Ikalabing-Limang Kabanata

15 4 0
                                    

"Hello,oo.....Nandito na ako.Ako ng bahala,just calm down.Explain everything, when I arrive their."Lakad takbo na ang ginawa ni Hyena para makarating sa kanyang Coffee Shop.Ng buksan nya ang pinto ay bumungad sa kanya ang malakas na sigawan ng dalawang customer."Baliw ka yata,sa tanda mong yan ay pumatol ka sa kapatid ko!"Sigaw ng isang lalaki na puno ng tattoo ang kanang kamay."Hindi mo alam ang buong kwento!"Sagot naman ng isa pang lalaki.Na pasapo sa ulo si Rea na isa sa mga employee nya.Namumutlang tiningnan ng lalaking malalamlam ang mga mata,may bangas sa pisngi at may matipong katawan ang lalaking galit sa kanya.Ang ibang customers naman ay nag-palitan ng mga bulungan,may iilang nanunuod at kumukuha ng video gamit ang kani-kanyang mga cellphone.Ang mga guards ay pilit na pinaglalayo ang dalawang lalake.

Maraming gulo na ang nangyari sa kanyang Coffee Shop,ngunit nabibigla pa rin sya sa minsanang pag-iba ng mga ganap dito.Humingi sya ng tawad sa mga customers na nadaanan.Bitbit ang mga gamit ay agad nyang hinarap ang mga customers na nag-aaway."Ako po si Hyena Snow Smith,ang may ari ng Coffee Shop.What is happening here?"Lumingon ang lahat sa kanya.Lumiwanag ang mga muka ng kanyang mga empleyado.Nakahinga sila ng maluwag at tila nakakita sila ng anghel."Ito kasing mukong na ito.Binugbog ang bunso kong kapatid.Eh, Ma'am!Teen ager lang yun.Pinatulan nya."Kunot nuong sabi ng lalaking puno ng tattoo ang kanang kamay.Namumula sa galit ang lalake,kumuyom ang kanyang kamao.Umamba sya ng suntok pero di nya naituloy dahil sa guard na pumipigil sa kanya."Sira-ulo kasi ang kapatid mo,tiningnan lang ay nanugod agad.Pinagtangol ko lang ang sarili ko!"Depensa ng isa pang lalake.Butil-butil ang mga pawis na umaagos sa makinis nyang muka.Di rin maitago ang galit sa kanyang mga mata.Seryusong tumingin ang dalaga sa dalawang lalake,pilit nyang pinakalma ang sarili.Tumaas ang kilay nya,napaismid at muling tumingin sa kanila."Mga sir,it's inappropriate to fight here.Ginugulo nyu ang Coffee shop ko.Settle your fight in your own place or else,I'll call the police to stop both of you.Alarming scandal na ang ginagawa nyu ngayon pa lang.Kung ayaw nyung makulong,please lang po.Lumabas kayo ng matiwasay dito at ayusin nyu yan sa Police Station.Gusto nyu po ba na ako po ang tumawag ng mga Police para sa inyu?"Natigilan ang dalawang lalake dahil sa sinabi ni Hyena.Agad naman na tumayo ng tuwid ang lalaking may tatoo at ibinaba ang kamao.Yumuko sya at humingi ng tawad,ganun din ang ginawa ng isa pang lalake.Binantayan sila ng dalawang guards hanggang sa makalabas sila ng matiwasay.

Maraming customers ang humanga sa ginawa ni Hyena,maging ang kanyang mga empleyado ay inasahan na ang magandang aksyon ng kanilang amo.Lumipas ang buong hapon ng wala na muling nangyaring kaguluhan.Tulad ng inaasahan ay marami paring mga customer ang dumating.Kahit pagod ay sanay na ang dalaga na harapin ang mga customers,nanatili syang nakangiti at masayang inasikaso ang mga tao.Dumating ang gabi,nais ng hatakin ni Hyena ang kanyang katawan dahil sa pagod.Matapos mag-paalam sa mga katrabaho ay tinungo nya ang kanyang kotse nang nag-iinat ng katawan.

Isang lalake ang bumungad sa kanya.Nakasandal sya sa kanyang kotse at nakangiti sa dalaga.Rumihistro ang gulat sa muka ng babae,pumikit sya ng ilang ulit para masiguro kung tama ba ang nakikita."Yurres,anong ginagawa mo dito?"Gulat pa ring sabi nya.Mabilis syang lumapit sa lalake na panay pa rin ang ngiti."Sinusundo ka.I called your phone a lot of times,but it seems that you're to busy to answer your phone."Natarantang hinalungkat ng dalaga ang kanyang bag upang hanapin ang kanyang cellphone.Ng makita ay namulagat ang mata nya sa gulat ng makita ang maraming tawag at text mula sa binata."Sorry,marami kasing customer."Malungkot na sabi ni Hyena.Ngayon lang ulit ginawa iyun ni Yurres, matapos ang matagal na panahon at dismayado sya na hindi nya nagawang sagutin ni-isa sa mga tawag ng binata."It's ok,I understand.Safe naman yata na iwan dito ang kotse mo,right?Lets eat?Ihahatid na kita.Ako na rin ang bahala na mag-hatid sayo dito bukas."Nais sanang tumanggi ni Hyena ngunit ang sikmura nya na rin ang sumagot at bumuking sa gutom na kanyang iniinda."Oww!I guest that means yes?"Natatawang sabi ni Yurres.Napayuko ang dalaga at tumungo ng dalawang beses.Ikinabigla nya ang biglaang pag hila ng binata sa kanyang kanang kamay.Mabilis na nawala ang antok at pagod na kanyang iniinda ng makita ang hawak sa kanyang kamay.Unti-unting bumilis ang tibok ng puso ni Hyena,mas lalo itong bumilis nang dahan-dahang isuot ni Yurres ang mga daliri sa puwang ng kanyang mga daliri.Napangiti ang dalaga."Paano ko pipigilan ang sarili ko na mahalin sya ulit ng sobra?Kung patuloy nya itong gagawin,baka hindi ko na sya pakawalan.Masakit lang isipin na hindi pagmamahal ang motibo nya.Gusto nya lang na makalimot."Ang pag-iisip nya ng malalim ang nagpalaho ng kanyang saya.Nawala ng tuluyan ang ngiti ni Hyena,gusto nyang alisin ang mga negatibong naiisip kaya minabuti nyang matulog ng sandali habang nasa byahe.

Nagising ang diwa ng dalaga ng maramdaman ang pag hinto ng kotse.Minulat nya ang kanyang mga mata na mabilis nyang ipinikit ng makita ang paglingon ni Yurres sa kanya."Yen---"Ngumiti ang artista ng makita ang nakapikit pa rin na dalaga.Pinagmasdan nya ang muka ni Hyena.Mula sa kanyang makinis at tamang lapad lang ng nuo ay bumaba ang kanyang tingin sa mahabang pilik-mata ng babae.Napalunok sya ng bumaba ang kanyang tingin sa manipis at pulang labi ng dalaga.Naging blangko ang isip ni Yurres.Mayamaya ay lumapat ang kanyang labi at naramdaman ang malambot na labi ni Hyena.Samantalang napamulat naman ng mata ang dalaga,bumungad sa kanya ang nakapikit na binata.Pakiramdam nya ay huminto sa pagtibok ang kanyang puso.Muli itong bumilis ng ihiwalay ng binata sa paglapat ang kanyang labi.Nakapikit pa rin ay lumitaw ang isang ngiti sa artista.Mabilis na ipinikit ng dalaga ang mga mata ng iminulat ni Yurres ang kanyang mga mata.Dahan-dahang lumabas ang binata sa kotse at mahina nyang sinarado ang pinto nito.Kumawala ang isang malawak na ngiti sa kanya."Ang cute nyang mag panggap na tulog.Ano ba itong ginagawa ko?"Mahina nyang sabi kasunod ng ilang ulit na iling.

Releasing Souls(On Going)Where stories live. Discover now