Kabanata Dalawampu't Isa

13 2 0
                                    

N/A: Heyyy! Miss Releasing Souls? Its been a while since I update more than 1 chapter. Here it goes. Hope you enjoy it. BTW, kilala mo ang Little Mix?Sila ang nasa likod ng kantang Secret Love Song. Kung may oras ka, check mo ang mga new song nila na "Break Up Song" and "Holiday" magaganda 'yang mga 'yan. Check mo din mga album songs nila, magaling ang Little Mix,' di ka magsisisi.



----- ---------- ----






Natutulog si Aeona ng mahimbing ng nakarinig siya ng malakas na ingay, pilit niya itong binaliwala at yumakap ng mahigpit sa kaniyang unan. Muli niyang narinig ang ingay na mas lalong lumakas sa ikalawang tunog nito. Ang tanging tumatakbo lang sa kaniyang isip ay," Sigurado ako na si Reola ang nag-iingay, makulit talaga siya." Tinakpan niya ng unan ang kaniyang tenga ng marinig muli ang ingay.


"Ano ba Reola, manahimik ka. Gusto ko pang matulog," bulyaw niyang sabi habang nakapikit pa rin ang mga mata. Nakarinig siya ng malakas na hagikgik."Wala dito si Reola, gising!" Mabilis siyang umupo upang tingnan kong sino ang may-ari ng tinig. Nakita niya si Hezekiah na hawak ang dalawang takip ng kaldero, pinaghampas niyang muli ito upang gumawa ng ingay. Natauhan naman si Aeona, naalala niya na nasa bahay siya ng kaibigang modelo at wala ang kapatid niya upang mangulit.


"Gising na,may pupuntahan tayo. Oo nga pala, salamat sa tulong mo kay Manang para madala ako sa kama ko. Patawad, masyado akong nalasing." Tipid na ngiti ang tugon ng artista ng maalala niya ang nangyari, hindi niya inakala na siya ang hindi malalasing sa kanilang dalawa.Sa tingin niya kasi kay Hezekiah ay muka itong sanay sa inoman.
"Ano? Kilos na, kailangan pa nating mag- almusal."
"Saan ba tayo pupunta?"
"Sa dagat, may gagawin tayo doon."
----- ------ ----------





"Ito pala ang gagawin natin. Mangingisda. Hayyys, ginising mo ako ng maaga para lang dito. Hindi mo naman kailangan na mangisda, pwede tayong mamili na lamang ng pagkain sa palengke,"Nagkakamot ng ulo na sabi ni Aeona, inip na inip na siya dahil wala pa siyang nahuli ni isa sa lumipas na isang oras; si Hezekiah naman ay nakahuli na ng anim na iba't- ibang uri ng isda. "Alam mo, magandang pampalipas ng oras ang pangingisda. Lalo na ngayon na wala tayong kuryente. Sulitin natin ang nabibigay ng kalikasan."


Ngumuso ang dalaga at sumang-ayon na lamang. Pinagmasdan niya ang asul na dagat, ginalaw-galaw ang paa na nakalabas sa Yate ng kaibigan. Ang buong atensyon niya ay tinuon niya sa hawak na pamingwit, umaasa siya na ano mang oras ay makakahuli na siya ng isda pero dumaan pa ang dalawang oras na wala siyang huli ni-isa. "Ano, hihingi ka na ba ng tulong upang makahuli ka ng isda?" malawak ang ngiti na sabi ni Hezekiah; ngiting lalong nagpapainit ng kaniyang ulo. Huminga siya ng malalim at tumungo.


Matapos ituro ni Hezekiah kay Aeona ang tamang panghuhuli ng isda ay sunod-sunod na ang kaniyang nahuli. Tuwang-tuwa siya, sa wakas ay nasa kalahati na ng kaniyang balde ang nahuli niyang isda sa lumipas na dalawang oras. "Hezekiah, naalala mo bang ang mga na ikwento mo kagabi?" tanong niya sa kaibigan. Bahagyang nawala ang ngiti sa labi ng binata. Pinigil niya ang sarili na mag sinungaling kasi alam niya na hindi niya maloloko si Aeona.
"Oo," tipid niyang sabi na may blangkong tingin.


Gustong ungkatin muli ng artista ang nangyari ngunit hindi niya na lamang ginawa. Ramdam niyang ayaw ni Hezekiah ang ano mang usapan na may kinalaman kay Olquesei. Nabaling ang atensyon niya sa hawak na panungkit nang gumalaw 'to.Hinatak niya ito ng malakas at ng makita ang dulo ng tali ay tumambad sa kanila ang malaking Flaying Fish; gumalaw- galaw ang isda, pilit na gustong umalis sa pamingwit. Nagtawanan sila nang matalsikan ng tubig sa muka. Ang ilang hibla ng buhok nila ay nabasa sa dami ng tumalsik na tubig.


Releasing Souls(On Going)Where stories live. Discover now