Epilogue

4.6K 69 12
                                    

2 months later..

"Pa, hindi ako makapaniwala na ikakasal na ako." Bulong ko kay Papa.

"Hindi naman ako makapaniwala na Lolo na ako, anak." Sabi naman niya at mukha siyang naiiyak, pati rin naman ako.

Parang noon lang, sinasabi ko lang kay Max 'yong pakakasalan ko siya sa klase ng kasal na gusto niyo at biro ko lang noon na aanakan ko siya nang marami. Pero hindi naman joke 'yon, aanakan ko talaga siya nang marami para masaya. Bibigyan ko siya ng anak, mga anak na maglalaro sa aming bahay, babangon sa amin sa umaga at magiging dahilan ng tawanan sa tahanan namin. Bubuo kami ng pamilya na sagana sa pag-ibig at tiwala, hindi magulo at hinding-hindi mawawasak.

Ang sarap lang sa pakiramdam na 'yong vision mo lang noon, magiging reality na. Ngayon mismo ang umpisa, ngayong araw ng kasal namin ni Maxene Paris Anderson.

Ngayon, nandito na kami sa lugar kung saan mangangako at magtatapat ako sa kanya ng pag-ibig na iniaalay ko sa kanya at magiging saksi ang Diyos dito.

Garden wedding, ito 'yong gusto ni Max. Mga malalapit na kaibigan at pamilya lang ang imbitado sa kasal namin. Kahit gusto ko nang engrande, 'yong tipong malalaman ng lahat at maipagsisigawan ko na ikakasal na ako sa babaeng nasa pangarap ko, sinunod ko ang gusto ni Max. Pribado siyang tao kaya gusto niya itong kasal namin ay pribado rin. Hindi naman ako tumanggi dahil kung ano ang gusto ng mapapangasawa ko, okay na okay na ako roon. Kung saan siya masaya, doon ako maligaya.

"Parang noon lang, kasal-kasalan lang. Ngayon, totoo na talaga." Sabi ko pa.

"Ang drama naman. Ang bakla, Chris." Rinig ko namang sabi ni Kean na nasa kabilang side ko kaya napatingin ako sa kanya. "Pero hindi naman ako makapaniwala na magiging Ninong na ako."

"Ako rin." Andres.

"Ako rin, mga pre." Jayden.

"Ako. Ako talaga." Pat.

At ito, sumagot na ang apat na itlog sa tabi ko. Nagtawanan lang kami pagkatapos at kita ko kung gaano sila ka-proud sa akin.

Four months, apat na buwan nang buntis si Maxene. Pero hindi pa masyado halata 'yong laki ng tiyan niya, pati yata 'yong pagtaba niya, parang wala lang kasi mas sume-sexy siya lalo. Bagay sa kanya mabuntis, lalo siyang gumaganda at lalo ko siyang minamahal. Sa nakikita ko pa lang na paghaplos niya ng tiyan niya at pagkausap niya sa baby namin, parang lumilipad na ako sa saya at tuwa.

"Chris, ba't parang ang lungkot ni Kuya Kevin?" Bulong naman ni Kean sa akin at sinundan ko ang nginunguso niya.

Ayun, si Kuya Kevin, nakatayo siya at seryosong inaayos ang puting na coat rin na suot niya. Busy sa pagkakalikot sa phone at hindi nagtagal, parang ang lalim ng iniisip niya.

"Baka ipatigil niyan ang kasal . Minadali mo kasi." Pagtawa ni Kean.

"Hoy, hindi ah." Sagot ko.

Anong ako? Si Kuya Kevin kaya ang nagmadali sa amin, pero hindi naman ako tumanggi at ginusto ko rin. Gusto ko rin na ikasal na kami ni Maxene sa lalo't madaling panahon dahil gusto ko na siyang makasama sa isang bubong, mayakap sa aking pagtulog sa gabi-gabi, bumungad sa aking paggising, magluto ng pagkain para sa akin at sasalubong kapag galing trabaho.

'Yung mga konseptong iyon, ito, magsisimula na ngayon mismo.

Pero sa totoo lang, hindi pa namin sinasabi sa public na buntis si Maxene. Wala namang problema sa akin pero ayun ang pakiusap sa akin ni Kuya Kevin. Naiintindihan ko naman si Kuya Kevin, protective lang siya talaga sa kapatid niya kaya ayaw niya pang ipagsabi. Pero tulad ng sabi ko, kung kailangang umalis, aalis ako, para kay Maxene at sa baby namin.

Dahil IkawWhere stories live. Discover now