Ikalabing-Apat na Kabanata

13 5 0
                                    

Matalim na tiningnan ni Aeona ang tawanan nila Yurres at Hyena."Wag kang makulit,inaayus ko ang seatbelt mo."Saway ng aktor sa babae ng hindi sya mapakali sa upuan."Nakikiliti ako!"Natatawang sabi ni Hyena.Hindi tinted ang kotse.Kaya kitang-kita ng aktres kong paanong mag-hampasan at mag-hagikgikan ang dalawang kaibigan sa luob ng kotse ng aktor.Humigpit ang hawak nya sa kanyang manibela.Ng hindi na matiis ng dalaga ang nakikita ay agad nyang pinaharurot ang sariling kotse,na kaharap lamang ng kotse ni Yurres.Nawala ang ngiti sa muka ng aktor ng marinig ang pag-alis ng kotse ni Aeona.Sumilay ang mapait na ngiti sa muka ni Hyena."Sinasadya mo ito,gusto mong magselos si Aeona?"Mabilis na inayus ng binata ang kanyang seatbelt at tiningnan ang dating nobya."Hindi ko alam ang sinasabi mo."Nagmamaang-maangan na sabi ni Yurres.Natahimik ang dalaga.Itinuon nya ang tingin sa mga nadadaanang gusali,di nya na nagawang imikin ang binata.




"Kaya pala pumayag syang sumabay kay Yurres.Nakakainis!Ako dapat ang ihahatid ni Yu ngayon,bakit ba kasi dinala ko ang kotse ko?Wait,nani?(what?)Ano bang sinasabi ko?Pake ko naman sa kanila."Napabuntong hininga ang aktres at itinuon muli ang atensyon sa kalsada.May kong anong galit syang nararamdaman kay Yurres.Pakiramdam nya ay kumukulo ang dugo nya pag nakikita nyang masaya ang lalaki sa ibang babae.





"Malamang,nag-seselos ka sa kanila.Ang sweet pala nila ate.Mantakin mo,magharutan ba naman sa harapan mo."Binigyan ng masamang tingin ni Aeona ang kapatid.Na kwento nya kasi ang lahat ng nangyari sa shooting."Wohh!Bakit ang sama ng tingin mo sa akin?Sa tingin na ganyan,para kang papatay ng tao."Napalunok ang heneral ng hindi pa rin inalis ng kanyang kapatid ang masamang titig."Bakit ka ngumingiti?At isa pa,bawiin mo ang sinabi mo.Hindi ako nagseselos sa kanila."Kumawala ang malakas na tawa mula sa nakakabatang kapatid ng aktres.




"Tsundere ka talaga ate.May naalala akong Manga character sa iyo."Tumatawa pa ring sabi ni Reola."Ako,tsu-tsundere?No way!"Mautal-utal na sabi ng aktres.Lalong lumakas ang tawa ng kanyang kapatid ng makita ang pamumula ng sikat na babae."Yes,way!Hindi ba ang tsundere ay mga taong nagseselos pero hindi inaamin na nagseselos sila?Sila yung mga character sa Manga na gumagawa pa rin ng kilos na nagsasabing mahal nila ang isang tao,pero hindi inaamin ang selos nila.At sila yung mga brutal kung mag-selos.Tipong mga psychopath kung magalit pag nag-selos.Ikaw na ikaw ate!......Wag mo sabihing kaya ka namumula ay naisip mo rin yung naiisip kong tsundere na Manga character?Si M---. "Mabilis na tinakpan ni Aeona ang bibig ng kapatid.Pulang-pula na ang kanyang muka.Inilinga nya ang muka para tingnan ang paligid,nakahinga sya ng maluwag ng makita na wala ang mga katulong sa sala.




"Hindi nga sabi ako nagseselos.Argh!Kung gusto mo makalabas ng buhay sa bahay ko,itikom mo ang bibig mo Reo."Inalis ng aktres ang nakatakip nyang kamay sa bibig ng kapatid.Napangiwi sya ng makita ang laway nito sa kanyang palad na agad nyang pinunas sa damit ng kapatid.Napabusangot ang artista ng muling marinig ang tawa ng heneral.Magsasalita sana ulit si Reola ngunit hindi nya na naituloy ng makita ang pagturo sa kanya ng kapatid, kasabay ng masama nyang titig.Ilang segundo lang ang nakalipas ay hindi natiis ng babae ang pagtahimik."Tama ako noh?Sya nga ang naisip mong manga character.Isa sya sa paborito mong tsundere kaya alam kong sya yun.Yiee!Kinikilig ako pag naaalala ko ang bidang character na yun.Ang ganda ng story nya."Malakas na tumawa ang heneral na muling natahimik ng makita ang galit na muka ng aktres.Nagpipigil sya ng tawa na tiningnan ang namumulang muka ng kanyang ate.Sa inis ni Aeona sa kapatid ay napatayo sya at umakyat sa kanyang kwarto."Hindi daw nagseselos."Humahagikgik na sabi ni Reola ng mawala ang kanyang ate.






"Miss?Ok ka lang?Please,pwede bang kunin mo na ang order ko?Muka kasing masarap ang cake dito,kanina ko pa gustong kumain ng favourite cake ko."Napakurap si Hyena ng ma-realize na matagal na pala syang nakatulala,muli nyang narinig ang pagtawag ng customer.Kasalukuyan syang nasa Coffee Shop na pagmamay-ari nya."Ehem!Sorry sir,ako na lang po ang kukuha ng order mo."Nakangiting sabi ng isa sa casher.Nginitian nya ang amo na ginantihan rin sya ng isang ngiti."Ok lang,sya na lang ang pakuhain mo ng order ko.Gusto ko sya ang kumuha."Nakangiting sabi ng customer na nakatingin pa rin kay Hyena."Sige na Rea,ako ng bahala dito.Sir,ano pong order mo?"Nakangiting sabi ng dalaga.Sinunod naman ni Rea ang amo at inasikaso ang iba pang customers.Muli nyang inulit ang orders ng customer at inasikaso ang mga ito.Nag request din sya na si Hyena ang maghatid ng mga orders.Walang nagawa ang dalaga kundi ang sumunod,kahit wala syang gana na mag-trabaho matapos ang mga nangyari sa shooting.






Releasing Souls(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon