Ikatlong Kabanata

12 5 0
                                    

"Eona!Galit ka parin?"Malungkot na sabi ni Yurres.Naningkit ang mga mata ng aktres."Sino ba namang hindi magagalit, kung malaman mo na may nanliligaw sayo kahit wala naman talaga.At hindi lang ako ang may alam kung hindi ang buong Pilipinas.Di ba napag-usapan na natin ito Yu?"Galit na sabi ni Aeona kay Yurres,nasa isang photo shoot sila ngayon.


"Alam ko na hanggang kaibigan lang tayo.Hindi ko rin ginusto ang nangyari.Ang manager ko ang pumilit sa akin na sabihing nililigawan ulit kita,para daw sa pag dami ng fans natin lalo na ngayon na may bago tayong movie."Mahabang paliwanag ni Yurres."Dapat hiningi nyo muna ang approval ko.Para tuloy akong tangga sa interview.Hindi ko manlang alam ang plano nyo."Nakasimangot na sabi ni Aeona."Pagtyagaan na lang natin ang set-up na ito hanggang sa matapos ang movie.Please,Aeona?"Pinagdikit ni Yurres ang dalawang palad at nagmakaawang tumingin sa kaibigan."Ano pa nga bang magagawa ko, nangyari na.Sana sa susunod Yurres,kausapin nyo muna ako."Pagsuko ng aktres."Yes!Thank you so much Aeona."Malawak ang ngiti na sabi ni Yurres sa matalik na kaibigan.




"Mr.Yurres and Ms.Aeona?Tawag na po kayo ng photographer.Maghanda na daw sa next outfit para sa photo shoot."Paliwanag ng isang make-up artist.Nagbihis na sina Aeona at Yurres,matapos magbihis ay inayusan sila.Napatingin silang lahat sa dumating na photographer."I forgot to mention guys!Hindi na makakarating ang isang model,na dapat ay kasama sa photo shoot.So it means na sila Yurres at Aeona na lang ang ayusan nyo."Anunsyo ng photographer.






Nakuha naman ang atensyon ng dalawang artista ng nag-uusap na mga make-up artist at hair styles."Diba mari,sikat at professional ang model na yun?Bakit ngayon di sya umattend sa photo shoot?"Komento ng isang bakla na hair styles ni Aeona.Habang nag-aayos ng buhok ay nakikipag-usap ang bakla sa katabi nyang make-up artist."Kaya nga bakla!Sabi pa nila,pinag-aagawan daw sya ng iba't-ibang company dahil sa galing nya sa pag model.Madami ring nag-aalok sa kanya na mag artista kaso tinanggihan nya!"Sagot naman ng make-up artist ni Yurres.Mas lalo tuloy na-curious ang dalawang artista sa pagkatao ng sikat na modelo na kanilang pinag-uusapan."Anong pangalan nya?"Biglaang tanong ni Yurres sa dalawang nag-uusap."Idol,di namin alam.Sabi nila,hindi sya nagsasabi ng name hanggat hindi nya pa nakikita sa personal ang mga ka-trabaho nya."Sagot ng bakla kay Yurres."So that means di namin sya makikilala hanggat di nya kami nakita ng personal."Nakahawak sa kanyang baba na sabi ni Aeona."Mukang ganun na nga po."Pagsang-ayon ng babaing make-up artist ni Yurres sa sinabi ni Aeona.




"Di pa rin tapos?Paki bilisan ang pag-aayos sa dalawa nating artista at marami pa akong appointment."Naiinis na sabi ng photographer.Nagmadali ang mga make-up artist at hair styles sa pag-ayos ng make-up,damit at buhok nila Aeona.Nang matapos na ayusan ang dalawang artista ay sinimulan na ang photo shoot.




"Are you sure,you won't come to see them?"Tanong ng driver sa kanyang amo.Nakatitig lang ang lalaki kina Aeona at Yurres na paalis na gamit ang sasakyan nila."In time magkikita din kami."Mayamaya pa ay umalis na rin ang sinasakyan ng misteryusong lalaki.






"I'm home !"Magiliw na sabi ni Aeona sa kanyang tita at pamangkin.Napansin naman ng aktres ang dala-dalang malita ng kanyang tita."Saan ka pupunta?"Nagtatakang tanong nya."Take care of my son. Babalik ako,may kailangan lang akong gawin sa Korea."Mabilis na lumapit ang bata sa kanyang ina.Maluha-luha syang kumapit sa kanyang damit."Mom!Bakit di mo na lang ako isama?"Malungkot na sabi ni Shi Yo."I can't baby.Nandito naman ang pinsan mo para alagaan ka.Wag ka mag-alala magdadala ako ng maraming pasalubong.I'll be back soon ."Mahigpit na niyakap ng tita ni Aeona si Shi Yo.Matapos mag paalam ay umalis sya patungong Airport.

N/A:Short update mo na.Bawi na lang ako next time.Vote and Comment ;D

Releasing Souls(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon