Kabanata Dalawampu't Ikalawa

11 2 3
                                    


       

                "Hindi, Michael. Ito na ang tamang oras upang malaman niya ang totoo."

                "Ano?! Pagsuway ang gusto mong gawin."

                "Nakapagpasya na ako."
                 Pilit na inalis ng may puting pakpak ang mga kamay ni Michael at nilampasan niya ito.  Muli siyang nagtangkang lumapit kay Aeona ngunit lumundag ng mataas ang lalaking may gray na pakpak upang muling humarang sa kaniyang dadaanan.

               "Hindi na talaga kita mapipigilan sa gusto mong mangyari. Anong gagawin mo kong malaman ito ni Ama, Gabriel?"

              "Alam na ito ni Ama. Siya ang Diyos na lumikha ng lahat at lahat ay nasa plano niya. Sa tingin mo ba ay hahayaan niya lang akong gawin ang plano ko? Hindi, gusto niya itong gagawin ko kaya hindi niya ako pinigilan. Malakas ang pakiramdam ko na kailangan ko itong gawin."

                "Sige, papayagan na kitang gawin ang gusto mo,pero sa isang kondisyon. Pag nagawa mo na ang plano mo ngayon ay hindi ka na maaari pang kumilos ng salungat sa utos ni Ama."

                 Tumungo si Gabriel kay Michael. Muli niyang nilampasan ang kapwa anghel at lumapit kay Aeona. Napaatras naman ang artista, 'di pa rin siya makapaniwala sa lahat ng nangyayari. Sumilay ang isang ngiti sa muka ng anghel, naging kaamo-amo ang kaniyang muka dahil sa kaniyang ngiti kaya humanga ang dalaga sa kaniyang kakisigan.

                   "Paumanhin sa nangyari. Gusto ko muling magpakilala, ako nga pala si Gabriel. Isa akong mensahero ng Panginoon at isa rin sa kaniyang mga sundalo. Ang kasama ko nga pala ay si Michael–" tumigil ang anghel sa kaniyang mga nais pang sabihin at tumawa. Pakiramdam niya ay nauulit nanaman ang nangyari dati. Kunot-noo siyang tiningnan ni Aeona. Muling inayos ng anghel ang kaniyang sarili at pilit na pinipigil ang pagtawa.
Ngumiti siya ng malawak at muling nagsalita. "Humihingi ako muli ng paumanhin, ginawa ko na kasi ito dati kaya hindi ko mapigilang matawa. Nakakapanabik na muli kang makausap matapos ang matagal na panahon na hindi ka maaaring kausapin." Pansamantalang nawala ang malawak niyang ngiti, sumeryuso siya ngunit ilang saglit pa ay muli siyang ngumiti. "Ayaw ko ng magpaligoy-ligoy. Narito ako upang ibalik muli ang alaala mo." Kumurap-kurap ang mata ni Aeona sa sinabi ni Gabriel.

                "Anong ibig mong sabihin?"tanong ng artista.Lumapit ang anghel at hinawakan ang kaniyang kamay."Ito ang ibig kong sabihin."Gusto niyang kumawala  ngunit mahigpit ang hawak sa kaniyang kamay. Nanlaki ang mata niya sa gulat ng biglang umilaw ang kanilang kamay. Sa matinding liwanag ay nakita niya ang mga alaala na ngayon niya lang nasaksihan.

                Unti-unting nagbalik ang mga ala-ala na nawala. Ang mga ala-ala kong kailan niya nakilala si Neil, kong paano niya nakilala ang mga anghel; marami pang ala-ala ang sumakop sa isip ni Aeona. Naramdaman niya ulit ang saya na makasama ang taong minamahal niya hanggang sa ngayon. Napangiti siya ngunit naglaho ang ngiting nasa labi niya ng marinig niya ang mga salita na sinabi niya dati.
"Akala ko talaga ay patay ka na!Anong nangyari sayo?Alam mo ba kung paano ako umiyak sa pagluluksa ng malaman ko na pinatay ka?"

                    Nanginig ang labi ni Aeona, napayuko siya ng muling maalala kong paanong malungkot na tinalikuran sila ni Neil. Naalala niya kong paano siya umiyak nang muli silang pumunta sa puntod niya, ang ala-ala na ginusto niya na lang mamatay dahil ang sakit ay 'di niya na kayang pasanin. Ang pagbalot ng kadiliman sa mundo niya nang mawala ang minamahal ay muling bumalot sa puso niya.
         

Releasing Souls(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon