Ikasiyam na Kabanata

19 5 0
                                    

"Who is he?"





Binigyan ng malungkot na ngiti ni Aeona ang kapatid.Alam nyang di pa kilala ni Reola ang dating boyfriend kaya pinlano nila ni Hyena na bumisita sa kanyang puntod.






"He is my ex-boyfriend."







Tipid lang ang sagot ng aktres ngunit magkahalong lungkot at saya ang nararamdaman nya.Umupo si Aeona sa tabi ng puntod at inalis ang mga tuyong dahon na nakatakip sa pangalan ng lapida.Matapos malinis ang lapida ay pinanuod nya sila Yurres,Hyena,at Shi Yo na naglalaro sa blanket,di kalayuan sa kanila.





"Illeo Neil Alminarez?Is he related to Kuya Yurres ate?"







"Yes,mag-pinsan sila."







Umupo si Reola sa tabi ng puntod at kinwento lahat ni Aeona kung pano sila nagkakilala ni Neil.Kasabay ng pag-kwento ng aktres ang pagbalik tanaw nya sa nakaraan.







Malawak ang ngiti ng aktres na si Aeona.Matagal-tagal na rin mula ng sya ay magkaruon ng oras para sa sarili.Pinili ng aktres na mag-bakasyon sa isang private beach resort,pagmamay-ari ito ng matalik na kaibigang si Hyena.Ngayon ay nasa tagong parti sya ng resort.





"Miss,help me please!May gustong pumatay sa akin."







Napabalikwas ng tayo ang aktres sa hinihigaang white sand beach ng may lalaking humawak sa kanyang binti.Dumampot sya ng buhangin at sinabuyan ang lalaki sa mata.Napahiyaw naman ang lalaki sa sakit.





"Manyak!Yan na ba ang bagong modus nyu?Kunwari ka pang may gustong pumatay sayo,gusto mo lang namang manansing!"





"Aray!Totoo ang sinasabi ko.Sorry,aww!Binti mo pala ang nahawakan ko."





Pilit na inaalis ng lalaki ang mga buhangin sa kanyang mga mata.Ilang minuto pa ang lumipas ay may dalawang lalaki na dumating.Napansin ito ng lalaking kausap ni Aeona,agad nyang hinatak ang aktres at nagtago sa kubo na malapit sa kanila.




"Teka!Bakit mo--."




Hindi na natapos ng aktres ang kanyang sasabihin ng takpan ng lalaki ang kanyang bibig.Bumulong ang lalaki at pinatahimik sya.






"Nasaan na sya!Patay tayo kay boss pag di natin natapos ang utos sa atin.Malaki ang bayad sa ulo nya,kaya hanapin nyu sya!"





Mapait na napangiti si Aeona ng maalala ang una nilang pagkikita ni Neil.




"Dahil dun nagkakilala kami.Tinulungan ko syang alamin kong sino ang gustong pumatay sa kanya.We fell in love in the process.We found out that one of his investors is the one who wanted to kill him for trying to own his company.Sa huli ay napatay sya."





Malungkot na tumitig si Reola sa kanyang kapatid.Hinaplos ng heneral ang kamay ng kanyang ate,para maibsan ang nakikita nyang lungkot sa aktres.





"I'm sorry ate.Pwede mo namang hindi ituloy ang kwento."




May biglaang ngiti ang sumilay sa muka ni Aeona na ikinagulat ng kanyang kapatid.Naisip tuloy ni Reola na baka nababaliw na ang kanyang ate.





"I'm ok now.You don't have to worry.Nahuli ang pumatay sa kanya.And Yurres is successfully managing hes company.Kaya alam kong masaya na si Neil.Masaya na rin ako kasi nabigyan ng hustisya ang pagkamatay nya."







Releasing Souls(On Going)Where stories live. Discover now