23 - Two is Better than One

3.5K 55 2
                                    

Chris

"Love, bati na tayo?" Tanong ulit ng makulit kong nobya nang makarating na kami sa pina-reserved kong room dito sa Grande Hotel dito sa Baguio.

Ilang beses niya na bang natanong? At oo naman, sino ba naman ang makakatanggi sa magandang ito?

"Hmm.." Sagot ko na lang.

"Anong hmm? Hindi pa?" Tanong niya ulit kaya napatigil ako sa paglalabas ng mga damit namin mula sa bag na dala ko, kanina pa.

Actually, naiwan na 'yong bag dito sa pina-reserved kong room para sa amin. At nandito sa bag na ito ang ilang gamit ni Max at pati ako. Dala ko na 'to nang umalis ako kanina nang maaga. Pang isang gabi lang, babalik din kami bukas. Ngayon lang na monthsary namin.. Syempre..

Pero nakakalungkot lang dahil 'yong goal ko sana na 12:00 am ko siya babatiin, hindi na nangyari, pati sana 'yong surprise ko na ipagluto siya na pinag-aralan ko pa ng ilang araw kung paano, hindi na rin nangyari. Dahil sa nangyari, dahil doon. Nalito nga ako eh, dahil doon.

Hindi ko alam pero.. Pero hindi naman ganoon kababaw si Max para umiyak lang nang dahil lang sa hindi ako nagpaalam. At ngayon, parang nakalimutan ko na gusto ko siyang makausap kung ano ba talaga 'yong dahilan kung bakit siya umiiyak at parang galit sa akin. Wala lang, baka kasi may nagawa akong mali pero kahit isa-isahin ko 'yong mga natawa ko simula kahapon, walang dahilan para magalit siya sa akin. Maiintindihan ko kapag tampo, pero galit? Hindi eh. Lalo na't kita ko kung paano niya ako tignan nang galit at sigawan, at bakla man kung marinig pero iniyakan ko 'yon. Iniyakan ko siya.

Wish, kalimutan na nga. Ang importante, okay na kami ngayon. Okay na okay na. Ako lang naman 'yong pabebe rito. At ayos din naman 'yong nangyari, dahil hindi man natuloy 'yong plano ko, mas maganda naman ngayon dahil nandito kami ni Max ngayon sa hotel. Kaming dalawa lang. Alam niyo na. Haha. Loko lang.

Nanlambot ang mga tuhod ko nang maramdaman ko ang mga braso niya sa beywang ko at ang paghalik niya mula sa likod ko. Lumingon ako sa kanya at mula sa pagkakaupo niya roon sa edge ng kama, nandito na siya sa akin sa closet at nakakapit.

"Love, hindi pa tayo bati eh." Pagmamaktol niya at hindi ko man kita ang mukha niya pero ramdam ko naman na nakasubsob siya sa likod ko. "Hinalikan mo lang ako kanina pero hindi mo pa ako bati.."

Hindi pa? Eh, nag-sorry na nga kami sa isa't isa.

"Bati na tayo." Sagot ko.

"Sorry ulit ah, kung ang OA ko.." Sabi niya.

Bumuntong-hininga ako at humarap sa kanya. "Basta, kapag may problema ka, sabihin mo lang sa akin.. Sorry din, Mahal, kasi ang gago ko. Sa susunod, magpapaalam na ako sa'yo sa mga pupuntahan ko. Tangina ko kasi." Sabi ko.

Siguro, ayaw lang ni Maxene ng ganoon. 'Yung aalis ka at iiwan siya nang hindi nagpapaalam. Ayoko rin naman iyon.

"Stop cursing." Natatawang sabi niya at tinakpan ang bibig ko. "Basta bati na tayo. Happy monthsary sa atin!" Sabi niya na nakangiti.

Nag-usap na kami. Nagkalinawan na.. At pinapangako ko na last na 'yon na mangyayari sa amin. Oo, alam kong mag-aaway at mag-aaway kami pero hindi ko hahayaan na dumating kami sa puntong parang nabibiyak sa sobrang lito at hindi pagkakaintindihan..

"Ahm, ano pala ang g-ginagawa natin dito sa hotel? At bakit may dala tayong mga gamit? Are we going to stay here hanggang sa umuwi na tayo?" Sunod-sunod na tanong niya at ramdam ko ang pagkautal niya sa unang tanong..

Dahil IkawWhere stories live. Discover now