• Prologue : Enter Kid.. •

4.2K 131 2
                                    

*********************************************

PFS Directors Office..

"Inaasahan ko na maganda ang balitang dala mo Inspector David," ani ng isang lalakeng my edad na nakaupo sa isang swivel chair.

"Yes sir! Ayun sa informant natin ang Ghost ay kasalukuyang nagtatago sa isang VRMMORPG na kinagigiliwan ng mga kabataan ngayon," sagot naman ni David.

"Anong yung VRMMORPG ha?" Naguguluhang tanong ng lalake kay David.

"Ah eh! Sir ganito po kasi yun ang VRMMORPG po ay isang game na kinakaadikan ng mga kabataan ngayon," paliwanag ni David.

"ANO!! Niloloko mo ba ako David paanong makakapagtago ang isang kriminal sa loob ng isang game! Sinasabi mo bang naging computer program ang Ghost at pumasok sa loob ng laro!?" Pabulyaw na tanong ng matandang lalake.

"A-ano po kase sir!!" Nauutal na sagot ni David.

Tok Tok Tok!

"Come in!" Paanyaya ng matanda sa taong nakatok.

Pagkabukas ng pinto ay iniluwa nito ang isang sopistikadang babae, maganda, maputi, matangkad at may perpektong hubog ng katawan na niyayakap ng kulay itim na blouse na tinernuhan ng itim na skirt at high heels.

"Hi lo!" Bati nito pagkapasok sa opisina ng matandang lalakeng.

Nag-dirediretao ang babae at humalik sa pisnge ng matanda.

"Oh apo!! What's the matter? May problema ba?" Tanong ng matanda sa dalaga.

"Nothing lolo! Napadaan lang ako actually!" Nakangiting sagot ng dalaga sa matanda, "hey! Kuya David bakit nakasambakol ang mukha mo diyan? Inaway ka ba nitong si loko!!" Baling naman ng dalaga kay David ng makita nito na nakasimangot ang lalake.

Hindi naman nakaimik si David at nanatili lang itong tahimik na nakaupo sa upuan.

"Apo! Tungkol sa trabaho ang pinaguusapan namin ni David at hindi ko siya inaaway!" Paliwanag ng matanda sa dalaga.

"O-kay! So I'll be leaving then!" Sambit ng dalaga.

Paalis na sana ang dalaga ng harangin siya ng kanyang lolo.

"Apo did you happen to know anything about VRMMORPG!?" Halos mapabalikwas ang dalaga ng madinig ang sinabi ng matanda.

"Bakit lolo!? Anong meron sa VRMMORPG!?" Kunot noong tanong ng dalaga.

"Inspector David!!" Singhal ng matanda kaya aligagang itinaas ni David ang kanyang ulo kaharap sa dalaga.

"Ayun sa informant namin isang kriminal na kilala sa tawang na Ghost ang nasa loob ng isang VRMMORPG at nagtatago!" Sambit ni David.

"Well! Dito sa pilipinas iilan lang ang sikat na ganyang klase ng game at talaga namang masasabi ko na karamihan sa mga kabataan ngayon ay naaadik sa paglalaro ng ganun! Me is not an exemption!!" Sagot naman ng dalaga.

"Pero Apo paano magagawa ng kriminal ang magtago sa loob ng laro!? Hindi ba't kapag naglalaro ng computer game at nasa harapan ka lang ng monitor!?" Nagtatakang tanong ng matanda.

"Yeah! Tama ka lolo yun ay kung computer game ang nilalaro but VRMMORPG is different! To enter the game you need a device just like this one!" Turan ng dalawa sabay kuha ng isang visor-like device sa kanyang bag at pinakita ito sa matanda.

"Ano naman yan Apo!?" Kunot noong tanong ng matanda.

"This thing called Neuro Pulse Visor! Gamit to maipapadala ang consciousness ng player sa loob ng game while the body remain in the real world!" Paliwanag ng dalaga na nagpalaki sa mata ng matanda.

Tales Of Heimdohr: Mana BringerWhere stories live. Discover now