Ikalabing-Anim na Kabanata

11 1 0
                                    

Nilanghap ni Yurres ang malamig na hangin. Ang isip nya ay nakatuon sa mga gusto nyang mangyari,hinaplos nya ang kanyang labi at muling naalala ang halik nya kay Hyena. Makaraan ang limang minuto ay nagpasya sya na buksan ang pinto ng kanyang kotse upang yayain nang kumain ang dati nyang nobya. "Hey!Wake up. May date pa tayo,"mahina nyang bulong habang nakangiti. Nagsitayuan ang balahibo ng dalaga matapos ang ginawa ng aktor,nagpatuloy sya sa kunwaring pagtulog kahit na ang totoo ay gising na gising ang diwa nya matapos ang paghalik sa kanya ng binata.
"Don't make me kiss
you again-"mapang-akit na sabi ni Yurres,hindi nya natapos ang kanyang nais sabihin. Mabilis na minulat ni Hyena ang kanyang mata at inayos ang kanyang upo sa front seat ng kotse. Natamaan nya ang noo ng aktor dahil sa kanyang ginawa.
"I'm already awake!"
"Aray!"sabi ni Yurres nang nakapikit at napasapo sa noo. "Sorry,"hinimas nya ang namumulang noo ng binata. Iminulat nya ang kanyang mga mata at nagtama ang kanilang tingin. Masayang ngumiti si Yurres na nagdulot ng pagkawala ng singkit nyang mga mata,lumitaw ang maputi at maganda nyang mga ngipin. Unti-unting bumilis ang tibok ng puso ng dalaga. Saglit syang natulala sa aktor,pamilyar ang nararamdaman nya ngayon. Ito ang madalas na epekto ng ngiti ni Yurres sa kanya,ngiting kahit na sinong babae ang makakita ay segurado na mananakaw ng puso at iibig sa kanya. "Yen?May problima ba?"
"...... Ha?Wala naman. Masakit pa rin ba ang noo mo? Lagyan natin ng yelo nang hindi bumukol?"
"No need,I'm ok. Lets go to the resturant. We are both hungry."





Ang kanilang pagkain ay napuno ng katahimikan,nais ni Hyena magsalita upang magtanong.Ngunit sa tuwing ibubuka nya ang kanyang bibig ay nawawala ang kanyang kompiyansa na kausapin si Yurres. Naalala nya ang halik sa kanya ng dating nobyo,masaya sya sa nangyari ngunit malabo ang totoong layunin ng aktor. Mahal ba sya ng binata o pinaglalaruan lang sya? Gusto nyang tanungin kong ano ba talaga ang estado ng relasyon nila ngayon,ang mga ginawa ni Yurres ay ginagawa lamang ng isang lalaki sa kanyang nobya. Marami syang tanong pero wala syang lakas nang loob na sabihin ito sapagkat natatakot sya sa sagot na kanyang matatanggap mula sa minamahal. Hindi nya namalayan na sya'y napayuko,ang mga mata nya ay kusang nagtutubig. Napalunok sya,pilit na pinipigil ang pagtulo ng kanyang luha.
"Yen,what's wrong?"nabalot ng pag-aalala na sabi ni Yurres. Wala syang nakuhang sagot sa kanyang tanong,ramdam nyang may mali. Matagal nya nang kilala ang babae kaya kabisado nya na ang kilos nito. Minabuti nya na lamang na hindi mangulit,alam nyang kung kayang ibahagi ni Hyena ang problima ay kusa nyang sasabihin ito.





Hininto ni Yurres ang kanyang kotse sa tapat ng bahay ni Hyena,tiningnan nya ang oras sa kanyang wrist watch. Ten P.M na,sa tingin ng aktor ay may mabigat na problima kaya maaga nyang hinatid pauwi ang babae. Walang imik si Hyena at nakatingin lang sa nakabukas na bintana ng kotse. Lumingon sya kay Yurres ng maramdaman ang paghawak sa kanyang kamay,pinisil ng aktor ang kanyang mga daliri. Ang mga mata nya ay kakikitaan ng pag-aalala.
"Speak it out. Anong mga iniisip mo? Kanina ka pa walang imik,I know something is bothering you."
"Do you love me in a romantic way Yurres?"tuwirang tanong ni Hyena nang nakatingin sa mga mata ng binata. Rumehistro ang gulat sa kanyang gwapong muka,hindi nya inasahan ang sinabi ng dalaga. Napaiwas sya ng tingin bago sumagot,"I....don't know,"mahina nyang bulong na tama lamang upang marinig ng dalaga. Naningkit ang mga mata nya sa naramdamang sakit. Inasahan nya na ang sagot ni Yurres,masakit pa rin sa kanya na marinig ang mga salita mula sa minamahal. Nanikip ang kanyang dibdib,maraming emosyon ang umaapaw sa dalaga:galit,lungkot, at panghihinayang. Galit dahil pakiramdam nya ay niloloko sya,lungkot sapagkat kahit paano ay umasa sya na mamahalin syang muli ng aktor,at panghihinayang na hinayaan nyang matapos ang kanilang relasyon noon. Kung maibabalik nya lang ang nakaraan ay gagawin nya ang lahat upang hindi sila tuluyang maghiwalay ni Yurres. Halo-halo ang mga ito sa kanyang damdamin,napahawak sya nang mahigpit sa palad ni Yurres at hindi na naitago ang mga nararamdaman.
"Bakit mo ito ginagawa?! Pinaglalaruan mo ako. The way you treat me feels so right. But for you, I think it feels so wrong,"pumipiyok na sabi ni Hyena,ilang saglit pa ay umagos ang kanyang luha. Nanlabo ang kanyang mga mata dulot ng luha na walang tigil sa pagtulo. Natigilan sya sa nakitang mga emosyon sa muka ng babae. Binabalot ito ng lungkot at galit para sa kanya. "I want to court you again Yen!-"
"Wait,what?!"
"I want to court you again. I want to try again. Give me another chance please?!"nagsusumamong sabi ng aktor. "You can't distinguish your feelings for me but you want to court me? Don't make me stupid....because I'm already stupid for you! I'm stupidly in love with you
until now-" naramdaman nya ang paglapat ng malambot na labi
ni Yurres sa kanyang labi na nagpatigil sa kanyang nais na sabihin. Hinawakan nya ang batok ng dalaga upang maidiin ang halik,samantalang patuloy na umagos ang luha sa mga mata ng babae. Mahal na mahal nya ang aktor kaya binuhos nya lahat ng pagmamahal nya sa halik. Unti-unting naghiwalay ang kanilang labi. Inilapat ni Yurres ang kanyang noo sa noo ni Hyena na ikinagulat ng dalaga,hawak pa rin ng lalaki ang kanyang batok. "Please,let me move on and love you again. I badly need you,"nagmamakaawa nyang sabi. Napapikit si Hyena,ninanamnam ang sandali na magkadikit ang kanilang mga balat. Hinihiling nya na sana huminto ang oras. Sobrang saya nya na marinig ang kagustuhan ng minamahal. Minulat nya ang kanyang mata at taimtim na tumingin kay Yurres. "Mahal na mahal kita,"may diin at mahina nyang sabi sunod ay hinalikan nya ang aktor. Tila sabik na sabik sya sa bawat paglapat ng kanilang labi. Tumugon sya sa mga halik,sa mga sandaling humiwalay ang labi ni Hyena sa kanya ay agad nya itong hinahabol at mas dinidiinan ang halik kasabay nang mahigpit nyang yakap dito. Kumapit sya sa batok ng binata,nais nya pang mas maramdaman ang bawat paglapat ng kanilang labi. Habol ang hininga ay yumakap nang mahigpit si Hyena kay Yurres,ayaw nya ng bitawan ang lalaki. Natatakot sya na mawala ulit ang aktor sa kanyang bisig at habulin si Aeona.
"Don't court me again Yu."
"What?!Yen,I thought you love so much. Why?"
"Kasi tayo na ulit. Hindi mo na kailangan manligaw,sinasagot na kita. I'll teach you to love me again like before."
"Owhh!Wala ka pa ring pinagbago. You're so agressive."
"Stop giggling. Ang dami kasing gayuma ang pinainom mo sa akin. Hanggang ngayon ay mahal pa rin kita. I don't want to waste the chance. Baka magbago pa ang isip mo,"puno ng takot na sabi ng nobya. Hinaplos ng nobyo ang mahaba at magandang buhok ng babae,ang ngiti nya ay malawak. Masaya sya sa desisyon ni Hyena,segurado na sya. Ang matagal nyang pagmamahal kay Aeona ay ibabaling nya sa kanyang kasintahan. "I love you Yu,"masaya nyang sabi. "I know Yen,"sagot naman ni Yurres.

Releasing Souls(On Going)Where stories live. Discover now