Ikawalong Kabanata

15 5 0
                                    

"Minsan malabo ring kausap si ate."






Napakamot ng ulo si Reola dahil sa inis.Hindi nya maintindihan kung bakit iba ng kinikilos ng ate nya.Para sa kanya ay simple na stalker lang ang pinoproblima ng aktres.At madali lang sa kanya bilang heneral ng mga sundalo na hanapin ang taong kumuha sa kanila ng mga litrato.






Kasalukuyang nag-aalmusal ang heneral ng umihip ang hangin,gininaw sya kaya napayakap sa sarili.Inurong ni Reola ang upuan at dinampot ang kape.Pero napahinto sya ng may maramdamang tao sa kanyang likod.Mabilis nyang inilapag ang kape at humarap upang suntukin ang taong nasa likod nya.Laking gulat nya ng hangin lang ang kanyang nasuntok.






"Teka,alam kong may tao kanina sa likod ko.Weird, paranoid na yata ako dahil sa stalker."





"Nasa likod mo ako kanina."





Na istatwa si Reola ng marinig ang isang boses.Gulat na napalingon ang heneral.Mas lalong nanlaki ang kanyang mata ng makitang nakaupo na sa kabilang upuan ang isang lalaki.Inilabas ni Reola ang kanyang baril mula sa tagiliran at itinutok sa lalaki.





"Sino ka at pano ka nakapasok sa bahay namin?!"





"Ang ganda ng baril mo.Isang revolver."





Napaawang ang labi ni Reola sa gulat.Sa isang kisap mata ay hawak na ng lalaki ang kanyang baril.Ilang segundo na natigilan ang babae.Ng makabawi ay sinugod nya ang lalaki.




Tumayo ang lalaki at umalis sa kanyang upuan.Mabilis nyang sinangga ang sipa ng heneral.Nabigla sya ng bumawi ng isa pang sipa si Reola mula sa kanyang bakanting paa,na nagpatalsik ng baril.






Tinangkang kunin ng lalaki ang baril,pero muli syang sinugod ng suntok ni Reola.Bagamat mabilis kumilos ay natamaan parin sya ng heneral.Sunod-sunod na sipa at suntok ang pinakawalang ng babae na tumama at nagpaatras sa lalaki.




Gumanti ang lalaki ng sipa.Hindi ito inasahan ni Reola kaya natamaan sya at napaatras sa lamesa.Nauga ang lamesa, nalaglag ang tasa at mga plato.Lumikha ito ng ingay kaya agad na lumabas si Aeona mula sa leaving room para alamin ang nagaganap.





Isang sipa lamang ang natanggap ng heneral,ngunit pakiramdam nya ay isang bala ng baril ang tumama sa kanya.Napaupo sa sakit si Reola habang hawak-hawak ang tyan na nasipa.






"Ipagpaumanhin mo,di mo kasi ako hinayaang magpaliwanag."






Nakangiwing sabi ng lalaki.Na-alarma naman sya ng makita si Aeona.Sinadya ng aktres na hindi suotin ang kanyang pendant. Kaya inaasahan nya na magpapakita sila ano mang oras.Lumipat ang tingin ng aktres sa kapatid.Nag-aalala nya itong tinulungan na tumayo.Napadaing sa sakit si Reola ng sya ay makatayo.







"Bakit kailangan mo syang saktan!"






Napahawak naman sa batok nya ang lalaki ng marinig ang pagsigaw ni Aeona.





"Kaya nga!Napaka sadista mo talaga Raguel."






Mula sa likod ay sumulpot ang dalawa pang lalaki.Malawak ang kanilang ngiti.





"Sinugod nya ako.Pasensya na talaga Eona."





Sincere naman ang paghingi ng tawad ng nakalaban ni Reola.Isang kumpas ng kamay ang ginawa nya at nagtatakang nag-angat ng tingin ang heneral sa nakalaban,wala na syang naramdamang sakit.





Releasing Souls(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon