Paunang Salita

60 7 3
                                    

           Umihip ang malamig na hangin na dumampi sa kanyang balat kasabay ng katamtamang lakas ng ulan. Pinagmasdan nya ang pagtulo ng ulan sa salamin ng kanyang bintana.
           "Ma'am Aeona,ito na ang iyong kape," nakatuon ang atensyon sa amo na sabi ng matandang katulong.
          Ang kulubot na muka ng matandang babae ay mas lalong nalukot sa pagtataka nang hindi sya kibuin ng dalaga.
           "Ma'am,may problima ba?" puno ng pag-aalalang sabi ng katulong.
           Muli syang hindi nakarinig ng tugon kaya inulit nya ang pagtawag sa artista. Doon lamang natauhan si Aeona at tumingin sa kanya.
         "Bakit po?Do you need something manang?" kunot-noong sabi ng dalaga.      
         Bumuntong hininga ang katulong at napailing, batid nyang naglalakbay ulit ang isip ng magandang babae;tanging pang-unawa lamang ang kanyang dapat ibigay.
        "Ang sabi ko ay narito na ang iyong kape,"tugon ng matandang katulong.
       "Salamat manang," nakangiting sabi ni Aeona.    
       Tumungo lamang ang matanda at tuluyan nang iniwan ang babae sa silid.




        Tasa ng kape,malamig na hangin at katamtamang lakas ng ulan. Sapat ang mga ito para mapanatag ang sino man. Pero iba ang nararamdam ng artisa na si Aeona Aguilar. Ang ganitong panahon ay nagdudulot sa kanya ng matinding lungkot. Gusto nyang umiyak ngunit tila maging ang luha nya ay pagod nang tumulo sa kanyang mga mata.
           Humigop sya sa kanyang kape at muling pinagmasdan ang ulan. Lumakas ito na may kasamang malakas na ihip ng hangin. Sa panunuod nya ng ulan ay may nahagip ang kanyang paningin sa labas ng kanyang bahay. Taka nya itong tiningnan,ikinagulat nya ang taong kanyang nakita. Naglalakad ang kong sino na may suot na itim na kapoti. Sa lakas ng hangin at ulan ay nahirapan sya na kilalanin ang kasarian ng tao; sa unang tingin ay hindi mahalata ang dugo na umaagos sa kanyang suot.Tinitigang mabuti ng dalaga ang taong pumasok sa gate ng kanyang bahay. May dala itong baril;isang mahabang baril. Maraming dugo ang kanyang suot na inaagos ng ulan.   
           Agad syang tumayo at mabilis na bumaba.Sa sobrang bilis ay naunahan nya sa pagbukas ng pinto ang taong may bitbit ng baril.
           "Hello,ate!Miss me?" nakangiting bungad sa kanya ng kapatid.
           Tulalang tiningnan ni Aeona ang kabuoan ng babaing nasa harap nya. Mapupungay ang kanyang itim na mata,may mahabang pilik-mata;ang taas nya ay 5'8. Ang itim at maganda nyang buhok ay mas lalong naging tuwid  dahil ito'y basa. Ang habilog nyang muka na may manipis na pisngi ay bumagay sa kanya,mayruon syang manipis at mapupulang labi. Ang kanyang ilong ay kasing tangos ng ilong ng kanyang kapatid. Ang kutis nya ay maputi. Magkamukang-magkamuka sila ni Aeona, maliban lamang sa kanilang kilay at hugis ng mga mata. Ang artista ay may hazel nut shape na mata at kulay brown ang pupil nito;ngunit ang kanyang kapatid ay may oval shape na mata na tama lang ang laki,ito'y kulay itim. Mas matangkad si Aeona,ang kanyang taas ay 5'9.





           Bumilis ang tibok ng puso nya,balot ito nang kaba. Malaking takot ang bumalot sa kanyang mga mata kasabay nang dahan-dahan na pag-agos ng kanyang luha.
           "Teka!Basa ako. Ate,wag ka munang yumakap,"umaangal na sabi ng kapatid.
            Sabik ang artista sa kanyang kapatid,apat na taon nyang hindi nakita ito.   
           Hindi alintana ang nabasang damit ay patuloy syang yumakap nang mahigpit at malakas na umiyak.
          "I miss you so much Reo!"may luha sa mata nyang sabi.
          Si Reola Aguilar ay isang estudyanting sundalo na apat na taong nawala sa kanilang tahanan upang mag-aral. Ngayon ay ganap na syang sundalo at hindi nagpasabi na sya ay uuwi.
         Napapitlag sya nang maalala ang nakitang malakas na pag-agos ng dugo sa kaliwang kamay ng dalaga.
         Agad syang humiwalay nang yakap at pinagmasdan ang dugo na patuloy pa rin ang pag-agos.
          Nang mapatingin sa kapatid ay ikinagulat nya ang ngiting kanyang nakita.   
         Ang mga mata ni Reola ay balot ng lungkot at nagtutubig,pilit na pinipigil ang luha na gustong tumakas sa kanyang mga mata.  
        Muling ibinaling ng artista ang paningin sa dugong nakita.
       Walang pasabi nyang hinatak ang kapatid at kinuha ang First Aid Kit.



         Dahan-dahan nyang dinampi ang bulak sa malaking sugat. Patuloy pa rin ang pagtulo ng dugo kaya minabuti nyang kumuha ng binda at may ingat na binalutan ito.
        "Ate,bakit parang malungkot ka? I feel something is wrong with you,"nag-aalalang sabi ng nakababatang kapatid.    
        Inilapag ng artista ang gunting at sobrang binda.   
        Umupo sya sa tapat ng kapatid at hinarap ito.
       "I'm ok. Ikaw?Why?Bakit ganyan ang salubong mo sa akin?Sugatan ka. Hindi ka nila ginamot!"kunot nuo nyang sabi.
        Natigilan ang artista ng marinig ang mahinang tawa ng kapatid. Kumawala ang malakas na buntong hininga mula sa kanya at tumaas ang kilay na tumitig.
        "And why are you laughing?May nakakatawa ba sa sinabi ko?"
         "Because your not good in pretending. I don't want to talk about me,I want to know how you feel. I sense it. Their is something wrong,you cried in my arms like someone died. Yung mga mata mo,iba. Puno ng takot. Noong binuksan mo ang pinto,kitang-kita ko ang panginginig ng mga kamay mo. Noong niyakap mo ako ay ramdam ko ang panginginig ng katawan mo. I know na four years tayong hindi nagkita,but that's the first time I saw you acted like that. Even when our dad died,you never show trembling and loud cry like that–"Hindi naituloy ni Reola ang nais sabihin nang biglang sumigaw ang kanyang kapatid.
      "I said. I'm fine!"malakas na sabi ni Aeona.
       Mabilis syang tumayo  at naglakad patungo sa kanyang sariling kwarto. Naiwang tulala ang kanyang kapatid. Mayamaya ay lumatay ang isang ngisi sa kanyang labi.
       "Your fine?But you lived me with teary eyes,"Napailing nyang sabi.



         Sinarado ng aktres ang pinto ng kanyang  kwarto. Sumandal sya sa pinto at muling inalala ang mga nakita. Butil-butil na tumulo ang pawis sa kanyang noo nang makita ang imahe ng taong gusto nya ulit makita. Unti-unti nyang naalala kong anong nakita nya noong buksan nya ang pinto upang salubungin sana ang dumating. Nakita nya ang imahe ni Neil,umaagos ang dugo sa kanya at malungkot na nakangiti. Nang ikurap nya ang kanyang mga mata ay si Reola na ang nakita nyang nasa harap nya. Umupo sya sa sahig at yumakap sya sa kanyang tuhod. Kasabay nang pag-agos ng luha ay pag-ihip ng hangin,walang tigil na kulog at kidlat na may malakas na ulan.

Releasing Souls(On Going)Where stories live. Discover now