30 - Biglaan

3.6K 64 14
                                    

6 years later..

"Nandito, nakaukit pa rin sa puso ko..

Nang sinabi mong 'wag na lang.. ~~"

Mapunta nga tayo sa puntong maaalala mo ang mga bagay na matagal mo nang gustong kalimutan. Kahit ano'ng pilit kang magtago para hindi makita, o kahit pumikit ka.. Hindi lang naman ang mga mata ang may kakayahang makita ang lahat, kundi ang isip, isip ang siyang gumagawa kung anong senaryo ng buhay ang iyong nakikita at naaalala. At sa isip na 'to, sa mga pangyayaring ito, hindi mawawala ang ang imahinasyon at mga alaala ng puso.

"Nandito, nakatatak pa rin sa isip ko..

Kung paano mo tinalikuran ang lahat.. ~~"

Paano ba mawawala ang mga bagay na hindi makalimutan? Matatawa ka na lang sa tanong. Eh hindi nga makalimutan, paano mawawala? Masaya, malungkot, o kahit nakakatakot 'yang alaala 'yan, ang gawin mo lang, huwag mo nang kalimutan. Gawin mo na lang bilang mga inspirasyon at dahilan para magpatuloy.

"Kay bilis.. Ba't umalis?

Nakaka-miss..

Na bigla lang, 'di ko man lamang nalaman na mawawala..

Na bigla lang, 'di mo man lamang naisip na idahan-dahan.. ~~"

Kumaway si Chris habang kumakanta na siya dahilan kung ba't umingay pa ang lugar.

"Hindi ako sanay sa biglaan..

Unti unti na lang sanang nawala.. ~~"

Sana nga, unti-unti na lang nawala. Gaya ng kantang sinulat niya, hindi siya sanay sa biglaan. Nagulat siya at sa huli, parang tinangay ang buong katauhan niya dahil sa pagkabigla.

"Hindi ba natin kayang magkunwari?

At sabihing sige na lang..

Hindi ba natin kayang dayain?

Ang mga yakap sa tuwing lumalamig.. ~~"

"Kean, ikaw na!" Masiglang sigaw ni Chris.

"Kay bilis.. Ba't umalis?

Nakaka-miss...

Na bigla lang, 'di ko man lamang nalaman na mawawala..

Na bigla lang, 'di mo man lamang naisip na idahan-dahan..

Hindi ako sanay sa biglaan..

Unti unti na lang sanang nawala..

Hindi ako sanay sa biglaan..

Unti-unti na lang sanang nawala.. ~~"

"Hindi talaga ako sanay sa biglaan.. Unti-unti na lang sana nawala.." Pagkanta pa ni Chris sa huli. Pero ginawa niya lang kanta ang gusto niyang sabihin, ang gusto niyang ipahayag. Naramdaman niya talaga at ayan pa rin ang nararamdaman niya..

Dahil IkawWhere stories live. Discover now