Kabanata Dalawampu't Ikaapat

15 1 1
                                    

                Nag-inat ng katawan si Hezekiah nang magising siya sa kalagitnaan ng gabi.Naglakad-lakad siya at nang makarating sa labas ay nakita niya si Aeona na tulalang nakatingin sa bilog at maliwanag na bwan.Bumalik siya sa loob at nang muling siyang lumabas ay may dala siyang kumot na kaniyang inilatag sa sahig ng Yate. Kunwari siyang umubo ng malakas upang makuha ang atensyon ng artista na nagawa niya. Nginitian niya ito na gumanti ng tipid na ngiti sa kaniya.Lumapit siya sa modelo at umupo sa nakalatag na kumot.Ginala niya ang tingin sa mga nakalatag sa pagitan nila.Sa pagitan nila ay may tatlong bote ng gatas,chips,biskwet,at isang lata ng beer na hawak ng modelo."Inumin mo ang gatas.Makakatulong 'yan para makatulog ka na,"paliwanag ni Hezekiah nang makita ang pagtataka sa muka ng kaibigan.Bahagyang ngumiti si Aeona sa malasakit ng modelo,totoong hindi siya makatulog kaya kahit ala-una na ng madaling araw ay nasa labas pa rin siya.
                 Narinig ni Aeona ang mahinang tunog ng gitara na nagpabalik ng tingin niya sa modelo.
"Isipin natin na selebrasyon ito ng pag-uwi natin.Tama ako sa kalkula ko na pitong araw lang ang kailangan para makabalik tayo sa Maynila.Bukas... sabi ni Manong Pedro ay nasa Maynila na tayo,"sabi ni Hezekiah nang matapos niya ang pagtuno ng kaniyang gitara.Binalik niya ang tingin niya sa artista nang maalala ang dapat niya pang sabihin."Nga pala,may cellphone na sa daungan ng Yate.Pwede mo na agad tawagan ang kapatid mo upang malaman nila na ligtas ka."
                Lumawak ang ngiti ni Aeona nang marinig ang pagtugtog ng kaibigan.Sinabayan niya ang pagkanta ni Hezekiah ng 'We Can't Stop' na kanta ni Miley Cyrus.Sa tuwing pwede niyang ulitin ang mga liriko ng kanta ay ginagawa niya ito ng pabiro at wala sa tuno na nagpapatawa sa kanilang dalawa.Minsan ay bumibirit siya sa kanta na wala sa tono kaya tumatawa sila ng malakas.Ang sunod na kanta ay 'Hair' na kanta ng Little Mix.Sa umpisa ng kanta ay nabigla si Hezekiah ng sumabay si Aeona at kinata ang panimulang lyrics na,"Switch it up."Ginaya ng artista ang pagkanta ni Perrie Edwards na isa sa membro ng Little Mix.
                   Natigilan siya sa pagtugtog."Bakit?Tuloy mo,maganda 'yan,"sabi ni Aeona na hindi napigilan ang kaniyang tawa.Natawa din ang modelo at napatakip sa kaniyang bibig."Bakit?!"muling tanong ng artista na may ngiti pa rin sa kaniyang labi."Nagulat lang ako na alam mo pala ang kantang 'Hair',"tumatawang sagot ni Hezekiah. "Oo naman,ang gaganda kaya ng mga kanta ng Little Mix.Isa 'yan sa paborito kong kanta."Muli niyang pinagpatuloy ang pagtugtog at sabay silang kumata,'di nila mapigilan ang malakas na tawanan sa tuwing kinakanta ni Aeona ang kaisa-isang censor sa kantang 'Hair' ng Little Mix.
                    "Aeona!" natatawang awat ni Hezekiah sa kaibigan nang muli niyang kantahin sa huling chorus ang censor sa kanta."Kasama 'yon sa lyrics,"tumatawang sabi niya.Malakas ang tawanan ng dalawa nang matapos ang kantang "Hair".Malawak na ngumiti ang modelo dahil napansin niya na tila nawala ang lungkot ng kaibigan,sinadya niya talaga na masasayang kanta ang una at ikalawang niyang tinugtog kasi alam niyang malungkot si Aeona.Ang sunod na kanta ay nagpawala ng malawak na ngiti ni Aeona.Ayaw man niyang maaalala ang isang bagay ay 'di niya napigilan ang mga ala-alang muling sumagi sa kaniya sa simulang tugtog ng gitara.Mahalaga ang kantang ito para kay Aeona,lingid sa kaalaman niya ay mahalaga din para sa modelo ang kanta na tinutugtog niya.
                    Ang magandang boses ni Hezekiah ay sumakop sa katahimikan ng paligid kasabay ng magandang pagtugtog niya sa gitara.Ngumingiti siya tuwing nagtatama ang tingin nila ni Aeona.Inakala niya na hindi alam ng artista ang kantang 'Kung Pwede Lang' ni Lovie Poe dahil hindi na sumasabay ang artista sa pagkanta.Tipid na ngiti na lamang ang binibigay niya sa binata na hindi maiwasang mapansin ang kalungkutan sa kaniyang mga mata.Binalewala niya ang lungkot ni Aeona dahil alam niya na kung gusto talaga ng artista na mag-kwento ay magkukusa itong magsabi sa kaniya. Ang saya ni Hezekiah ay 'di matago,bumabalik sa kaniya ang mga ala-ala nila ni Olquesei.Ang kanta kasing ito ay kinanta niya noong nangliligaw pa lang siya sa yumaong nobya.






                    Ang hawak ni Reola sa manebela ng kaniyang kotse ay humigpit.Malungkot siyang tumitig sa Airport na pinagdalhan niya kay Shiyo nang matapos siyang sunduin ng kaniyang ina at nagpasya na bumalik na sila sa South Korea.Ayaw sana nilang umalis nang malaman ng tiya niya na nawawala ang kaniyang ate,pero wala itong nagawa.Kailangan nilang makalayo sa Pilipinas sa takot ng heneral na madamay sila sa pagganti ng mga sindikato.Natigil ang malalim niyang pag-iisip nang tumunog ang kaniyang cellphone.Halos mabitawan niya ito nang marinig ang boses ng kaniyang kapatid na nagsabing nasa daungan siya ng San Quajin na nasa Quezon City.








               "Sigurado ka ba talagang ayaw mong
magpahatid,Aeona?"
               "Sigurado ako.Alam mo bang tatlong ulit mo ng itinanong 'yan?"Napailing na lamang ang modelo sa sagot ng kaniyang kaibigan.
                     Nag-aalala siya sa lagay nito,nanganganib pa rin ang buhay nila lalo't ngayon ay nasa Pilipinas na sila."Aeona,"suway niya sa kaibigan nang hindi niya na mapigilan na punahin ang pabalik-balik na paglalakad nito sa harapan niya na tila naiinip na sa kahihintay nila sa kaniyang kapatid.Sabay silang napalingon sa dalawang itim na kotse na huminto sa harap nila."Ayan na sila,"magiliw na sabi ni Aeona.
                  Humakbang siya papalayo sa modelo na pinigilan naman siya sa pagbaba sa Yate. Mahigpit ang hawak nito sa kaniyang kanang braso at seryusong nakatingin sa dalawang sasakyan na dumating.Mas lalong humigpit ang hawak ni Hezekiah sa kaniyang braso nang biglang dumating ang apat pang kotse. Mabilis siyang hinatak ng modelo sa loob ng kaniyang Yate.Masama ang kutob ni Hezekiah.Ngumisi siya nang makarinig ng sunod-sunod putok ng baril na ang pinapatamaan ay ang kaniyang Yate.Nagtungo siya sa mga kahon na pinaglagyan niya ng mga baril at inabot ang isang M16 kay Aeona.Tulalang inabot ng babae ang baril.
                     Bumuntong hininga si Hezekiah,lumapit siya sa kaibigan at inalog ito."Umayos ka.Sabi ko naman sayo, nasa panganib pa tayo.Tumawag na ako sa mga pulis.Marunong ka naman humawak ng baril, 'di ba?Dito ka lang,hihintayin natin ang tulong.Sa ngayon,kailangan nating gawin ang lahat upang maging ligtas tayo."Akmang lalabas ang modelo sa kwarto pero pinigilan siya ni Aeona.Ngiti lang ang tugon ng modelo na inalis ang kapit sa kaniyang kamay.





"Ayos lang,pipigilan ko sila sa pagpasok dito-"
"Hindi sasamahan kita.Tama ng nandito sina manang Beatriz at manong Peter.Kaya kong pigilan sila na makapasok dito.
"Pero-"
"Walang pero-pero,Hezekiah.Hindi ako mahina tulad ng iniisip mo."




                   Dahan-dahang humakbang sa huling palapag ng Yate ang mga kalalakihan na may mga dalang baril. Bago sila tuluyang makapasok sa loob ay pinaputukan na sila ni Hezekiah. Isa-isa silang napatumba sa hindi inaasahang kilos.Mabilis na lumabas sina Hezekiah na gumapang sa huling palapag.Pinaputukan sila ng iba pang mga armadong lalake. Ang mga bala ay tumama lang sa mga bakal na nakapalibot sa Yate.Gumanti si Aeona na nagpaputok ng baril sa mga lalaking nakatayo sa daanan palabas ng Yate. Ang lalaking bigutilyo na nasa unahan ay natamaan niya.Tumuba ang tatlo pang kasunod nito sa likod nang isa-isa silang binaril ni Hezekiah.Tiningnan niya si Hezekiah na nakuha naman ang gusto niyang ipahiwatig.
                      Mabilis na bumaba si Aeona palabas ng Yate habang sunod-sunod na nagpaputok ng baril si Hezekiah sa iba pang mga armadong lalake na nasa labas ng Yate upang makaalis ng ligtas ang artista. Mabilis na nagtago si Aeona sa nakaparadang puting kotse.Binaril niya ang mga nagtatagong kalaban sa kanilang kotse na anim na kilometro lang ang layo sa kaniya upang makasunod sa kaniya ng ligtas si Hezekiah.Nakatago na ang modelo nang muling gumanti ang ang mga kalaban.
Ilang minuto pa ang lumipas nang dumating si Reola kasama sina Yurres at Jlints kasunod ang dalawang pang kotse na sinasakyan ng mga sundalo.
                       Binuksan ng heneral ang kaniyang kotse at mabilis na nagtago sa pinto nito.Kasunod niyang bumaba sina Yurres at Jlintz,maging ang mga sundalo ay bumaba rin sa kanilang mga kotse.
Nang mapansin sila ng mga armadong lalake ay sila naman ang pinagbabaril. Mabilis silang nagtago sa likod ng kani-kanilang kotse. Sinamantala nina Aeona at Hezekiah na wala ang atensyon sa kanila,lumabas sila sa pinagtataguan at binaril ang mga kalaban na kaya nilang patumbahin.






******

N/A:Sorry for the long inactive days and short update. Bawi na lang,next time. I am happy to announce that I'm an official contract writer of Webnovel!! Soon, I'll be posting my new story there. Abangan niyo 'yon kasi nakaka excite ang new story ko. Maganda 'yon, promise. Full English novel siya. At first time ko gawin 'yon. I hope, you all support me sa Webnovel kagaya ng pag suporta niyo dito. I'll be dropping the synopsis here. At completed story na pag nasa Webnovel na 'yon.

Releasing Souls(On Going)Where stories live. Discover now