngang kawala. Sa katunayan, kanina pa sila nagnanakawan ng tingin at natyetyempuhan ang isa't isa na ginagawa iyon. Hindi nila mapigilan.

Matapos ng nangyari kanina, walang pag-alintanang hinila ni Chris si Maxene patungong kwarto niya. Nang una, nagulat si Maxene, lalo na kita nito ang namumuong tanong kay Emma nang malampasan niya ito at sinusundan ang tingin ang kamay niyang hawak ni Chris. At mas nagulat siya nang tuluyan siyang dalhin ni Chris sa banyo, sa kwarto ni Chris.

"Bakit ka ba naghuhugas ng mga pinggan?" Tanong ni Chris matapos lagyan ang daliri niya ng bandaid.

"H-Ha?"

Hindi itinago ni Chris ang ngisi niya kay Max, sa halip ay mas lumapit ito upang asarin.

"Miss mo na ako?" Tanong ni Chris nanag maalala muli ang mensahe sa kanya ng babae, at ang akala niyang tatanggi si Maxene ay tumango pa. Nabalutan siya ng hiya at kilig sa tinanong niya, na sana ay hindi niya na tinanong.

At nang lumabas na si Maxene, tumakbo na siya patungong kwarto niya at doon naglabas ng kilig na kanyang nararamdaman ngayon. Habang si Chris naman, pinasukan na ng mga kaibigan niya sa kwarto niya sa probinsyang ito at doon sila nagkantyawan.

Sa mesang kinaroroonan ni Max ay katapat ng kinaroroonan ni Chris na kasama ang dalawang kaibigan nito at iba pang pinsan ni Chris na lalaki, pero hindi nakatakas sa paningin ni Max ang grupo ng mga kababaihan na nasa likuran naman nina Chris na kanina niya pa napapansin dahil sa tawanan at usapan ng mga 'to na mukhang nagpapapansin.

"Mga pabebe." Saad ni Max sa kanyang isipan na sa sobrang pagtuon niya sa atensyon niya kung paano alisin sa paningin niya ang mga babaeng umaaligid kay Chris, hindi niya na napansin na nasa tabi niya na si Hades.

"Hi, Babylove." Bati ni Hades kay Max na wala pa rin ang atensyon niya sa katabi, at hindi niya na rin napansin ang pag-alis ng anak niya mula sa kandungan niya.

Dahil IkawWhere stories live. Discover now