44 - Burden

3.1K 76 19
                                    

Maxene

Sa tingin ba nila, gusto ko rin 'tong pagsama ko sa Pangasinan?! Shet, no way in fcking hell.

"Max, baliw ka ba? Ba't ka ba pumayag? Tapos, mamaya na 'yong alis ninyo? Bakit ngayon mo lang sinabi, ha?!" Nakaramdam man ako ng takot sa mga sigaw ni Kuya pero ipinagpatuloy ko pa rin 'yong pag-eempake ng gamit namin ni Lennon.

"Maxie naman! Paano kung.. Paano kung ano ang gawin niya sa'yo roon knowing na hawak niya kayong mag-ina sa probinsya?!"

Napatigil naman ako sa sinabi ni Chiara at napatingin sa kanya. "Subukan lang niya."

"Tangina.. Hindi kayo aalis! Ako na ang haharap sa kanya kung pinipilit ka niya, ako na ang tatanggi! Alam kong napipilitan ka lang!" Sigaw pa ni Kuya.

Hindi nila naiintindihan. Ayan na lang parati ang nasasabi ko sa isip ko sa tuwing tinatanggihan nila ang desisyon ko. Ganoon ba ako kalabo para kontrahin lagi? Alam ko naman 'tong mga ginagawa ko. At ako lang ang nakakaalam ng mga dahilan kung ba't ko ginagawa ang mga 'to.

"Kuya, please?" Sabi ko kay Kuya at kita mo talaga ang galit sa pagkuyom niya ng kamao niya.

"Pumayag ka na sumama sa lalaking 'yon nang wala akong kaalam-alam. 'Yung lalaking bumaboy sa'yo. Alam mo ba, Max, gusto ko siyang patayin?" Sabi niya at pumatak na ang mga luha ko.

Sana nga, nagbibiro lang si Kuya, pero hindi malayong gawin niya 'yon. Kahit dati niyang kaibigan si Hades, hindi 'yon mababago ng sobrang galit na nararamdaman niya. Kasalanan ko rin naman, naging duwag ako kaya ko napala ang lahat ng pagpapahirap at takot na ito.

"Tapos, malalaman ko na hanggang pasko kayo roon? Ilang Pasko na nga tayong hindi nagkasama, tapos ngayon, wala pa rin?"

Sa ngayon, dalawang tao ang humihiling sa akin, dalawang taong mahal ko, si Kuya at si Lennon. At magkaiba sila ng hiling, sino ang pipiliin ko? Sino ang papayagan ko?

"K-Kuya, hindi ganoon.." Sinubukan kong sabihin pero wala namang tama sa aking sasabihin.

Si Lennon.. Siya lang naman ang dahilan kung bakit ko 'to ginagawa, para sa kanya. Dahil sa totoo lang, lahat gagawin ko nang wala na akong pake para sa sarili ko. Mahal ko ang anak ko.

At itong gagawin ko, para sa kanya ito dahil ito ang matagal niya nang hiling simula nang magkaisip siya.

"Max, ano ba na naman ang problema?" Kalmado nang tanong ni Kuya at lumapit na sa akin dito sa kinaroroonan kong sulok nitong kwarto.

Problema? Ewan, lahat, problema. Lahat nang nakikita ko, problema. Lahat nang naiisip ko, problema. Hindi ako bigyan ng tahimik na buhay ng mundong ito.

Hinawakan ni Kuya ang dalawang kamay ko dahilan ng pagtigil ko mula sa ginagawa ko, at hinawakan ko pa nang mas mahigpit ang mga kamay ni Kuya. "Walang problema, ano ba? Haha." Pagtawa ko.

Dahil IkawWhere stories live. Discover now