Ikalabing-Dalawang Kabanata

16 5 0
                                    

Natahimik din ang aktor at di na nagsalita.Alam nyang mahal pa rin ng matalik na kaibigan ang dati nyang nobyo.Sadya lamang na hindi nya pa kayang bitawan ang pag-ibig sa aktres."Bakit mo gagawin yun?"Tanong nya.Kahit alam nya na ang sagot,gusto pa rin marinig ni Aeona ang sagot mula mismo sa kaibigan."Mahal mo pa rin sya.Sya lang ang tanging lalaki na mahal mo hanggang ngayon."Napangisi ang aktor.Puno ng lungkot ang mga mata nya kaya di nya magawang tingnan ang dalaga.Gusto nya ng sukuan ang aktres.Pagod na syang umasa.







Ilang oras na ang lumipas ngunit di pa rin maalis ni Aeona sa isip ang nangyari.
Tulalang nakatingin ang aktres sa asul na tubig ng kanyang swimming pool."Wew!Problima mo?Kanina ka pa nakatulala dyan ate."Hindi man lang lumingon ang artista sa kanyang kapatid.Winasikan ni Reola ng tubig mula sa swimming pool ang aktres.Napakurap naman si Aeona at napalingon."Ano bang ginagawa mo Reo?"Tiningnan lang sya ng heneral.Muling ibinaling ng aktres ang tingin sa swimming pool at lumagok ng red wine.Ginalaw nya ang dalawang paa na nakalubog sa tubig.Natigil ang ginagawa nya ng maramdaman ang pagsipa ni Reola ng kanyang paa sa tubig."Mag kwento ka.Ano bang gumugulo sa isip mo?Kanina pa kita kinakausap.Hindi mo ako pinapansin."Nakabusangot na sabi ng heneral.






"Si Yurres.Mahal nya pa rin ako ng higit sa kaibigan.Sabi nya ay titigil na sya at pipilitin nya na maibalik sa dati ang turing nya sa akin."Sagot ng dalaga sa kapatid.Tumaas ang kilay ni Reola.Kinuha nya ang kanyang red wine at mataray na tiningnan ang nakakatandang kapatid."Yun naman ang gusto mo,di ba?Anong inaarti mo?Bakit parang malungkot ka sa nangyari?"Bumuntong hininga ang aktres at sinabunutan ang sarili."Hindi ko alam.Nalilito ako.I felt pain when he said he want to give up on me.Which is ironic feeling. Because I know,I still love Neil."Ibinababa ng heneral ang baso ng wine at binatukan ang kapatid."Ouch,Reo!Nakakailan ka na."Sumama ang tingin ni Aeona sa mas batang kapatid.Si Reola naman ay ngumiti na ikinalito ng aktres.






"Ginigising lang kita.Malay mo,magising ka sa katotohanan."Kumunot ang nuo ng dalaga.Hindi nya malaman kong anong ibig sabihin ng kapatid."Hindi ba pumasok sa isip mo na baka mahal mo na rin si kuya Yurres?I mean,you just don't realize that you are falling in love with him.Hindi mo kasi magawang bitawan ang past.Kaya hindi mo makita yung present."May sasabihin sana si Aeona,pero di nya masabi.Nagsalita ulit ang kanyang kapatid."Hindi ka masasaktan ate kung kaibigan lang talaga ang turing mo sa kanya."






Natigilan ang aktres at napatingin sa kawalan.Alam nyang may pagbabago sa kanyang nararamdaman para sa kaibigan.Pilit nya itong pinipigilan at hindi pinapansin.May parti sa kanya na gustong sumubok muli na magmahal.Pero nangibabaw ang takot ng kahapon na hanggang ngayon ay patuloy syang nilalamon."Let your feelings dictate your actions."Pagkaraan ay dagdag na sabi ng bunsong kapatid ng aktres.Lumagok ang heneral sa kanyang wine glass at tumingin sa ate nya na napatingin din sa kanya."Ano bang pumipigil sayo?Si kuya Neil?Matagal na syang patay.Halata naman na mahal mo rin si kuya Yurres.Hahayaan mo na lang ba sya na gawin ang sinabi nya?Alalahanin mong close pa rin sila ni ate Hyena."Napakamot ng ulo ang artista at mas lalong nalito."Paano?Natatakot ako.Ng mamatay si Neil,natakot na akong magmahal muli.Sobra akong nasaktan sa pagkamatay nya.Masasaktan ko rin si Hyena,alam ko na mahal nya pa rin si Yu.Di ko kayang makita na mawasak ulit ang buhay ni Yen."Puno ng pagkalito ang muka ni Aeona,sinipat-sipat nya ang paligid upang mahanap ang pinaglapagan ng wine glass.Ng madampot nya ang alak,agad nya itong tinungga at inubos ang laman nito.







"Wala ka kasing ginagawa.Walang magbabago kong iniisip lang,dapat may pagkilos."Muling nagsalin ng alak ang heneral at sinalinan nya rin ang baso ng kapatid.Napatingin sya sa kanyang ate ng mapansin na hindi na sya sumagot.Natawa na lang sya ng marinig ang mahinang paghilik ng artista sa kanyang balikat.







"Rise and shine ate.Ey!Gising na."Niyugyog ni Reola ang kapatid na ilang minuto na nyang ginigising.Parang walang narinig ang artista at patuloy pa rin sa kanyang mahimbing na tulog.Napakamot sya ng ulo,hinablot nya ang alarm clock at pinatay."Tulog mantika!"Angil ng heneral sa kanyang kapatid.Sumilay ang isang nakakalokong ngiti ng may naisipan syang gawin.Umalingawngaw ang malakas na sigaw sa luob ng kwarto.Sinabayan ito ng malakas na hagikgik ni Reola.Mayamaya ay rinig ang ingay mula sa kanyang sapatos kasabay ng kanyang mabilis na paglabas sa kwarto ng artista."Reola!"Muli ay sigaw ng dalaga kasabay ng pagpunas nya sa malamig na tubig na umaagos sa kanyang muka."Maligo ka na ate,kung ayaw mong isang balde na ng tubig ang ibuhos ko sayo.Pasalamat ka at isang baso lang yan.Pinagod mo ako sa kagigising sayo!Ano?Kumilos ka na,may shooting ka pa."Sigaw ng heneral na patuloy sa pagtawa.Pinagpatuloy ni Reola ang pagtakbo upang makalayo sa kwarto ng kapatid.Alam nyang gaganti ang artista sa kanya,kaya mabilis nyang kinain ang kanyang almusal at sumakay sa kanyang kotse.Malakas na tumawa ang babae at mabilis na pinaandar ang kotse palayo sa bahay.Huli na ng makahabol si Aeona dala-dala ang isang balde ng tubig na kanyang isinaboy sa papalayong kapatid.Napasabunot ng buhok ang artista sa inis.Itinuon nya ang masamang tingin sa gate at badabog na pumasok sa kanyang bahay.







"Camera rolling.3,2,1.Action!"Hudyat upang simulan ang isang scene sa pelikula.Tumutok ang camera sa isang artista na busy sa pagtingin ng mga files sa kanyang mesa.Pumasok ang aktres na si Aeona bitbit ang tasa ng kape at inilapag ito sa mesa ng lalaki."Sir,pinatawag mo daw po ako."Humigop ang lalaki sa kanyang kape.Inilapag nya ang isang file na binasa at inabot ang isang envelope sa babae."Yan ang sunod mong kaso."Pahayag nya sa kanya.Inilabas ng aktres ang laman ng envelope,isa-isa nyang tiningnan ang mga litrato na laman nito."Sya si Mr.Dreak Palma.Isang negosyante.Investigate him Ms.Suarez.May mga witness tayo na nagsabing nakita sya sa crime scene bago mamatay ang biktima."Takang tumingin ang lalaki kay Ms.Suarez ng mapansin ang biglang pamumutla nya.Pagkaraan ay puno ng takot na tumingin ang babae sa kanyang kapitan."Understood captain!Mauna na po ako."Nagtataka man sa kanyang kinilos ay tumugon ang kapitan sa kanyang pagsaludo."Cut!Good take.Pack up na tayo.Ang call time para sa mga next scene bukas ay 8 am.Guys,gusto ko na exactly 8 am ay dapat nasa napag-usapan lugar na ang lahat."Sigaw ng direktor.

Releasing Souls(On Going)Where stories live. Discover now