Ikalabing-Tatlong Kabanata

12 5 0
                                    

Aliw na aliw si Hyena habang isa-isang tinitingnan ang mabagal na paglaglag ng mga tuyong dahon sa kaldasa.Napangiti sya ng madampian ng malamig na hangin.Gawain ng dalaga na maglakad-lakad sa umaga bago simulan ang trabaho.Isa ito sa paraan nya para ma-relax ang sarili.






Sandali syang natigilan ng makita sa di kalayuan si Aeona.Naglalakad ang aktres at tila may sinusundan.Di kalayuan sa posisyon ng artista ay naruon si Yurres na naglalakad din ng mag-isa.Mas lumawak ang ngiti ni Hyena.Itinaas nya ang kanang kamay,handa ng bumati sa dalawang kaibigan.Muli syang natigilan ng makitang huminto sa paglalakad ang dating nobyo at naglabas ng patalim.Humarap ang aktor kay Aeona ng maramdaman nyang nasa likod na nya ang aktres,kasabay ng tangka nyang pananakit sa babae gamit ang kanyang patalim.Mabilis ang naging reaksyon ng dalaga na agad lumiyad upang maiwasan ang talas ng patalim.Mabilis na tumayo si Aeona at sinangga ang sunod na pagsipa ni Yurres.







Hindi makapaniwala ang nanunuod na si Hyena.Nanlaki lalo ang mata nya ng makitang pinagpatuloy ng kanyang mga kaibigan ang kanilang away.Nagmadali syang tumakbo upang malapitan sila.Malakas na sinipa ng aktres ang kamay ng lalaki dahilan para mabitawan nya ang hawak nyang patalim.Hinugot ng babae ang baril nya mula sa kanyang tagiliran at itinutok kay Yurres.Seryusong tumingin ang aktor sa kaibigan sunod ay malamig syang tumingin sa babae.








Mayamaya ay dumating si Hyena at malakas na sinipa ang baril ni Aeona.Sabay na napatingin sa kanya ang dalawang artista."Ano bang ginagawa nyu?!Bakit kayo nagpapatayan?"Sigaw ng babae sa mga sikat na kaibigan.Natigilan sya ng marinig ang malakas na sigaw ng isang lalaki."Cut!Who are you?Sabihin nyu nga sa akin kong sino ang babae na ito,kasama ba sya sa mga cast natin?"Napalingon ang babae,nahihiya nyang inikot ang paningin sa paligid.Duon nya lamang napansin ang ilang camera sa di kalayuan na nakatutok sa kanila.Naglapitan ang ilang tao sa mga artista at pinunasan ang kanilang pawis.Pagkaraan ay inayos nila ang make-up ng dalawa.Ilang beses naman na binasa ng writer ang script,inaalam kong kasama ba ang ginawa ni Hyena sa scene na kinukuhanan nila."Hindi sya kasama sa cast direk.We can still continue the next scene.Tama lang naman ang pasok nya para i-cut ang nakuhaan na scene."Paliwanag ng writer na patuloy pa ring binabasa ang script.








Yumuko si Hyena at humingi ng tawad sa lahat.Ngiting-ngiti na tumingin sa kanya ang kanyang mga kaibigan."Lakas maka-sipa sis.Sabagay,ginalingan mo naman.Wata,yahh!"
Tumatawang pang-aasar na sabi ni Aeona na umaktong sumisipa sa hangin.Matalim na tumingin sa kanya ang matalik na kaibigang babae.Itinaas nya ang kanang kamay at hinarang ang palad sa muka ng aktres."Shut up!Ako na nga itong gustong tumulong.Ako pa ang napahiya."Nagkatinginan ang dalawang artista at sabay na tumawa."Ngayon ko na lang ulit nakita na ginawa mo ang mannerism mo Yen.Muka ka pa ring tanga pag ginagawa mo yan."Nakangiting sabi ni Yurres.Ipinatong nya ang kamay sa ulo ng dalaga at ginulo ang buhok nya.Napaismid ang babae,iniwas nya ang tingin sa aktor.Pilit nyang tinago ang isang ngiti na hindi nakalampas sa paningin ni Aeona.Unti-unting nawala ang ngiti ng aktres.Patuloy pa rin sa pagtawa ang aktor ng pilit na inaalis ni Hyena ang kamay ng lalaki sa kanyang ulo.Nagkatinginan ang dating magkasintahan,sabay silang natigilan.Lumipas ang ilang segundo ay lumatay sa kanilang mga labi ang isang ngiti."Tama na rin siguro ang ginagawa ko."Sa isip-isip na sabi ni Yurres.Napaiwas ng tingin si Aeona at ibinaling nya sa iba ang atensyon.







"Action!"Sigaw ng direktor.Hudyat para ituloy ang fight scenes ng palekula.Halata ang pag-seryuso ni Aeona.Masama ang tingin nya sa aktor habang nakatutok ang kanyang baril sa lalaki.Bumawi ng masamang tingin ang aktor.Itinaas nya ang dalawang kamay tanda ng pagsuko."Anong kailangan mo sa akin?"Magsasalita na sana ang aktres ngunit hindi nya nagawang magsalita.Napaatras sya at luminga upang tingnan ang pinagbagsakan ng kanyang baril.Hindi nya inasahang sipain ito bigla ng lalaki.Muli nyang tiningnan ang aktor ng sumugod sya.Isinanga nya ang braso sa suntok ng lalaki.Gumanti sya ng suntok na tumama sa muka ng aktor.Napangiwi sya ng maramdaman ang lakas ng suntok ni Aeona.Gulat nyang tiningnan ang aktres.Napasingahap ang lahat ng staff,maging ang direktor at si Hyena ng makita ang pagtulo ng dugo sa labi ng aktor.Muling sumugod ang aktres at sinikmuraan ang kaibigan.Napayuko si Yurres,napaubo sya sa lakas ng suntok ni Aeona.Sunod ay inilabas ng aktres ang kanyang posas."Mr.Palma,arestado kayo sa salang pagpatay kay Ms.Bianca Morales.May karapatan kayong manahimik.Lahat ng iyong sasabihin ay maaring gamitin sa iyo."Seryusong sabi ng aktres.Maya-maya ay naglabasan ang mga nakatagong pulis at hinila ang aktor upang ipasok sa isang kotse.Tulala pa ring nanunuod ang direktor.Ng matauhan ay agad syang nagsalita para tuluyang tapusin ang nagaganap na scene.Hindi pa rin nawala ang gulat sa lahat,maging ang writer ay tulala sa mga artista.Hindi nila inasahan na totoong magkasakitan ang dalawang artista.Sa katunayan ay wala sa isip nila na maging brutal ang aktres.Nakasulat ang lahat sa script ngunit wala sa isip nila ang ginawang pag-arti ni Aeona.Ng marinig ng aktres ang hudyat ng direktor ay mabilis syang tumalikod.Seryuso syang naglakad kasabay ng isang ngisi sa kanyang labi,di alintana ang mga tingin at iniindang sakit sa sikmura ni Yurres.







Manghang pinanuod ni Hyena ang matalik na kaibigang babae.Wala syang kamalay-malay sa ginawa nyang mali.Inakala nyang magaling lang talagang umarti ang dalawang kaibigan.Tinapik nya ang balikat ni Aeona at sinabayan ito sa paglalakad."Wow!Pang best actress talaga ang pag-arti mo sis."Mas lumawak ang ngisi ng aktres ng marinig ang papuri ng kaibigan.


"Anong problima nya?"Tanong ng aktor sa kanyang sarili."Sir?"Sagot naman ng make-up artist nya.Ginagamot nya ang natamong sugat ng lalaki.Umiling ang aktor sa make-up artist."Wala."Ang tangi nyang sagot.Kunot-nuo nyang tiningnan si Aeona.Di nya malaman kong bakit napalakas ang mga natamong atake mula sa kaibigan.Napalingon sila sa direktor na lumapit sa kanila."Oh my!Nagkasugat ka nga talaga.Ano?Kaya mo pa bang ituloy ang next scene Yurres?Mukang gigil sayo si Aeona kanina.Anyari?"Nagtatakang tanong ng direktor."Ok lang ako.Nadala yata sa scene si Aeona.Alam mo naman yan direk.Pag gumaganda ang scene,mas lalong gumagaling."Nakangiting sabi ng aktor.Napakagat sya sa ibabang labi para itago ang naramdamang kirot sa nasuntok na sikmura.







N/A:May Tsundere pala akong bida.Haha!Cute-cute mo Aeona.Mas natawa ako ng tumugtog ang Let Her Go by Passenger sa speaker namin habang tinatype ko ang landian scene nila Yurres at Hyena.Bagay yung kanta sa chapter eh.Yah yah yah.Nakanang!2 Hrs ko lang ginawa ang dalawang chapters.Record breaker naman talaga.Please Vote and comment. ;) Don't forget to follow my account for updates.Kamsahamnida,a-rigato,thank you,salamat! xD

Releasing Souls(On Going)Where stories live. Discover now