Unang Kabanata

29 8 0
                                    

N/A:This story is NOT FULLY EDITED SO EXPECT SOME TYPOS AND GRAMMATICAL ERRORS.It will be revise as soon as the novel is finish. Vote,Comment, Recommendations and Suggestions are gladly appreciated. 💗

-------------------------------------------

Isang babae na may lampas balikat na buhok ang humahangos sa pagtakbo.
"Wahh! Tabi,wag kayo humarang. Uy!puppy layas," nagmamadali nyang sabi kasabay nang pag-iwas sa lahat ng maaring mabangga. "Miss! Wag kang tumakbo. Hindi playground ang Mall,"asar na sabi ng isang lalaki na nabangga at natumba dahil sa pagtakbo ng di-kilalang babae. Nagpatuloy sya sa pagtakbo na para bang may tinatakasan. Ang kanyang itim na mata na hugis hazel nut ay tila kumikintab,ang saya ay 'di matago sa ngiti na lumitaw sa kanyang manipis at kulay rosas na labi.
"Aray, naman! Paharang-harang ka. Umalis ka nga sa daan,"naiinis nyang sabi. Hinawakan nya ang sumasakit na pwetan na dulot nang pagkatumba nya. Ramdam nya na napalakas ang paghampas nito sa sahig. Napahawak sya sa kanyang matangos na ilong dahil sa inis na nadarama. "Isip bata talaga. Nasaan sya?!"ubod nang lakas na sabi ng isang matipunong lalaki. Ang mga mata nyang kulay abo ay nanlilisik sa galit. Samantalang ang dalaga naman ay nanlaki ang mga mata at napakamot sa kanyang ulo.
"He he!Masama bang mag exercise,mataba kana Gabriel. Dapat nga ay pasalamat mo ako dahil nabawasan ang iyong taba,"malawak ang ngiti na sabi ng babae. Nawala ang ngiti nya nang makita ang isa pang lalaki na kasama nito,napaismid sya at sumeryuso.





"Michael,ipaalala mo nga na babae ang kausap natin. Baka masaktan ko sya," nagpipigil nang inis na sabi ni Gabriel. "Gabriel,hindi sya babae. Bakla sya. 'Di kita pipigilan,gusto mo tulungan pa kita," tumatawang sabi ni Michael na nagpawala ng kanyang kulay abong mga mata. Nahawa nang tawa nya ang kaibigan. Ang ngiti sa mapula at manipis na labi ni Gabriel ay 'di mawala;ganun din sa mapula at manipis na labi ng kanyang kaibigan. May matatangos silang ilong, maputi, at makinis na balat. Sa tuwa ay napahawak sa malapad na balikat ni Michael ang lalaki. Sa ginawa nyang ito ay nakita ang pagkakaiba ng kanilang taas. Mas matangkad sa kanya si Michael na may taas na 6'0 cm. Si Gabriel naman ay 5'9 cm.
Kumunot ang maliit na noo at manipis na kilay ng babae,mataray syang tumingin sa kanila. "Ako? Ang isang Hyena Snow Smith,ay tinatawag nyong bakla?! Sa ganda kong ito,pagkakamalan mo akong bakla Michael. Unbelievable!"
galit nyang sabi.
Mayamaya ay tiningnan nila nang seryuso ang babae. Napalunok naman sya ng laway at inosenting tiningnan ang mga kausap. "Wala na kaming oras para makipaglokohan sayo, Hyena. Sabihin mo kong nasaan sya. Kailangan namin syang makausap,"seryusong sabi ng kasama ni Gabriel. Si Hyena naman ay natahimik at nag-isip ng kong anong bagay.
"Wala akong dapat sabihin sayo Michael,"mahinahong nyang sabi. Ngumisi ang dalaga sa dalawang lalaki. Sunod ay ibinigay nya ang matamis na ngiti at tumakbo muli palayo sa kaninang mga humahabol sa kanya. 'Di nagtagal ay biglang hindi nakagalaw si Hyena. Maging ang mga tao sa Mall ay nakahinto na para bang tumigil ang oras.
Ang mga mata lamang ni Hyena ang kanyang nagagalaw. Nakita nya na palapit sa kanya sina Gabriel at Michael na bukod tanging nakakagalaw."Nakalimutan mo na yata kung sino kami Hyena,"walang emosyon na sabi ni Gabriel. Nang akbayan ni Michael si Hyena ay muling nakagalaw ang babae. "Just respect what she wanted. Hindi pa sya handa na muli kayong harapin," nagmamakaawang sabi ng dalaga. Nagkatinginan ang dalawang lalaki nang marinig ang sagot nya. Sumang-ayon sila kahit na labag ito sa kanilang gustong mangyari. 'Di na lamang nila kinulit ang babae at hinayaang makaalis.






"Aeona!Talk to me please. I'm sorry,"Hinihingal na sabi ng isang lalaki habang hinahabol si Aeona sa kalsada. Matangos ang kanyang ilong,singit ang kanyang mga mata;habilog ng kanyang manipis na muka. Mapula ang manipis nyang labi,ang kanyang balat ay maputi. At ang taas nya ay 5'9 cm. Nataranta ang lalaki nang malakas na humiyaw ang hinahabol na artista. "Kyahh!Oh my gosh.Ang gwapo ni Yurres Sandoval,"nakangising sabi ni Aeona. Napatingin naman ang mga tao sa pinanggalingan ng hiyaw. Nagtilian ang mga babaing naglalakad ng makita si Yurres."Wahh!Si Yurres.Sobrang sikat nya sa Pilipinas at sa ibang bansa.Ang gwapo pala talaga nya sa personal!"kinikilig na sabi ng isang tagahanga ni Yurres.Naglapitan ang mga tao sa artista.Wala na syang nagawa para mahabol at makausap ang babae,pilit syang ngumiti sa mga tagahanga na nakapalibot sa kanyang daanan.
Tuwang-tuwa na umalis ang aktres. Hindi sya makilala ng mga tao dahil sya ay naka- disguise. Samantalang mabilis nakilala ang aktor sa kanyang kasuotan."Sis!May sasabihin ako sayo. Sakay na,"nakangiting sabi ni Hyena sa matalik na kaibigang si Aeona. Sumakay naman ang sikat na artista sa kotse nya.Pinaharurot ng babae ang kanyang sasakyan na ang dulot ay hilo kay Aeona. "Sis!Will you please drive slower.Gusto ko pa mabuhay!"sigaw ng aktres na mahigpit ang hawak sa kanyang seatbelt.
"Your wish is granted."
"Yen!"gigil na sabi ni Aeona kay Hyena ng mapansin na sobrang bagal nang andar ng kotse. Sa sobrang bagal nila ay nilalampasan lang sila ng mga bike."High blood talaga,"Tumatawang sabi ni Hyena."Pagong ba ang kotse nyo?!Pakibilisan ang pagmamaniho dahil nagmamadali kami,"bulyaw ng galit na driver ng kotse na nasa likod ng kotse ni Hyena. Napangiwi ang babae at nakangiting tiningnan ang masamang titig ng kaibigan.






Normal na ang takbo ng sinasakyan nila Aeona ng magsalita muli ang kaibigan.
"Hinanap ka nila ulit sa akin,"seryusong sabi ni Hyena. Kaswal lang na tumingin ang aktres na parang bang normal na lang ang sinabi ng kaibigan."Hindi nila ako mahahanap.Suot ko ang kwintas kaya hindi nila malalaman kong nasaan ako,"nakatingin sa kawalan na sabi ng dalaga.
"Sis,ilang taon na ang nakalipas. 'Di pa ba sapat ang limang taon para makalimutan mo sya at harapin muli ang mga Archangels,"Napabuntong hiningang sabi ni Hyena. Sinulyapan nya ang kaibigan na nakatunghay sa bintana ng kotse. At muling tinutok ang paningin sa tinatahak na daan. Ang tinutukoy ni Hyena na mga Archangels ay sina Gabriel at Michael. "Hinahanda ko lang ang sarili ko. Alam ko na babalik muli ang mga alaala na nagpahirap sa akin sa lumipas na limang taon,pag nakita ko sila,"mababakas ang lungkot sa tinig ni Aeona.
Kahit na matagal nang nangyari ang lahat,pakiramdam ng aktres ay sariwa pa rin ang sugat na dulot nito. Patuloy nyang sinasarado at pinapagaling ang mga sugat na dulot ng kahapon. Ngunit sa tuwing inaakala nya na wala na ang sakit ay laging bumubukas ang sugat;sa tuwing may nagpapaalala sa kanya ng lahat ay pakiramdam nya nagiging bago ang sugat. Ang sakit ay parang orihinal tulad nang dati.

N/A:

Vote and Comment 💗

Releasing Souls(On Going)Where stories live. Discover now