20 - The Signs

3.9K 66 6
                                    

Chris

Magto-twelve na nang tanghali nang makarating kami sa rest house dito sa Baguio. Mga 5-6 hours din ang naging byahe namin at ang hassle lang. Lahat kami, mukhang pagod. Ay, ako lang pala ang pagod dahil lahat ng mga kasama ko, excited na sa mga trip na gagawin namin dito nang bumungad pa lang sa amin ang fog sa byahe.

Pero sa ngayon, ngayong nandito na kami sa rest house, napagdesisyunan muna naming magpahinga nang kaunti at mamaya, ang unang plano namin ay ang pagpunta sa Burnham Park at kumain sa labas.

"Mahal, lunch na tayo, tapos pahinga tayo. Magpapalit ka pa ba ng damit bago tayo bumaba?" Tanong ko kay Max na pagod na nakayakap sa beywang ko.

Nandito na kami ngayon sa kwarto namin dito sa rest house. Nakaupo kami pareho sa edge ng kama. Nakaakbay ako sa kanya at siya, nakayakap sa beywang ko at mukhang pagod.

"No na. Mamaya na lang ako magpapalit." Sagot niya at medyo lumayo sa akin para magkatinginan kami.

"Pagod ka, Love?" Tanong ko habang inaayos ang zipper ng suot niyang jacket. "Lamig?"

"Yeah, it's cold. Medyo pagod lang, Love. Sakit ng leeg ko. Para akong na-stiff neck." Sagot niya kaya agad akong lumapit sa kanya at tinignan ang leeg niya. Siguro dulot ng maling position ng ulo niya mula sa pagkakatulog sa byahe. Mahirap talaga kapag bumabyahe eh.

"Chris, ano ka ba? I'm okay." Sabi niya at medyo natawa pa.

Anong okay? Eh, kasasabi niya lang na para siyang na-stiff neck.

"Masakit ata leeg mo, Mahal. Ayokong nasasaktan ka." Sagot ko habang marahang hinahaplos ang leeg niya at nakatanggap naman ako ng hampas. Aray ko.

"Ang cheesy mo!" Kinuha niya ang kamay ko na nasa leeg niya at pinag-intertwine na lang sa akin.

"Kain na muna tayo ng lunch, then we'll sleep later." Sabi ko at tumango siya.

Pagkatapos naming ayusin ang gamit namin, lumabas na rin kami. Oo, nasa iisang kwarto kami ng girlfriend ko. Dati naman na naming ginagawa at alam naman ito nina Tito, Tita, Papa at Mama, ano. Sila na rin ang nagsabi na isang kwarto na lang para sa aming dalawa. Ganoon ang tiwala nila sa amin. Kaso nga lang, may nangyari na sa amin. Haha.

Sa isang kwarto naman, magkasama si Andres at Jayden, Pat at Kean, Chiara at Riza, at solo naman ni Hades 'yung isa. Buti na lang, maraming rooms dito sa rest house.

At itong rest house na ito, pinatayo ni Papa kung sakaling gusto naming pumasyal at magbakasyon dito sa Baguio. At hindi lang naman para sa amin ito, may mga ilang kamag-anak din kaming tumitira rito. Parang nakikitira kung may vacation trip din sila rito sa Baguio.

"Oy! Nandito na pala kayo! Akala namin, nagtanan na kayo eh." Sigaw agad ni Pat nang makababa na kami mula sa taas.

"Ah, nag-ayos lang kami ng gamit namin." Sagot ni Max at kita ko ang pagkagulat nila. Silang lahat.

"Ano?! So ibig sabihin, magkasama kayo sa isang kwarto?!" Malakas na tanong ni Kean. Kung wala lang nakakakita, babatuhin ko na 'to ng lettuce.

"Oo, bakit? May problema ba?" Tanong ko na may halong pang-iinggit. Geh lang, mainggit lang kayo.

Nagkibit-balikat siya. "Wala lang.. Pero Max gusto ko lang sabihin sa ito na mag-iingat ka kasi nangangalabit--"

Dahil IkawWhere stories live. Discover now