Ikalabing-Isang Kabanata

15 5 0
                                    

Inikot ni Aeona ang kanyang muka paharap sa camera at seryusong tumingin dito.Kinuhaan sya ng camera at muling tumayo ng tuwid hawak ang blue leather jacket."Nice pose!Change outfit na tayo."Utos ng photographer.Mabilis na inabot sa kanya ang isang red dress na may ingrave na mga bulaklak.Agad nyang sinuot ito.







Lumabas ang aktres sa CR at inayos ang pagkakasuot sa damit.Handa na syang bumalik sa photo shoot pero may nabangga syang lalaki."Sorry.Wait!Hezekiah?Anong ginagawa mo dito?"Gulat na tumingin sa kanya si Aeona.Malawak namang ngumiti ang lalaki.May gusto sanang sabihin si Hezekiah,pero di nya nagawang sabihin dahil sa lalaking tumawag sa kanya."Hezekiah!Nagkita na pala kayo ni Aeona.So I guest magkakilala na kayo?"Nagugulohang tumingin ang aktress sa photographer na nagsalita."No,Erick.Let me introduce myself properly,Aeona.My name is Hezekiah Limaco.And I'm a model.Ako yung ka-team up nyu ni Yurres para sa isang sikat na clothing line.I'm sorry,I didn't make it last time.Namali kasi ng sched ang manager ko."Nakangiting pagpapakilala ni Hezekiah.Mas lumaki ang mata ni Aeona at gulat na tumingin sa lalaki.








"Ang gwapo pala talaga ni mystery guy.Bakit nya kaya tinatago ang identity nya? Kita naman ang muka nya sa mga magazine at billboard.Yun nga lang iilan lang ang nakakaalam ng real name nya."Kinikilig na sabi ng hair styler ni Aeona.Kasalukuyan nyang inaayusan ang aktres habang pinapanuod ang solo shots ni Hezekiah.Nakangiting pinanuod ng aktres ang lalaki na papalit-palit ng magagandang pose."Eona,lets go."Kunot nuong tawag ni Yurres sa aktres.Takang tiningnan ni Aeona ang aktor ng makita ang nakakunot na nuo at nakasimangot nyang muka.








"Now,hold her waist Hezekiah.Yurres,touch her chin.Both Yurres and Aeona make an fierce eye contact."Utos ng photographer.Di nakawala sa paningin ng aktres ang mabilisan na masamang tingin ni Yurres kay Hezekiah.Samantalang di naman napansin ng lalaki ang ginawa ng aktor."Very Good!Now,let me see the love triangle theme of the photo shoot."Muling utos ng photographer.Biglang hinatak ni Hezekiah si Aeona paupo sa bench at umaktong hahalikan.Gulat na tumingin si Yurres sa kanila.Natauhan ang aktor at umupo rin sa bench katabi si Aeona.Hinawakan nya ang kamay ng aktres at pinalungkot ang muka na nakatingin sa babae.Ang aktres ay nakisakay na lang sa balak ng dalawa.Pumikit sya upang magpanggap na naghihintay ng kunwaring halik."Yan!Ganyan nga.Very Good."Tuwang-tuwa na sabi ng photographer.








Ilang pose pa ang ginawa ng tatlong modelo bago tuluyang natapos ang photo shoot."Hezekiah,do you have a free time for dinner?Gusto mo sumama sa amin ni Yurres?"Nakangiting sabi ni Aeona."Sorry,may appointment pa kasi ako.Let set a sched next time.I'm really sorry,but I have to go.Nice photo shoot with you Guys."Wala namang nagawa si Aeona at hinayaan umalis ang lalaki.Malungkot na ngumiti si Hezekiah kina Yurres bago tuluyang umalis.








"Sir?Nung nakita natin silang paalis mula sa photo shoot dati,di ba sabi mo wala ka pang balak magpakita sa kanila?At sabi mo din,di mo na tatangapin ang offer na makatrabaho sila."Naguguluhang tanong ng driver ni Hezekiah.Napatingin ang lalaki sa bintana ng kotse at tiningnan ang mga nadadaanang buildings."Nuon yun.Hindi ito ang una naming pagkikita.Binalak ko silang lahat na batiin sa sementeryo.Pero si Aeona lang ang nakausap ko."Tumungo-tungo ang driver at tinuon ang paningin sa kalsada.







Natigilan si Aeona sa pagkain at tiningnan si Yurres na nakatingin din sa kanya."May problima ba Yu?"Napalunok ang babae ng makita ang seryusong muka ng kaibigan.Tinusok ng lalaki ang karne at sinubo.Matapos ngumuya ay nagpunas sya ng labi gamit ang tissue na nasa table.Si Aeona naman ay matyagang naghintay ng sagot mula sa kaibigan."Paano mo nakilala si Hezekiah Limaco?"Seryusong sabi ng aktor."Nakilala ko sya sa sementeryo,sya ang nagbalik ng nawala kong kwintas."Sagot ng aktres.Muli nyang pinagpatuloy ang pagkain.Uminom ng tubig si Yurres at muling nagtanong."Ganun pala kayo ka-close?Pumayag ka kasing magpahawak ng bewang sa kanya.Which is unusual because you often decline sensual touching in other models."Napahinto naman sa pagkain ang aktres at gulat na tiningnan ang aktor.Ngayon lang nya napagtanto na masyadong intimate ang nangyaring photo shoot."Maganda naman ang kinalabasan."Kaswal na sagot ni Aeona.Tumalim ang tingin ng aktor sa kanya."So,ok na pala sayo ngayon na hawakan ka ng kunsino-sinong model."Kunot-nuong sabi ng aktor."Why are you mad?You act like your not professional now Yurres.Are you jealous?"Muling natigilan ang aktres ng marinig ang mabilis na sagot ni Yurres."Yes,I'm jealous!"Natigilan ang aktor ng mapagtanto ang sinabi.Nagsimula ang bulungan ng ibang customers dahil sa biglang pagsigaw ni Yurres.Ang ibang saksi ay nagsimulang kumuha ng mga litrato."I'm sorry,please excuse me."Mabilis na tumayo ang aktor at lumabas ng restaurant.Gulat na sinundan ng tingin ni Aeona ng kaibigan.Di sya makapaniwala na hanggang ngayon ay may nararamdam pa rin sa kanya si Yurres.







Matapos lumabas ng restaurant ay nagtungo ang aktor sa kanyang kotse. Hinampas ng paulit-ulit ni Yurres ang manibela at iniyuko ang ulo dito."Why did I said that,stupid!"Nag-igting ang panga nya at napahawak ng mahigpit sa manibela.Mayamaya ay pumasok si Aeona sa kotse ng aktor.Sa dami ng iniisip nya ay di nya napansin ang pagpasok ng aktres.Kinalabit nya ang kaibigan na nakayuko pa rin."Yurres,uy!Kausapin mo ako.May sakit ka ba?"Concern nyang tanong sa kaibigan.Napalayo ang aktres ng biglang napaayos ng upo si Yurres at gulat na tumingin sa kanya."Wala akong sakit.I'm really sorry.Gumawa ako ng scene sa restaurant."Di sya makating ng tuwid kay Aeona dahil sa kahihiyan."Ok na yun,inutos ko sa mga body guards na ipabura ang mga kinuhang litrato ng mga customers sa restaurant.Kaya wala kanang dapat alalahanin."Tipid na ngumiti ang aktres sa lalaki.








"Eona,kalimutan na lang natin ang nangyari.I didn't mean what I said---."Di natuloy ng binata ang kanyang gustong sabihin ng sumingit ang aktres at nagsalita."Ba't mo nga ba sinabi yun,Yu?"Sandaling natahimik ang aktor,di nya alam ang sasabihin.Mayamaya ay tumingin sya sa mata ni Aeona."Mahal pa rin kasi kita.Di ko mapigilang mag-selos."Seryusong sabi ni Yurres.Hindi kakikitaan ng gulat ang muka ng babae.Napabuntong hininga sya at malungkot na tumingin sa kaibigan.Akward na napatawa ang binata.Pilit syang ngumiti."Wag kang mag-alala.Darating din ang panahon na kapatid na lang ulit ang turing ko sayo."Napatingin ang aktres sa kaibigan.Ng marinig nya ang sinabi ni Yurres ay bigla syang nakaramdam ng takot at sakit ng damdamin.Hindi nya mapaliwanag ang nararamdaman kaya nanatiling tahimik ang aktres.

Releasing Souls(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon