Ikalabing Walong Kabanata

9 2 1
                                    

          Kunot-noong iginala ni Reola ang tingin sa nakatambak na folder sa kanyang mesa. Bumuntong hininga sya, mukang mauubos ulit ang oras niya sa kanyang opisina.
          Ang tingin niya ay nasa mga papel na hawak niya. Ito ay isang panukala upang ibigay ang dapat na parusa sa mga sundalong bantay ng isang kampo sa Mindanao, ang laman nito ay ebidensya ng krimen na ginawa nila.
            Tumigil sya sa kanyang ginagawa ng biglang tumunog ang kanyang telepono.
             "Hello."
             "Wow! Kalmado ka pa rin sa kabila ng mga nangyari."
              "Sino ito? Ano bang sinasabi mo?"
              Humigpit ang hawak niya sa telepono, hindi maganda ang kutob niya sa lalakeng kausap. Sa tingin niya ay isang matandang lalake ang kanyang kausap,base sa boses nito.
             "Alam mo General Aguilar, mabilis akong magalit. Patas na siguro tayo. Ayaw ko ring may hadlang sa aking mga negosyo. Sa ginawa mo noon ay malaki ang nawala sa akin. Sana maging paalala sa iyo ang ginawa ko para itigil mo na ang pangingialam mo sa akin."
            "Ano?!"
            Bumalot ang takot sa muka ng heneral. Sa tingin niya ay may masamang nangyari. Marami syang gustong  itanong ngunit nakababa na ang kabilang linya.
            Nakarinig ulit sya ng tunog pero ito'y nagmumula na sa kanyang cellphone. Nasa screen ang pangalan ni Yurres, nanginginig niya itong kinuha mula sa mesa. Halos mabitawan niya na ang kanyang cellphone ng marinig ang masamang balita. Mabilis ang tibok ng kanyang puso.
            "Idamay niyo na ang lahat pero 'wag ang kapatid ko," nanlilisik ang mata sa galit na sabi niya.







             Humahangos na lumapit si Reola kay Yurres. Tulala ang sikat na artista, tila hindi napansin na sya ay dumating.
             "Kuya Yurres," hinihingal niyang tawag. Hindi pa rin sya pinansin kaya tinapik niya ang balikat ng lalake. Lumingon naman ito sa kanya. Namumutla ang muka ni Yurres, marahil ay dahil sa takot. Magulo ang buhok na parang bang ginulo niya ito dahil sa pagkalito kong anong dapat gawin.
             "Anong nangyari kuya Yurres?"
             "Ang sabi ng doktor ay may lason ang alak na ininom niya. Mabuti na lamang daw ay naidala agad sya sa ospital dahil pwede niya itong ikamatay."
            "Bakit hindi niyo sya binantayan!"
            "Sorry, hindi namin inasahan ang nangyari," nakayukong sabi ni Yurres.
             Kumuyom ang kamao ni Reola, dapat pala ay hindi niya hinayaang lumayo ang kapatid nang nakita nila ang mga kahina-hinalang litrato.
             "Nahuli nyo ba ang gumawa nito sa kanya?"
             " Hindi, ang sabi ng may-ari ng resto-bar ay hindi nila empleado ang nakita sa CCTV na nag-bigay ng alak sa kanya. The investigation is still on going."
            Lumayo ng bahagya ang heneral at tumawag sa kanyang cellphone. Matagal syang may kausap dito. Tinawagan naman ni Yurres si Hyena para ipaalam ang nangyari. Mabilis na dumating ang nobya ng sikat na artista at agad nitong tiningnan ang lagay ng matalik na kaibigan.
              Bumagsak naman ang luha nina Reola at Hyena ng marinig ang sabi ng doktor tungkol sa lagay ni Aeona. Matapang iyong lason na hinalo sa alak na dulot ay matinding brain seizures sa kanya. Ligtas ang babae sa agad na kamatayan. Ngunit, malala ang tinamo ng utak niya na target ng lason. Kritikal ang lagay niya at kailangan na dumaan sa agarang operasyon na pwede niyang ikamatay.
             Matapos ang ilang oras ay dumating ang limang sundalo. Nang harapin sila ng heneral ay agad silang sumaludo. Naunawaan naman agad nila Yurres at Hyena ang gustong niyang gawin kaya hindi na sila nagtanong.
               Ang tatlong sundalo ay nag-ikot sa ospital at ang dalawa naman ay bantay sa operating room kong saan ginagawa ang agarang operasyon kay Aeona.
              Lumabas si Reola upang makausap ang kanyang nobyo. May kasama ring dalawang sundalo si Jlints na nagbabantay sa 'di kalayuan.
               "Mukang connected sa huli nating operasyon ang nangyari kay ate."
              "Anong gusto mong gawin natin?"
              "Torture the leader of the syndicate until he say the truth. Kung kailangan na malumpo si Abdul Raman ay gawin niyo. Malakas ang pakiramdam ko na may contact pa rin sya sa kanyang mga kasama kahit nasa kulungan sya."

Releasing Souls(On Going)Where stories live. Discover now