Ikalabing- Siyam na Kabanata

14 2 0
                                    

                  Ang langit ay itim,kaunti lamang ang mga bituin;kumikinang ang mga ito na sadyang magandang pagmasdan. Sa tuwing iihip ang hangin ay mararamdaman ang lamig na dulot nito.
                Alas-dos nang madaling araw, sa oras na ito ay nagpasya ang dalawang grupo ng sundalo ni General Reola; na sugurin ang mga sindikato sa lugar na kanilang pinagtataguan.
                Ang kilos ng lahat ay mabagal, bawat galaw ay planado. May mga sniffer na nakatago sa puno. Ang ibang sundalo naman ay gumagapang sa damo at may nakasabit sa kanilang mga dahon; kung 'di sila titingnan nang maigi ay aakalian na sila ay mga bahagi lamang ng madamong lupa. Ang iba naman ay nakatago sa talahib, ang mga naunang sundalo ay sumesenyas upang sabihin kong ligtas pa bang tumuloy.
                  Si Jlints ang namumuno sa unang grupo, ang ikalawa naman ay pinamumunuan ni Reola.       
                   Nangunguna ang pangalawang grupo sa pagsugod.
                  Pinili nilang magtungo muna sa isang mataas na lugar upang masiyasat ang buong kuta ng kaaway; ito ay bahagi ng gubat na malapit sa mga sindikato.
                  Gamit ang  binoculars, nakita ng heneral ang mga bantay. May tatlo sa labas ng kuta. Ang dalawang bantay ay nasa tapat ng pinto ng gusali, ang isa naman ay nag-iikot sa lugar. Sa una at ikalawang palapag ay tulog ang dalawang bantay na nakaupo sa silya. Sa pangatlong palapag ay nakatayo lamang ang bantay, yumuyuko ito nang saglit at muling inaangat ang ulo upang magising.
                 Binuksan ng heneral ang kanyang flashlight. Saglit niyang  tinutok ang ilaw nito sa itaas at mabilis itong pinatay. Nakuha naman agad ng dalawang sniffer ang kanyang signal. Muli niyang itinuon ang tingin sa mga bantay. Lumawak ang ngisi niya nang makita na isa-isa silang tumumba. Nang nakita niya na patay na ang lahat ng bantay sa labas ng kuta ay iyon na ang hudyat upang ituloy nila ang pagsugod.
                Tuluyang namatay ang tumpok ng apoy sa labas, nagkalat ang alak. Mukang may nangyaring kasiyahan kaya tatlo lamang ang bantay na gising.










