26 - Ruined

3.2K 62 6
                                    

Chris

Pagkatapos ng gabing iyon, hindi ko siya ginulo sa loob ng dalawang araw. Kahit hindi siya humingi, alam kong kailangan niya ng space para makapag-isip, binigyan ko siya. Ipinaubaya ko sa kanya ang ilang araw kahit nababaliw na akong makasama siya. Pinagbigyan ko siya kahit hindi niya hiniling, pero alam kong ayun ang gusto niyang mangyari.

Ayung katagang sinabi niya sa akin? Tangina, halos lunurin ko na ang sarili ko sa alak para lang malaman ang explanation kung ano ba ang ibig ipahayag.

Nasasakal? Nasasakal na siya sa akin? Ganoon na ba ako kahigpit? Pinapayagan ko naman siya sa lahat ng gusto niya eh, pinapayagan ko. Oo, may limitasyon, pero para lang iyon sa ikabubuti niya. Pero kilala ko siya, hindi siya ganoon.. Kung may gusto niyang hilingin, nagpapaalam siya sa akin kahit alam niyang hihindi ako..

Kaya ito, hinahayaan ko siyang makapag-isip-isip mag-isa, at sigurado akong hindi magtatagal ay babalik siya. Naniniwala ako na pagod lang 'yong Baby ko kung bakit ganoon siya. Matutuwa na lang ako, baka mamaya, bigla na naman akong lambingin, 'di ba?

"Coach, sub na muna. Kailangan ko nang umalis, may titignan lang ako." Paalam ko sa coach namin.

Tumalikod na ako at naglakad palayo. Narinig ko pa ang tawag nina Pat at Kean sa akin pero hindi ko na pinansin.

Nagpunta ako sa locker naming mga players at doon na nagpalit ng shirt. Sa totoo lang, excuse kaming mga varsity nitong school ngayong araw dahil nagpa-practice kami para sa competition, division meet. Pero hindi rin ako makapag-concentrate dahil sa nangyayari ngayon sa amin ni Maxene. Naaapektuhan lahat bawat galaw ko.

Bago ko isuot ang panibago at malinis kong shirt, natawa ako nang makita ko ang regalo ko noong anniversary namin ni Max. 'Tong tattoo.

"Miss ko na 'yong may ari nitong regalong 'to." Bulong ko sa sarili ko. Miss ko nang mayakap, mahawakan, matitigan at mahalikan.

Ako? Nami-miss niya na rin ba?

Pagkatapos na pagkatapos ko mag-ayos, agad na akong nagtungo sa office kung saan alam kong nandoon siya.

***

"Ayun na nga eh, hindi ko rin alam kung bakit siya nagkakagano'n. Hindi na kami nag-uusap, I mean, hindi niya ako kinakausap sa tuwing tinatanong ko siya, at hindi na rin kami nagkakaroon ng time isa't isa." Sabi ni Chiara.

Pati rin ako eh..

"Kaya minsan, feeling ko, gumagawa-gawa lang siya ng mga paraang at dahilan niya para lumayo sa akin. Nakakaiyak nga."

Pati rin pala si Chiara. Hindi lang sina Jayden, Pat, Kean, Andres, at ako. At ni isang tawag o text, wala na rin.

"Wala naman siyang nasasabi sa'yong problema niya?" Tanong ko ulit.

Umiling siya. "Napapansin ko rin, parang nag-iba siya. Hindi ko alam.. Hindi naman siya ganoon kahit may menstruation siya. I know her but now, she's acting weird." Sabi niya at napatango ako.

Hindi na rin nagtagal, nagpaalam na rin ko kay Chiara at umalis na.

Sunod kong tinungo ang classroom namin. Baka. Baka pumasok siya at doon na dumiretso.

Sumilip ako sa loob at ayun nga, nakita ko siyang busy sa pagliligpit ng mga gamit niya.

Tinitigan ko siya. Mukha nga siyang may problema at ibang-iba ang hitsura niya sa kilala kong Maxene na laging nakangiti at kitang-kita mo ang saya sa kanyang mga mata. Pero kahit hindi, ang ganda niya pa rin. Mula sa kanyang mga mata, matangos na ilong, malambot na labi at huling hibla ng kanyang buhok. Basta, lahat.

Dahil Ikawजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें