40 - Face to Face

3.1K 63 18
                                    

Chris

Hindi na sana ako nagpunta sa bahay. So pinapunta lang ako nina Papa roon, para lang malaman na nakalaya na si Hades? Wow ha, so ano naman ang pake ko?

'Yung inaasahan kong makakatulog nang maayos at maluwag, hindi nangyari. Paano mangyayari? Mas lalong gumulo ang isipan ko nang dahil lang sa gagong iyon.

Literal na hindi ako nakatulog. Kaya bahala na lang kung makakapag-perform ako nang maayos mamaya sa guesting namin.

Nasaan daw si Maxene? Bakit sa akin niya tinatanong? Bakit niya hinahanap sa akin? Alam niya ba na nasa condo namin ang mga hinahanap niya? Eh, hindi ko naman sinabi kay Papa o kay Mama ang tungkol kay Max, ni hindi ko rin alam kung alam din ba nilang may anak na siya at nandito na sa bansa.

At hindi ko pa rin sinasabi sa kanila ang nangyari, 'yung totoong nangyari kung bakit kami naghiwalay.

Umalis na ako sa bahay, inaalok pa nila ako ng almusal pero tumanggi ako. Nila, silang lahat, dahil hanggang ngayon, nandoon pa rin sina Tita Emma at Hades. Mas gugustuhin ko pang hindi kumain nang buong araw kaysa sa makasabay siya, hindi ko 'yon masisikmura. Tangina niya.

Nang marating ko ang palapag ng condo namin, binuksan ko ang pinto nang hindi kumakatok, at bumungad sa akin ang tatlo. Sino pa nga ba?

"Oy, Chris." Bati lamang ni Andres at pagod na ibinagsak na sarili sa couch ko. Oo, akin, 'yong tinutulugan ko.

Bale, tatlo ang couch dito at 'yong akin ang pinakamalaki at nakagilid siya para hindi upuan ng kahit sino at hindi pakialaman.

Pero pinakailaman niya kahapon.

"Nga pala, cancelled ang guesting natin ngayon. Bukas na lang daw, sabi ni Tito Denzel." Sabi ni Kean habang tutok na tutok sa paglalaro ng ML.

Mabuti naman kung cancelled dahil gusto kong itulog magdamag ang pagod ko. Thank You, Lord.

Napatingin ako sa paligid, at ngayon ko lang napansin na naging kaaya-aya 'tong condo namin. Maayos na, hindi na mukhang tirahan ng mga hayop. Nilinisan niya.

"Saan si Chiara?" Tanong ko at napatingin si Patrick sa akin.

"At ginamit mo pa talaga ang babes ko. If I know, si Max ang gusto mong tanungin. Nasa palengke sila, namamalengke. Malamang." Sagot niya.

"Si Jayden?"

"May pinuntahan, hindi sinabi."

Hanggang ngayon, napaka-mysterious pa rin ni Jayden eh. Ilang taon na kaming magkaibigan pero may mga bagay na hindi pa ako alam tungkol sa kanya. Maayos naman siyang kasama, mabait at matino, hindi masyado pala-kibo. Siguro, may girlfriend o pinopormahan ito. Haha.

Siguro, ganoon naman talaga. May iba't-ibang klase ng mga lalaki.

Tulad ng tatlong itlog na busy sa kalalaro rito sa sala, isip-bata kung umasta.

"Si Lennon?" Tanong ko naman.

Sabay silang tumingin sa akin at ibinaba ang kanya-kanyang phone.

"Nasa kwarto, umiiyak."

Medyo nagulat ako sa sinagot nila kaya napakunot ang noo ko.

Si Lennon, umiiyak? Bakit naman?

"Umiiyak?"

"Hindi namin alam kung bakit. Pero si Max, nagagalit. Pinagalitan ata." Sagot ni Kean kaya napatayo ako at nagpunta sa kwarto.

Dahil IkawWhere stories live. Discover now