Ika-labing Pitong Kabanata

6 3 0
                                    

  

   Humihikab na uminom si Aeona ng kape,maaga syang nagising upang mag-agahan at mag handa sa pagpasok sa trabaho. Ngayon kasi ang huling araw ng shooting nya para sa kanyang pelikula.
    May natitirang pa syang isang oras bago umalis,
nakabihis na sya at tanging agahan na lamang ang kulang. Nang makaupo sa sala ay kinuha nya ang remote ng TV at binuksan ito. Bumungad sa kaniya ang  babaing reporter na ang inuulat ay tungkol sa showbiz.
   "Usap-usapan ngayon sa mga social media ang mga litrato ni Yurres Sandoval na may kasamang babae. Sa unang litrato ay kumakain sila sa isang restaurant. Ang pangalawa naman ay ang pag-akbay ng aktor sa babae habang inaakay niya ito palabas. Siya na nga ba ang bagong nobya nito–"
   "Kay aga-aga, chismis agad ang balita," angil ng artista pagkatapos patayin ang TV.
      "Oh! Anong muka 'yan?" tanong ni Reola. Umupo siya sa tabi ng kapatid. Nagtataka niyang tiningnan ang artista na ang tanging tugon lang ay pag-iling.
   "Himala ata at ang aga mo magising ngayon. Alas-syete pa lang ng umaga,gigisingin sana kita. Gantong oras ay humihilik ka pa sa kama mo."
   "Ano?! Hindi ako humihilik."
   "Humihilik ka kaya.”Tumawa ang heneral. Humigop siya ng kape nang may ngiti sa labi. Muntik naman siyang masamid nang hampasin siya sa balikat.
   "Ano ba?!"
   "Hindi kasi ako humihilik–"
   "Oo na! Ano bang problima mo?"
   "Si Yurres ang problima ko."
   "Paano napasok si kuya Yurres sa usapan?"
   "Bahala ka nga sa buhay mo,Reola."

    Kumunot lalo ang noo ng nakababatang kapatid sa inakto ng kanyang ate. Minabuti nyang sundan ito.

    "Ano ba kasing nangyari? Magkweto ka, sabi mo ay 8:30 am pa ang alis mo,"pangungulit na sabi ni Reola. Sandaling natahimik ang sikat na artista. "Ano bang nangyari,ate?" Gustong sumagot ni Aeona pero hindi nya nagawa nang nakatanggap sya ng text mula sa kanyang manager na nagsasabing nasa labas na sya ng bahay.
     "I have to go, Reo. Lets talk about it next time. Eat your breakfast before leaving. Coffee is not enough."

    Nang makarating si Aeona  sa set ng shooting ay agad syang namangha sa ganda ng Boracay. Malinis ang lugar, malamig ang simoy ng hangin. Magandang pagmasdan ang asul na dagat, malamig sa paa ang puting buhangin. Iilan lang ang mga toristang kanyang nakita na naglalakad at kumukuha ng litrato sa kanilang mga sarili.
     Matapos ang saglit na paglalakad ay nagtungo sila sa resort.
    Ang resort ay malawak,
pag pasok pa lang ng staff nya ay bumungad sa kanila ang malawak na swimming pool. May iilang beach board na ginawang display sa paligid, Narra ang mga upuan at mesa sa lobby ng resort. Ang simentadong dingding ay kulay asul.
    Nang makarating sa  front desk ay sumalubong at bumati sa kanila ang mga staff ng resort. Matapos ang mga proseso sa pag check-in ay inakay sila sa kanilang kwarto.
    Pagpasok ni Aeona sa kwarto nila ng kanyang babaing manager ay bumugad sa kanila ang dalawang puting kama. Agad nyang hinanap ang dalang script at muling kinabisa ito. Sa tuwing sisimulan nyang kabisaduhin ang kanyang mga linya ay pumapasok sa isip nya ang litrato nila Hyena at Yurres. Agad syang napapapikit at ang kanyang kilay ay kumukunot sa inis. 
    Ito'y napansin ng kanyang manager. Si Lea Delmondo,ang matangkad na nyang manager. Sya'y morena. Payat ngunit may hubog ang katawan, ang kanyang mata ay itim, at kapansin- pansin ang maliit na nunal nya sa ibaba ng kanyang kaliwang mata.
"Is their any problem Aeona? It's hard for you to focus again?" tanong nito sa kanya.
    Bumuntong hininga ang artista at tumungo.
    "Maaga pa naman... you still have time to walk and find a good spot to practice  your lines."
    Sandaling sumeryuso si Aeona nang marinig ang pangalan ni Yurres na nagpalito sa kanyang manager.
     Pilit syang ngumiti at nagpaalam sa morenang babae. Lumitaw ang isang malawak na ngiti kay Lea.
     "Maybe, she found out the news."

     Mabagal na hinakbang ng sikat na babaing artista ang kanyang mga paa sa puting buhangin. Bawat hakbang ay lumulubog nang saglit ang kanyang mga paa. Nagpalipat-lipat ang kanyang tingin sa paligid, may mga batang naglalaro at mga teen-ager na kumukuha ng litrato sa dagat. Sa tuwing nakikilala sya ng mga tao ay agad silang nagkakagulo at nagpapakuha ng litrato.                Nagawi ang tingin nya sa lalaki na naka-suot ng puting polo at green na short.
      "Hezekiah?!" Lumingon ang lalake at ngumiti na nagpalabas ng  kanyang puti at pantay na ngipin. Kulay kape ang kanyang buhok na may kahabaan. Ito ay tumatakip sa kanyang noo. Matangos ang kanyang ilong, malamlam ang itim na mata, at manipis ang kanyang pisngi. Dalawang sentimetro ang lamang ng tangkad ni Hezekiah kay Aeona.
     "We've seen each other again."
     "Destiny?" sabi nila nang sabay, kasunod ng tawa.
     "Why are you here? Vacation?" tanong ni Aeona.
     "Nope, it's for work. I have a photo shoot here. How about you?"
      "I have a shooting for my movie."
      Napansin ng artista ang ngiti ng modelo. Parehas pa rin ng ngiti nya ngayon ang ngiti na nakita ni Aeona sa puntod. Para bang walang inaalala ang binata.
       "Is their something wrong, Aeona?"
       "Ha?! Nothing... you look good and happy."
      "I am happy, there is a lot of things to make me happy. You.... you look stress,"natatawang sabi ni Hezekiah. Ngumuso sya nang ito ay marinig, si Yurres lang naman ang gumugulo sa isip nya ngayon.
       "It's about the movie?" Nag-iwas ng tingin si Aeona, wala syang balak na sagutin ang tanong ng modelo. May  tiwala sya sa binata, sadyang ayaw nya lang na isipin ang matalik na kaibigang lalake.
       "Hhmm! Let me guest..." Humawak si Hezekiah sa kanyang baba at tiningnang maigi ang artista.
       "Hayop ba ito? Lugar?
Ahhh—"
       "Tumigil ka nga," natatawang sabi ni Aeona.
       "I'm just kidding, if you don't want to talk about it. It's ok."

      "Where have you been?" bungad na tanong ni Yurres kay Aeona. Seryuso syang tiningnan ng aktres, pakiramdam niya ay muling bumalik ang inis niya sa kaibigan. Mas nadagdagan ang inis niya ng maalala ulit ang balita. "Bakit ba ako naiinis sa kanya? Nagseselos ba ako?"tanong niya sa sarili.  "Naglakad-lakad lang," mataray na tugon niya kay Yurres.
       Nilagpasan niya ang artista. Pilit niyang sinasabi sa sarili na dapat syang maging masaya para sa kanyang mga kaibigan; saksi sya sa mga pinagdaanan nila.            
       Nalilito sya sa kanyang nararamdaman, naiinis sya sa artista. Nasasaktan din sya ng malaman na sumuko na si Yurres sa panliligaw sa kanya. Bakit nga ba sya nasasaktan? Ang alam nya ay si Neil lang ang lalake na mahal nya hanggang ngayon.                
      Naramdaman nya ang pagtutubig ng kanyang mga mata. Akala niya ay maayos na ang lahat pero masakit pa rin pala na hindi niya na kasama ngayon ang namatay na kasintahan.
      Ginagawa na ang huling scene ng pelikula ng biglang may tumawag kay Yurres, kailangan nilang ihinto ang shooting dahil sa nangyari. Nahihiyang humingi ng tawad ang artista sa lahat at lumayo upang sagutin ang tawag sa kanyang cellphone.
       "Kailangan ba talagang nakabukas ang cellphone habang umaarti sya?" bulong ni Aeona sa sarili. Matalim ang tingin niya sa kaibigan. Ang hawak ni Aeona sa bottled water ay mahigpit, mas lalo humigpit ang hawak niya rito nang nakita niya na tumatawa si Yurres habang may kausap sa cellphone.
       Nakuha ang atensyon niya ng cellphone niyang tumutunog, nayayamot na kinuha ito ni Aeona.
      "Hello?"
      "You'll get old early when you continue glaring," sabi ni Hezekiah sa kabilang linya.
      Agad nyang hinanap ang modelo sa paligid at nakita niya ito sa tabi ng kubo na malapit sa kanya. Kumaway ang binata sa kanya nang may malaking ngiti sa labi.
      "Bakit nakasimangot ka pa rin?"
      "Dapat ba akong ngumiti?"
      "Ang taray!"
      "Sorry."
      "Nagselos ka?" Napansin  ni Aeona na tinitingnan ni Hezekiah si Yurres, mukang alam din ng modelo ang inis na nararamdaman niya.
      "Ano? Hindi ah!"
      "Hindi nga halata," may sarkasmo sa tinig na sabi ng binata.
       Narinig niya ang tawa ng modelo kaya lalong nainis si Aeona. Matalim na tiningnan ng sikat na artista ang lalake. Patuloy lang sya na tumawa at hindi pinansin ang kanyang galit. Nagpasya sya na lapitan ito. Tingin ba nito ay masyado syang mabait kaya hindi sya takot sa kanya.
       "Ok,ititigil ko na ang pagtawa."
       Natutuwa ang modelo na makita ang kanyang emosyon. Noong una kasi ay akala niya na maarte at mayabang ito na nakita niyang ugali ng mga sikat na artistang naka-trabaho niya.
       "Umamin ka na kasi sa kanya,"tumatawang sabi ng modelo. "Ano bang sinasabi mo? Itigil mo ang tawa mo," seryusong sabi ni Aeona.
        "Natutuwa kasi ako sa muka mo, para kang nalugi."
        "Nandito ka ba para lang mangasar?"
        "Hindi naman, slight lang," may malawak na ngiti na sabi ng lalake kasabay ng isang kindat sa kanya.     
        Natawa naman ang sikat na artista. Saglit niyang nalimutan ang inis niya kay Yurres. Ngayon, nagulat sya na sa maikling panahon ay naging malapit sila sa isa't-isa.
        Sa isang banda naman ay nanonood sa kanila ang dalawang lalake. Kulay abo ang  mga mata nila at itim ang kanilang buhok.   
        "Tama bang nangyari ito, Michael?"
        "Ito ay nasa plano ni Ama, Gabriel."
        "Ngunit–"
        "Gabriel... 'wag ka nang tumutol. Kailangan na mag-kakilala sila," 'di kakikitan ng emosyon na sabi ni Michael.

         

       "You all did a good job for the movie. After the editing of it, we will all watch it together in the premier night. But for now...lets celebrate,all foods and drinks are charge on me!" may sayang sabi ng direktor ng pilekula. Ang lahat ay nag-sigawan sa tuwa; tanging pag-sasaya na lang ang gagawin nila sa buong gabi.
        Nakasimagot na pinanood ni Aeona ang pag-kalikot ni Yurres nang kanyang cellphone. Ang ngiti ng kanyang kaibigan ay hindi mawala habang ka-txt si Hyena. Sinasabihan sya ng nobya na 'wag uminom ng marami. Samantalang, gusto niya namang kumbinsihin  ang kasintahan sa balak nyang pag-inom ng marami.
       Ang atensyon ni Aeona ay nalipat sa inilapag na inumin sa kanyang harapan.
         "Enjoy your drink, Ma'am." Mabilis na umalis ang lalaking waiter na nagbigay ng alak; pero bago sya umalis ay napansin ni Aeona ang ngisi nito.       
        May tamis na may
ka-unting asim ang asul na alak sa panlasa ng sikat na artista. Matapos ang isang laguk sa alak ay  nakaramdaman sya agad  nang matinding hilo at pananakit ng sikmura.
         "Aeona!" Kaagad na lumapit si Yurres sa  kaibigan nang nakita niya na bigla itong natumba. Takot at  kaba ang naramdaman niya ng nakitang nangingisay si Aeona sa sahig habang nabula ang bibig.
         "Humingi kayo ng tulong!"
        

Releasing Souls(On Going)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora