Ikapitong Kabanata

12 5 0
                                    

"Sayang naman,lagi ka talagang nang-iinis heneral."Napailing ang taong nakatingin sa muka ni Reola dahil sa galit.Mabilis syang lumabas at nagpanggap na hindi pumasok sa kwarto.Habang naglalakad palayo ay nakasalubong nya ang nobyo ng babae.Pa-simple nyang ibinaba ang itim na sombrero upang di makilala.Ng makalayo ay isang ngisi ang kumawala sa muka ng di kilalang babae.Mayamaya pa ay mabilis nya ring nilisan ang ospital.







"How is her condition?"Napatayo ng tuwid si Jlints ng marinig ang tanong ni Aeona.Halata ang pag-aalala sa muka ng aktres."Ang sabi ng doctor ay nawalan sya ng malay dahil maraming dugo na nawala sa kanya.Malalim ang sugat na nakuha nya."Sagot naman ng lalaki."Ok,ako ng bahala na mag donate ng dugo."Maraming test ang ginawa sa aktres bago sya sumailalim sa operasyon.






"Bakit hanggang ngayon ay di pa sya gumigising?"Nag-aalalang tanong ng artistang babae."Di ko rin alam,sabi naman ng doctor in few hours or maybe days she will wake up,we just have to wait."Mapungay at nanlalabo ang mga mata ni Reola ng kanya itong imulat.Alam nyang sina Aeona at Yurres ang nag-uusap.Ilang saglit lang ang lumipas ay malinaw na nyang nakita ang lahat ng nasa paligid."What if na coma na sya?"Sabi ni Aeona.Ilang beses syang naglakad ng pabalik-balik sa kwarto na tila hindi mapakali."No way,please calm down Eona.Gigising din sya.We just have to wait.Kumain ka muna ng mansanas na hinati ko.And please,kailangan mo rin magpahinga.Wala ka pang matinong tulog."Napangiti naman si Reola ng makita na kinakamot ni Aeona ang kanyang ulo sa pag-aalala."Paranoid as ever."Ang nasabi nya na lang sa kanyang sarili.Kilala nya ang ate nya,alam nyang nag-iisip ulit sya ng sobra.Pag dating kasi sa kapakanan nya ay daig pa ni Aeona ang kanilang mga magulang kung mag-alala.








Napabuntong hininga na lang si Yurres at napailing ng ulo na lalong kinatuwa ng heneral.Nagbabalat pa rin ang aktor ng mga prutas sa sofa,ang aktres naman di mapigilan ang mahinang pagpadyak ng high hills at nakatingin lang sa kawalan.Hindi pa rin nila napansin na pinapanuod na sila ni Reola.






Mayamaya ay di na napigilan ni Yurres ang sarili.Tumayo sya at hinawakan sa magkabilang balikat si Aeona.Taimtim nyang tiningnan ang aktres sa kanyang mga mata."I think you really need to rest.Kahit maiglip ka muna sa sofa,babantayan kita."Mas lalong lumawak ang ngiti ni Reola na tila nanunuod ng isang teleserye.Nang dahan-dahan ng pinatong ni Aeona ang kanyang ulo sa balikat ni Yurres ay di na napigilan ng heneral ang kanyang reaksyon."Awiiee!Bakit hindi nalang kasi kayo ang magkatuluyan."Mabilis na lumingon sa kanyang gawi ang dalawang artista at gulat na tumingin sa kanya.Naglaho ang malawak na ngiti ni Reola ng makita ang naluluhang mata ng kanyang ate.Nilapitan sya nila,niyakap ng mahigpit ng aktres ang heneral dahil sa tuwa."Thank God!Kanina ka pa gising?Alam mo ba kung pano ako nag-alala sayo?"Gumanti naman ng yakap si Reola at muling ngumiti."Yang ate mo,halos ayaw matulog kasi gusto nyang masiguro na ligtas ka.Nag-away nga kami nung nakaraan kasi ayaw nya magpahinga."Natawa naman ang heneral ng marinig ang sinabi ni Yurres.
"I'm really sorry.I cause trouble again.But I'm fine now.Ano bang nangyari?Bakit sinabi ni ate na baka I'm in coma?Ang OA talaga kung minsan--- Aray ate!"Napahimas si Reola sa braso nya na hinampas ni Aeona at kunot nuong tiningnan ang kanyang ate.Seryuso naman syang tiningan ng aktres.






"Panong di ako mag-aalala kung kinailangan kang salinan ng dugo.And take note that you are 1 week sleeping."Gulat namang tiningnan ni Reola ang dalawang artista at napatingin sa kaliwang braso na nakabenda."Wow!Talaga?May ganun palang nagyari.Sarap kasing matulog."Pinigil ni Reola ang kanyang tawa dahil sa seryuso nilang muka."Ok,I understand.Next time di na ako malilingat sa kaaway.Promise yan."Itinaas ng heneral ang kaliwang kamay tanda ng kanyang pangako."Dapat lang Reo,kasi pag may masama pang mangyari sayo,ako mismo ang magbibigay ng resignation letter mo.Ayaw kong mawalan ng kapatid."Seryusong sabi ni Aeona."Opo ma'am!"Alam ni Reola na dapat syang sumunod.Lalong magagalit lang sa kanya ang kanyang ate pag di sya sumang-ayon.









"Malaki na ang kapatid mo.Di ba dapat hinahayaan mo sya na magpatuloy sa gusto nyang gawin."Mas lalong bumagal ang lakad ni Aeona ng marinig ang sinabi ni Yurres.Iniwan na nila si Reola para umuwi ng dumating si Jlints."Hinayaan ko naman sya.Pero ibang usapan na kung nasa kapahamakan sya."Napatingin ang aktor sa dalaga ng marinig ang kanyang sinabi."Alagad sya ng batas kaya talagang mapapahamak sya Eona.Simula ng pinasok nya ang larangan na yun,nasa hukay na ang isa nyang paa."Huminto naman si Aeona sa pagpasok ng kotse upang harapin si Yurres."Alam ko,kaya nga ang kasunduan namin ay di nya na itutuloy ang trabaho nya pag nadala sa bingit ng kapahamakan ang kanyang buhay.Usapan ay usapan.Bilang ate nya, obligasyon ko sya."Pumasok na lamang si Yurres sa driver seat para matapos ang usapan.Alam nyang pag dating kay Reola ay masyadong mahigpit ang kaibigan.Sobrang mahal ni Aeona ang kapatid,madalas ay controlling at di nagpapatalo ang dalaga pag sya ang topic.









"Ate,magaling na ako.Di pa ba sapat na pumayag akong tumira sa bahay mo?Bakit kailang ko pang di pumasok sa trabaho?Ate nakikinig ka ba?"Inis na tiningnan ni Reola si Aeona.Ilang ulit nya ng kinukulit ang aktres na ipaliwanag sa kanya ang lahat.Matapos kasi nyang ma-discharge ay pinilit sya ng ate nyang tumira sa bahay nya.Mas nagtaka ang heneral ng di sya payagang pumasok sa trabaho ng isang lingo."May kilala ka ba na pwedeng gumanti sayo?"Mas lalong kumunot ang nuo ni Reola sa tanong ng kapatid.Umawang naman ang labi nya ng may inilabas na mga litrato ang kanyang ate.May pictures sa ospital at litrato ng ate nya habang nagbabasa ang aktres sa garden.Marami pang litrato ang inilabas ni Aeona.May kuha sa missions ni Reola,ang iba ay mga kuha sa kanila ni Jlints.May mga litrato din na magkasama sina Yurres at Aeona sa isang Cafe."Someone is stalking us.May nagpadala ng mga pictures na to kanina.Kaya di muna kita pinapasok.I don't have a clue---."Natulala si Aeona ng maisip kung sino ang pwedeng kumuha ng mga litrato."Bakit ate,kilala mo ba kung sino ang stalker natin?"Natahimik ang aktres at napailing dahil sa mga bagay na pumasok sa kanyang isip."Hindi nila magagawa to.Wala silang dahilan para sundan tayo kasi kung gugustohin nila ay pwede nila tayong kausapin."Di makapaniwalang sabi ni Aeona.

Releasing Souls(On Going)Where stories live. Discover now