Kabanata Dalawampu

17 2 0
                                    

A/N: I'm so sorry, it took me so long to update again. I'm just busy on my own life. But, here I am again with new updates and new pen name! Don't worry, Releasing Souls ending is coming soon. Hhhmm? If I'm right in guessing... only 10 to 15 chapters are left unwritten. Pray for a hard-working writer guys so I can finish this book soon and edit it.
---- --- ----- ------ ------ ----- ------- ------- ------


                     Magulo sa buong ospital. Maraming sugutan na tao at kahit sino ay hindi pinalampas ng mga armadong lalake; maging ang mga guwardya ng ospital ay duguan at nakahandusay sa sahig. Palipat- lipat ang tingin ni Reola sa mga tao na duguan at nakahiga, umaasa siya na makikita sa mga ito ang kaniyang kapatid. Nang siya'y mabigo  na hanapin si Aeona sa mga nasaktan ay nagmadali siya na magtungo sa kwarto ng kapatid. Tahimik lang na nakasunod sa  kaniya ang kaniyang nobyo  at pitong sundalo na halatang pagod dahil sa unang misyon na kanilang natapos.
            Humihingal man ay agad na binuksan ng heneral ang pinto ngunit namilog ang kaniyang mga mata nang hindi niya nadatnan ang kaniyang kapatid. Inikot niya ang tingin sa buong kwarto ngunit  magulong kama at duguang mga sundalo lang ang kaniyang nakita.
             "Ang kapatid ko, nasaan siya?!"bulyaw niyang sabi sa mga nanghihinang sundalo. Lumapit siya sa mga ito at muling tinanong kong anong nangyari. Hindi man maayos ang pag-hinga ay kinaya pa ring mag-salita ng lalakeng sundalo na kaniyang nilapitan. "Sinama si-ya. Haaa, hin-di ko a-lam kong saan nila siya dinala,"tila hinihingal niyang sabi habang hindi maipinta ang muka dahil sa sakit ng sugat na nasa dibdib niya. Matalim na tiningnan ni Reola ang mga sugat ng dalawang sundalo. Tumayo siya,lumapit sa telepono, at tumawag ng nurse.
Hinakbang niya ang kaniyang mga paa, handa ng umalis ngunit humarang si Jlints sa daan upang pigilan siya.

           "Saan ka pupunta?"
           "Saan pa? Hahanapin ko ang kapatid ko."
            "Reola kailangan mo na nating mag plano. Saan mo siya hahanapin? Hindi mo alam kong saan ang lokasyon niya. Magsasayang ka lang ng oras."

           Napayuko ang heneral. Ilang saglit pa ay umupo siya at sinabunotan ang sariling buhok. Ang galit ay hindi niya maitago. Umupo rin ang brigadier general at hinawakan ang balikat ng nobya.
"Mahahanap din natin siya," sabi ni Jlints. Niyakap niya si Reola upang humupa ang galit nito, alam niyang hindi kayang kontrolin ng kaniyang nobya ang kaniyang galit; madalas ay nakakapatay siya ng inosente sa tuwing nagpapatalo sa kaniyang galit.
Si Reola ay tipo ng kapatid na handang pumatay maingatan lamang si Aeona.

----- ----




          Huni ng ibon at masakit sa balat na sinag ng araw ang gumising kay Aeona. Pupungas-pungas niyang binuksan ang kaniyang mga mata ngunit muli niya itong ipinikit ng sumakit ito dahil sa liwanag ng kwarto. Nang masanay sa liwanag ng kwarto ay inilibot niya ang paningin. Puti ang simentadong dingding, asul ang kurtina ng bintana na bukas; sa tapat ng bintana ay makikita ang isang puno, sa dahon nito ay lumulusot ang liwanag ng araw. Kunot-noo niyang tiningnan ang pinto,pilit niyang inaalala ang huling nangyari sa kaniya. Ang tangi niyang natatandaan ay ininom niya ang alak na binigay sa kaniya ng isang waiter.
Pumikit siya upang alalahanin ang iba pang nangyari ngunit wala na siyang matandaan.
             "Mabuti naman at gising ka na," nakangiting sabi sa kaniya ni Hezekiah nang lumitaw siya matapos bumukas ang itim na pinto. Kunot-noo pa rin siya at takang nakatingin sa lalake. "Nasaan ako, Hezekiah? Bakit narito ka?" nagtataka pa rin niyang sabi. Lumapit ang binata at umupo sa kama. Tumawa ito na para bang bumigkas ng mga nakakatawang salita ang artista. Matapos kumalma ay tumigil ito sa pagtawa at naging seryuso. "Alam mo nakakatawa ka. Muntik ka nang mamatay pero wala ka man lang kaalam-alam." Namilog ang mata ng dalaga at bumuka ang kaniyang bibig sa gulat. Muling tumawa si Hezekiah.
              "Nasa beach house kita, muntik ka nang patayin ng mga sindikato na sumugod sa ospital."
              "Ano?! Bakit gusto nila akong patayin?"
               "Ayan ang hindi ko alam. Dinala kita dito para maging ligtas ka. Sino ang dapat kong tawagan upang malaman nila na ligtas ka?"
               "Kailangan kong tawagan sina Yurres at Reola. Nag-aalala na sila sa akin. Ilang araw na tayong narito?"
               "Hhhmm? Isang lingo–"
               "Ano?! Bakit hindi mo sinabi sa akin? Isang lingo na rin akong hinahanap ng kapatid at mga kaibigan ko."
               "Patawarin mo ako, nawala sa isip ko. Binalak ko rin sana na ipaalam sa nakakakila sa iyo na ligtas ka. Pero, hindi ko alam kong sino sila at matagal kang nakatulog dahil sa operasyon na ginawa sa iyo."



Releasing Souls(On Going)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