              Pinagmasdan ni Jlints ang malaking gusali na nasa harap nila. May tatlong palapag ito at mga sulo ang ginamit dito upang magsilbing ilaw.
                  Buong tapang na sumugod ang unang grupo, tahimik ngunit mabilis ang ginawa nilang pagpatay  sa mga bantay na nasa una at ikalawang palapag. Nagawa nilang patumbahin ang lahat gamit lamang ang matalas na patalim.
                  Naningkit ang mga mata ni Reola,pakiramdam niya ay may mali sa kampo.
Iilan lamang ang mga bantay sa labas at loob ng kuta; na salungat sa impormasyon na nakuha niya.  
               Napalunok ng sariling laway ang heneral ng buksan nila ang bawat kwarto ng gusali. Gamit lamang ang nakita nila sa mga kwarto na nasa unang palapag. Ang ikalawang palapag ay mayruong sampong tao na tahimik nilang pinatay habang sila ay tulog.
               Nang nakarating sila sa hagdanan ng  huling palapag ay dahan-dahan silang kumilos. Huminto sila sa paglalakad ng tumigil si Jlints.  Nakita niya ang huling bantay  na nasa dulo ng paselyo.
               Kinuha ni Jlints ang baril niyang pang sniffer na nakasabit sa kanyang likod.
Tinutok niya ito sa ulo ng babaing bantay,agad itong natumba nang kalabitin niya ang gatilyo.
                   Tiningnan ng Brigadier General ang kanyang nobya  na nasa kalagitnaan ng hagdan. Tumungo sya sa kanya at mabilis ngunit tahimik na tumuloy sa paglalakad ang grupo ng General.
                   Dahan-dahang binuksan ni Reola ang pinto, sa ilaw ng lampara ay nakita niya na tulog ang isang lalake. Kumunot ang noo niya, masama ang tingin nang makilala ito.
                   Ibinigay niya muna sa kasunod  na sundalo ang mga baril na nakita sa lamesa.
                   Marahas niyang hinatak ang lalake at nilagyan ng pusas ang mga kamay nito.
                   Umungol ang lalake at pupungas-pungas na tiningnan ang paligid. Agad na nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang kutsilyo ni Reola na nakatutok sa kanya.
                   "Sino ka?"tanong ng  heneral.
                  Hindi kakikitaan ng takot ang sindikato,tila sanay na ito sa sitwasyon na kinalalagyan niya.
                   "Andrew Gonzalez,ikaw? Anong pangalan mo?"
                    "General Reola Aguilar," may masamang tingin na sabi niya.
                     Walang tigil na sinuntok ni Reola si Andrew. Binigyan niya 'din ito ng maraming tadyak sa kanyang sikmura na nagdulot ng pag-ubo niya ng dugo.
                   Napailing si Jlints, alam niyang gustong patayin ng nobya niya ang lalake; dahil siya ang lalaking lumason kay Aeona. Nagpasya siya na lapitan ang General para pigilan ito.
                   Nagtangka ang nobyo na hatakin ang kanyang nobya ngunit nabigla siya nang malakas siyang itulak nito. Wala pa ring tigil sa pagsipa kay Andrew.
                  "General Reola!"malakas niyang sigaw.
                   Tila isang mabangis na leon ang kanyang kasintahan, leon na hayok sa pagpatay.
                  Nagtangkang din ang ibang sundalo na pigilan siya,pero kahit apat na ang pumigil ay wala silang nagawa. Isa-isa silang tinulak ng heneral, ang iba ay siniko niya upang hindi siya mapigilan.

                 Nagpasya siya na yakapin nang mahigpit ang nobya. Ramdam niya ang lakas nito, pilit siyang tinutulak upang makawala.
                "Reola,babe! Tumigil ka na!" nanginginig niyang sabi.
                  "Bitawan mo ako! Papatayin ko siya, Ahhh!"
                    Buong lakas na inikot ni Jlints si Reola upang maiharap siya. Nang maiharap niya sa kanya ang babae ay natigilan ito. Nanginginig ang mga kamay ng nobyo at balot ng takot ang kanyang mga mata. Nag-iwas ng tingin ang heneral, natauhan siya sa kanyang ginawa. Hindi niya kayang makita na kinatatakutan siya ng kaisa-isang lalake na may hawak ng puso niya.
                  "Babe, nasa bi–ngit ng kamatayan ang a–te ko," sabi niya nang may nagingilid na luha.  
                   Napayuko si Reola upang itago ang naluluhang mga mata. Ilang saglit lang ay hindi na niya  napigilan ang hikbi na lumabas sa kanyang bibig;kasunod ng luha na dahan-dahang umagos sa kanyang pisngi .
                 Matapos mamatay ng mga magulang nila ay naiwan silang dalawa. Kahit may iba pa silang kamag-anak,para sa heneral; si Aeona na lamang ang natitira niyang pamilya. Isipin pa lamang na mawawala sa piling niya ang kapatid ay nadudurog na ang puso niya. Hindi niya kayang magpatuloy sa buhay ng wala ang nakatatandang kapatid. Iyon ay isang malaking takot na hindi niya kayang harapin.
                 Ang takot ay nawala sa mga mata ng brigadier general. Lumapit siya at  mahigpit na niyakap ang kanyang nobya. Inalo niya siya upang mapatahan. Napaka higpit ng kapit ni Jlints na para bang maglalaho si Reola sa oras na bitawan niya ito.
               Pakiramdam niya ay parang pinipiga ang puso niya habang naririnig ang iyak ng minamahal. Magkahalong takot at lungkot ang nararamdan niya. Natatakot siya na mawala ng tuluyan ang kanyang nobya nang dahil sa galit na bumabalot ngayon sa kanya.
                  "Sshh! Maililigtas siya ng mga doktor, malakas ang ate mo. Sa sobrang lakas niya, muntik niya na akong mapatay."
                  "Gus–to ko si–lang gantihan,"pumipiyok na sabi ni Reola;kasabay ng luha na walang tigil sa pag-agos.
                  "Ang batas na ang bahala sa kanila. Kung 'di ka titigil ay pwede mo siyang mapatay."
                   Nag-angat siya ng tingin kay Jlints. Binigyan siya nito nang ngiti,ang ngiting iyon ay tuluyang nagpakalma sa kanya. Bumitaw siya sa yakap at nagpunas nang kanyang luha.
                  "Isa pa, 'di ka ba nagtataka na siya lang ang  pinuno na nadatnan natin dito?"
                   "Naisip ko rin 'yan kanina,nagtaka din ako dahil  iilan lang ang mga bantay."
                    Humarap si Reola kay Andrew. Umubo ang lalake,pilit niyang inaayos ang  kanyang upo kahit na masakit ang kanyang katawan na tadtad ng sugat.
                    Natigilan ang heneral, nangilabot siya sa nakitang lagay ng sindikato. Ang sunod na nakita niya ay nagbigay ng mas matinding takot sa kanya. Ang damit niya ay puno ng dugo, maging ang muka niya at ang kamay ay may dugo rin. Napansin niya rin ang mga sugat sa kanyang kamao. Bumuntong hininga siya, nalaman niya na masyado siyang nagpadala sa galit.
                 "Masama talagang magalit ang mga Aguilar,"napailing na bulong niya sa sarili.
                  "Ikaw, nasaan ang mga kasama mo," tanong ni Jlints.
                  Tumalim muli ang tingin ni Reola nang makita ang ngisi ng lalake. Mahina itong tumawa kasabay ng kanyang pag-ubo.
                    Hindi napigilan ni Reola ang sarili. Mabilis niyang hinatak ang kwelyo ni Andrew.
                     "Anong tinatawa-tawa mo! Gusto mong tuluyan na kita?"
                      "Sige lang, patayin mo ako heneral. Tingnan lang natin kong maabutan mo pang buhay ang kapatid mo."
                      "Bakit? Anong ginawa mo?!"
                       "Sa mga oras na ito ay nasa kamay na siya ng mga kasama ko. Kaya nga kaunti lang ang mga nakalaban niyo dito."
                       "Walang hiya ka!"
                       "Wala ka ng magagawa! Hindi mo na sila–" Hindi na naituloy ni Andrew ang gusto niyang sabihin nang suntukin siya nang malakas ni Reola,na agad na nagpatulog sa kanya.
               Kumuyom ang kamao ng heneral sa galit, tumayo siya upang muling tingnan ang sindikato. Akmang sisipain niya ulit ito ngunit natigilan siya nang may gumawa na ng nais niyang gawin. Tumumba sa pagkakaupo niya si Andrew dahil sa lakas ng sipa. Ngumisi sya ng makita kong sino ang nagpatumba  sa lalake.
               "Akala ko ba ay dapat na siyang tigilan?" nakangiti niyang sabi sa kanyang nobyo.
                "Tsk! Patayin ko pa 'yan,"nakangising sabi ni Jlints.
                Naglaho ang ngiti ng heneral nang may isang sundalo ang lumapit sa kanya. Hinihingal ang lalake na tila galing lang sa pagtakbo.
                "General,may mga armadong lalake ang sumugod sa ospital. Ayon sa mga sundalong bantay, ang pakay nila ay si Miss Aeona."
                  "I know,tumawag kayo sa pinaka malapit na kampo dito. Kailangan natin ng sasakyan."
                    

Releasing Souls(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon