14 - The Game

4.6K 92 2
                                    

Maxene

"Hello, Love.. Good morning." Bati ko nang sagutin ko ang tawag niya.

Tuluyan ko nang binuksan ang mga mata ko at tumingin sa clock na nasa side table nitong bed ko. It's already 7:25 am. Hala.

Ano'ng oras na ako nakatulog kagabi eh. Nag-isip pa ako ng mga gagawin ngayon sa event, at ngayon, intrams na. Ngayon na ang start ng lahat ng games hanggang sa Saturday, yeah, tatlong araw ang event na 'to.

Kagabi, nag-uusap-usap pa nga kami nina Chiara at Vicky at ang ibang officers ng school dito sa GC namin. Hindi pa kasi settled pero mabuti na lang at naayos na rin at kasado na ang mga gagawin. Wala naman nang problema sa segment ng program at sa mga schedule ng laro, ayun nga lang, namomroblema lang kami sa bawat role namin. Ayun ang magulo, pero naayos na rin naman. I think. Bahala na mamaya.

"Sorry, Baby ko. Nagising ba kita?" Malambing na tanong niya sa kabilang linya at napangiti ako kahit hindi niya nakikita. Wala, napapangiti lang ako sa lambing ng boses niya. Para siyang nagbi-baby talk.

At bukod sa trabaho, isa rin ito kung bakit ako napuyat. Sinabi ko ngang maagang matulog pero online pa rin sa messenger kagabi! Hanggang sa tawagan niya ako at nagtelebabad na naman kami. Wala naman siyang masyadong sinabi kundi paulit-ulit na 'I love you' at kinantahan niya ako.

Napangiti ako. "Hindi. Buti nga, tumawag ka. Baka kasi makatulog ulit ako."

"Sunduin na kita?"

"Love ko, huwag na.. 'Di ba, napag-usapan na natin ito kagabi? Dumiretso ka na sa school at doon na tayo magkikita. Panigurado akong kakailanganin ka ng coach niyo dahil may practice pa kayo, para maaga ka. 10 o'clock ang umpisa ng game niyo, at baka ma-late ka pa kapag sinundo mo ako. At ang hassle pa non." Pagpapaalala ko at narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

Ang kulit-kulit nga eh. Gusto niya talaga akong sunduin dito sa bahay pero tumanggi muna ako. Syempre, ayoko naman na mapagod pa siya sa pagda-drive at pagpunta rito para lang sunduin ako. Kaya ko naman ang sarili ko, OA at nami-miss lang ako nitong boyfriend ko.

"Matagal ka pa ba?" Tanong niya pa na para nang nagmamaktol.

"Ito oh, maliligo na rin ako para makapasok na. Nasa school ka na ba?" Tanong ko at tumingala sa ceiling. Mukhang telebabad na naman ito.

Really, Maxene? Hindi ka nga nagpasundo sa boyfriend mo pero parang wala kang balak ibaba itong tawag.

"Nasa puso mo ako, Mahal.." Sagot niya at natawa ako sa kakornihan niya.

"Heh. Huwag mo na akong idaan diyan sa mga pabanat-banat mo." Natatawang sabi ko at natawa rin siya.

"Mahal kita. Miss na kita. Pakasalan na kita?" Sabi niya na naman at napakagat ako sa labi ko. Yes.

Darating rin tayo diyan. Huwag kang mag-alala, Chris Evan Ford.

"Mahal din kita. Gusto na kitang makita kaya ibababa ko muna." Sabi ko naman.

"Magagalit ka ba kapag sinabi kong nandito ako sa bahay niyo para sunduin ka?"

"WHAT?!" Namilog ang mga mata ko at napaupo na mula sa pagkakahiga.

"Joke lang." Sabi pa ni Chris at tumawa, napanguso ako at napairap.

"Nasaan ka na nga?" Pag-uulit ko.

Dahil IkawWhere stories live. Discover now