Kabanata Dalawampo't Ikatlo

11 2 1
                                    

              

                   Palipat-lipat ang tingin ng lalaking kulay abo ang mga mata sa mga empleyado na nasa coffee shop. Nang nakita niya ang taong hinahanap ay agad na lumitaw ang ngiti sa kaniyang labi. Siya'y naging seryuso  nang tingnan siya ni Gabriel. Hinanap niya kong sino ang tinitingnan ng kaniyang pinuno at nang makita niya si Hyena,siya'y napangiti.
                    "Siya talaga ang tunay na dahilan kong bakit madalas kang narito." Tila walang narinig ang pinuno ng mga anghel na humigop sa kaniyang kape.Ibinaba niya ang kaniyang tasa nang maalala ang gustong niyang itanong sa kapwa- anghel."Sabihin mo ang totoo.Ano ba talagang tunay na dahilan kong bakit mo binalik ang ala-ala ni Aeona?"Mabilis na naglaho ang ngiti ni Gabriel.Mayamaya ay nakarinig si Michael ng mahinang tawa mula sa kaniya na kaniyang panagtakahan.
"Iyon kasi ang tamang gawin."Padabog na binaba ng pinuno ang kaniyang tasa na gumawa ng ingay kaya nakuha nila ang atensyon ng ibang tao na malapit sa kanila.    
                  "Bakit ba napaka suwail mo?! Sinalungat mo ang gusto ni Ama dahil lang sa walang kwentang dahilan."Sinuklay ni Michael ang mahabang buhok dahil sa inis at nanlaki naman ang mata ng kasama niya sa gulat."Galit na  galit?"Tumatawang sabi ni Gabriel na muling sumubo sa kaniyang keyk. Itinaas naman niya ang kaniyang kanang kamay,handa na siyang manakit.
                  "Huwag ka nang sumama sa ibang mga mortal,ginagaya mo na ang pananalita nila."Hinarang ni Gabriel ang kaniyang mga kamay sa muka upang hindi masaktan sa inakala niyang hampas na matatamo.
 "Mapanakit ka,ha!Ang ugali mo pinuno. Attitude ka?"Tumatawang pa ring sabi ni Gabriel."Aba't!Pinagpapatuloy mo pa talaga?!"malakas na sabi ng pinuno ng mga anghel na muling nakaagaw ng atensyon ng mga tao. Tanging malakas lang na tawa ang tugon sa  kaniya na lalong nagpainit ng ulo ni Michael.

                   "Umayos ka nga!Alam kong nagsisinungaling ka. Sabihin mo na agad ang totoo kong ayaw mong ikulong kita." Agad na huminto si Gabriel sa pagtawa at umayos ng upo.
 "Isang lihim na misyon ang ginawa ko. Inutos iyon ni Ama,"mabilis na sabi ng kapwa niya anghel;sunod ang isang malawak na ngiti.
                   "Ano?! Bakit hindi mo agad sinabi?"
                   "Hindi ko maaaring sabihin sapagkat kasama iyon sa misyon ko."
                   "Kong ibabalik niya rin pala,bakit niya pa inalis?"
                   "Kasama iyon sa kaniyang plano."
                   "Minsan talaga napaka hirap niyang unawain,"kunot-nuong sabi ng pinuno.
                   "Paano mo siyang mauunawaan? Anghel ka, Diyos siya. Sadyang kumikilos siya ng ayon sa mga plano niya. Lahat ng plano niya ay para sa ikabubuti nating lahat.Hindi lang talaga maunawaan ng mga tao na lahat ng masamang nangyayari sa buhay nila ay may mga magandang dulot sa huli. Mas pinipili nila na magalit at hindi na lang siya kilalanin dahil akala nila ay wala talagang Diyos na nagbabantay sa kanila.Kung malalaman lang nila kong gaano sila kamahal ng Diyos ay baka hindi na nila maatim na gumawa pa ng kasalanan."
                   Tumungo-tungo si Michael bilang pagsang-ayon.Ibinalik niya ang tingin sa mga empleyado at nang makita si Hyena ay muli niyang ibinalik ang tingin kay Gabriel. "Maari rin ba nating ibalik ang mga ala-ala ni Hyena?"Natigilan ang kapwa niya anghel at ngumiti ng malawak.
"Oo,kung......"matyagang hinintay ng pinuno ang nais sabihin ng anghel nang huminto ito sa kaniyang pagsasalita.
                   "Kung aamin ka na may gusto ka kay Hyena ay baka pag-isipan ko na tulungan kang ibalik ang mga ala-ala niya."
                   "Hindi,kalimutan mo na lang,"Nag-iwas ng tingin na sabi ni Michael,ang kasama niya naman ay tinawanan lang siya na lalong lumakas ang tawa nang makitang namula ang muka ng kaniyang pinuno.
                   

---- -----




              Binigay ni Hyena ang buo niyang lakas para tuluyang masara ang kaniyang coffee shop. Napayuko siya nang makitang ayaw sumara ng kandado.Binitiwan niya ang kandado at hinimas ang namumula niyang palad.Muli niyang sinubukan na isara ito, ngunit tila ayaw nitong sumunod sa kaniyang gustong mangyari o kaya naman ay labis na ang pagod niya na ang magaang gawain tulad ng pagsara lamang ng kandado ay 'di niya magawa.
                 Lumingon siya sa kaniyang likuran nang makarinig ng yabag ng sapatos."Kailangan mo ng tulong,"nakangiting tanong sa kaniya ng isang lalaki na kulay abo ang mga mata.Lumawak ang ngiti ng lalake nang nahihiyang tumungo sa kaniya si Hyena.Lumapit siya sa kandado at mabilis itong nasara na kaniyang kinagulat."Mukang marami ulit nagpunta sa coffee shop..."sandaling huminto ang lalake na tumingin sa kaniya." Maaari ba kitang makasama sa pagkain? May malapit na restaurant dito.Kung pwede?Nakalimutan ko magpakilala,ako si Michael."Tiningnan siyang mabuti ni Hyena,pamilyar ang muka ni Michael.Alam niyang madalas na pumupunta ang lalake sa coffee shop at natatandaan niya rin na siya ang nakausap niya dati.

Releasing Souls(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon