Kabanata Dalawampu't lima

16 2 0
                                    





Maingat na lumapit si Yurres kay Aeona habang binabantayan siya ng heneral at ng kaniyang mga sundalo na binabaril ng walang tigil ang mga tinataguang kotse ng mga armadong lalake. Nang nakalapit siya ay niyakap niya ng mahigpit ang kaibagan na para bang maglalaho ang babae sa harapan niya kung bibitawan niya ito. Gumanti rin ng yakap ang dalaga ngunit napabitaw sila nang marinig ang mahinang ubo ni Hezekiah. "Wala tayong oras para sa yakapan niyo. Nasa gitna tayo ng laban," seryuso niyang pahayag. Tiningnan siya ng mabuti ni Yurres, pilit niyang iniisip kong sino ba ang lalake na ngayon ay may matalim na tingin sa kaniya. "Mamaya ko na ipapaliwanag, Yu. Huwag ka mag-alala. Mapagkakatiwalaan siyang tao."
Muli nilang itinuon ang kanilang paningin sa mga armadong lalake na sandaling tumigil upang hintayin ang paglabas nila. Sina Reola naman ay mabilis lumipat ng pwesto, pakay niyang maubos ang kalaban na haharang sa daan niya. Wala niyang sawa na pinaputukan ng mga baril na hawak niya sa magkabila niyang kamay ang mga nagtatangkang pumigil sa kaniya. Ang mga nagmimintis naman sa kaniyang paningin ay walang nagawa sa matalas na paningin ng mga sundalo na kasama sa grupo ng heneral. Ngumisi si Reola nang makita na sumulpot sa harapan niya ang isang lalaking kulot ang buhok at may takip na panyo ang kalahating muka na tanging ang mga itim na mata lang niya ang nakikita. Ang mga mata nito ay matalim ang tingin sa kaniya. Nagtangka ang lalake na siya'y barilin, sa tangka niyang pagkalabit ng gatilyo ay ang mabalis na tama ng bala sa kaniyang kaliwang dibdib. Mas lalong lumawak ang ngisi ni Reola, napatunayan niya ulit na tama talaga ang mga napili niyang mga sundalo. Bawat isa sa kanila ay dumaan sa matinding pagsasanay at sila lamang ang nanalo sa mahihirap niyang pagsubok kaya alam niya na wala sa kaniyang makakapanakit kahit na maglakad siya sa gitna ng mga armadong lalake.
Lingid sa kaalaman ng lahat ang patagong paggapang ng isang lalake na hanggang balikat ang unat na buhok. Dahan-dahan siyang lumapit na may hawak na matalas na patalim, ang kinang ng patalim ay napansin ni Yurres na napaangat ang dalawang kilay sa gulat habang ang mga mata niya ay puno ng takot sa mangyayari. Mabilis niyang itinaas ang baril, handa ng barilin ang nasa likod ng matalik na kaibigan pero pinigil niya ang sarili nang makita ang mabilis na pag-ikot ni Hezekiah na nasa tabi lang ng kaniyang kaibigan at sinangga nito ng kaniyang kanang braso ang patalim.
Ang dugo ay malakas na umagos, nguwi siya sa kirot ng sugat. Kahit na sobrang sakit ng sugat ay pinilit niyang itulak ang patalim kasunod ng mabilis at sunod- sunod na pagbaril sa katawan ng lalake. Hinatak naman ni Yurres si Aeona, tinago niya sa kaniyang bisig ang kaibigan sa takot na makatayo pa ang nagtangka sa kaniyang buhay. Ang babaing artista naman ay inangat ang tingin sa kaibigan. Kitang-kita niya ang magkahalong takot at matinding galit nito, nangtangka si Yurres na muling barilin ang kalaban ngunit hinawakan niya ang mga kamay nito upang pigilan siya.
"Patay na siya," anunsiyo niya sa matalik na kaibigan. Muli niyang itinuon ang kaniyang atensyon kay Hezekiah nang marinig niya ang malakas na pagbagsak nito sa sahig. Nanlake ang mata ng artista nang makita ang malakas na dugo na walang tigil sa pag-agos sa braso ng modelo. Bumitaw siya sa yakap at lumapit kay Hezekiah kasunod ng mabilis na paglabas niya ng puting panyo na nasa bulsa upang itali sa braso ng kaibigan. Mahinang impit na boses ang kumawala sa modelo nang maramdaman ang kirot na dulot ng malaking sugat. Matalim naman na tiningnan ni Yurres ang kaganapan sa harap niya. Gusto niyang ilayo ang matalik na kaibigan sa istranghero na hanggang ngayon ay hindi pa rin makuha ang kaniyang tiwala, naiinis siyang makita ang labis na pag-aalala sa muka kaibigan.
"Sino ba kasi ang lalaking iyan?" Mga salitang tumatakbo sa isip niya, ramdam niya ang selos na unti-unting dumadaloy sa luob niya ngunit pinigil niya ito dahil noong nagpasya siya na maging sila ni Hyena; buo na sa kaniya ang desisyon na ibaling sa kaniya ang pag-ibig na matagal niyang inilaan para sa aktres.

**** *****








Nang lumaon ay dumating ang mga pulis na tinawagan ni Hezekiah. Pumalibot sila sa daungan aat tinutukan ng mga baril ang mga armadong lalake na kalaunan ay sumuko sa huli. Isa-isa silang dinampot at isinakay sa sasakyan, may mga namatay sa laban ngunit karamihan ay sugatan lang na sadyang hindi tinapos ang buhay upang makakalap ng impormasyon sa kanilang ginawa.
Sandaling siniyasat ni Reola ang buong katawan ng kapatid, malayo ang kanilang distansya at nasa pagitan ng distansiya nila si Yurres. Inihakbang niya ang kaniyang paa, handa ng lumapit ngunit natigil siya ng marinig ang boses ni Hyena na tinawag ang pangalan ng kaniyang ate. Mabilis siyang tumakbo upang lumapit sa matalik na kaibigan. Gulat naman na tumingin sa kaniyang pagdating ang lahat, sa paglapit niya ay mahigpit na yakap ang ibinigay niya sa babaing artista na gumati din ng yakap sa kaniya. Hindi niya napigil ang mga luha na umaagos sa mga mata dahil sa tuwa. "Saan ka galing?! Alalang- alala kami sa'yo. Bakit hindi mo kami tinawagan?!" humahagulgol niyang sabi. Napangiti si Aeona nang maranig ang marami pang tanong mula sa kaibigan. "Mahabang kwento, Yen. Ligtas na ako, huwag ka na mag-alala." Nang lumipat ang tingin niya sa nakakabatang kapatid ay nginitian niya ito bilang pagbati. Napailing ang lalaking artista nang nagpalipat-lipat ang kaniyang tingin sa magkapatid, ang ngiti niya ay hindi niya mapigil dahil iisa lang ang mababasang emosyon ng magkapatid base sa kanilang kilos. Puno ito ng pananabik at pag-aalala. "Yen, may kailangan kumausap kay Aeona,"abiso ni Yurres. Agad namang humiwalay ng yakap si Hyena na lumapit sa kaniyang nobyo. Nakangiti nilang pinagmasdan ang magkapatid sa bawat galaw nila.
Unang lumapit si Aeona sa nakakabatang kapatid, ang kapatid naman niya ay siniyasat pa rin ang kalagayan ng kaniyang ate. May mga gasgas ang artista sa kaniyang braso at binti na nakuha niya sa mabilis na pag kilos para makatago sa mga taong nagtangka sa kaniyang pumatay. Maliban doon ay wala naman siyang mapanganib na natamo kaya nakahinga ng maluwag ang heneral. Nang makalapit si Aeona sa kapatid ay mabilis na hinatak ng heneral ang kapatid at niyakap ng mahigpit kasunod ng kaniyang mahinang pag-iyak.
"Marami kang kailangang i-kwento sa amin,ate."
"Alam ko."
Lumawak ang ngiti ni Yurres sa kaganapang nasasaksihan. Nag-alala sila ng kaniyang kasintahan sa lagay ng babaing artista ngunit alam nilang mas nag-aalala ang heneral sa kaniyang kapatid. Patuloy pa rin niyang pinapanuod ang magkapatid, mahinang tinatapik ni Aeona ang likod ni Reola upang patahanin ang iyak nito habang nakangiti ng malawak, mahina niyang inalis ang yakap ng heneral at pinunasan ang mga luha nito na para bang bata ang kaniyang kaharap. "Ang sipon mo ay tumutulo na," tukso niya sa heneral na nakapagpatawa sa kanilang dalawa,umani siya ng mahinang hampas sa kaliwang braso at pinunasan ni Reola ang ilong niya ngunit natawa siya ng wala siyang nakapa na sipon dito kaya tiningnan niya nang may naniningkit na mata ang kaniyang ate. Napalingon naman si Yurres kay Hyena nang maramdaman niya ang pagtitig sa kaniya nito. Ang saya niya ay naglaho, napalitan ito ng pagtataka sa tingin ng kasintahan. "Yen, may problima ba?" Kumarap- kurap ang mga mata ng kaniyang nobya na tila natauhan sa kaniyang kilos, umiling siya at binigyan ng tipid na ngiti ang lalaking artista.
"Paano mo nga pala nalaman na nandito kami?" tanong ni Yurres sa kasintahan. "Tinawagan ako ni Jlints. Mabuti na lang ay tumawag siya. Wala ata kayong balak ipaalam na kikitain niyo na si Aeona, " sabi niya, kasunod ng mataray na pag-irap niya sa kaniyang nobyo. "Alam kasi naming hindi pa ligtas. Ayaw naming mapahamak ka. Matapos ang nangyari sa ospital ay alam naming nagbabantay lang ang sindikato na gumaganti kay Reola." Hindi nagustuhan ni Hyena ang pagkakaintindi niya sa totoong gustong sabihin ng kaniyang nobyo. Alam niyang mahina siya, hindi niya kayang lumaban sa mga dilikadong tao pero may karapatang pa rin siyang malaman agad ang lagay ng kaibigan lalo't matagal na nawala si Aeona nang wala ni-isang impormasyon tungkol sa lagay niya. "Pero-"natigilan siya sa gustong sabihin sa kaniyang nobyo nang biglang niyang maisip na parang nangyari na sa kaniya ito dati, na para bang hindi rin siya sinama sa pag ligtas sa isang tao na pakiramdam niya ay malapit sa kaniya.

"Ano 'yon?"
"Yurres... .... Nangyari na ba ito dati?"
"Anong sinasabi mo?"
"May iniligtas na ba kayo dati na hindi niyo rin
ako sinama?"
"Ha?! Hindi, wala namang gantong nagyari dati."

Sandaling napatingin sa kawalan si Yurres, ilang saglit pa ay muli niyang tiningnan si Hyena nang may pamilyar na pakiramdam siyang naramdaman, ang pakiramdam na naranasan niya ang sinabi ng kasintahan. "Bakit?" takang tanong ng kaniyang nobya. Nakaramdam ng kaba si Hyena ng makita ang namumutlang itsura ni Yurres. Matagal na tumitig sa kaniya ang kaniyang nobyo na lalong nagpadagdag sa kaniyang kaba. "Ano bang iniisip mo, Yurres?"







Releasing Souls(On Going)Where stories live. Discover now