• Episode 39 - Assurance and Resolution •

1.2K 64 12
                                    

*********************************************

Aulkwen's Residence, Real World...

Kid's PoV

Nandito pa din ako sa bahay ng lokong to at hanggang ngayon ay hinihintay ko pa din ang sagot niya ang kaso imbis na sagutin ako ay inabala naman niya ang sarili sa pagtipa ng kanyang keyboard.

"Hey, hinihintay ko ang sagot mo," hindi ko na napigilan ang sarili ko na komprontahin siya.

"Wait lang! Sasagutin ko yang tanong mo but first we have to talk about this," tugon niya kasunod ang pagtuturo niya ng isang imahe sa monitor ng kanyang computer.

Yung image na yun. Yung Black Death yun ha.

"I do remember nung sinabi ko kagabi na gulatin mo sila pero hindi ko inaasahan na pati ako ay gugulatin mo ng inilabas mo to," turan niya habang tinuturo ang larawan ng Black Death sa monitor ng computer niya.

Ano daw!? Pati siya nagulat ng inilabas ko ang sandatang yun. Kung sa bagay si Engr. Gredlin lang ata ang nakakaalam ng tungkol sa sandatang yan.

"Ang totoo wala talaga sana akong planong gamitin yan but he leaves me no choice," saad ko.

"Actually ang issue dito ay hindi sa paggamit mo sa sandatang yan kung hindi ang sandatang yan mismo," turan niya.

Ang taong to talaga bakit ba kasi hindi na lang ako diretsuhin.

"Ano bang pinupunto mo!? Diretsuhin mo na lang kaya ako," seryosong sabi ko.

Napabuntong hininga naman siya at muling lumipat sa sofa kung saan siya nakaupo kanina.

"That weapon came from the Den of Trials, I am right!?" turan niya matapos umupo sa sofa.

"Yeah!" maiksing tugon ko.

"1 hour and 30 minutes!" he said, "yan ang oras na kailangan mong ma-beat para makakuha ka ng isang Eternal Class na weapon mula sa Den of Trials. So far hindi pa namin nasisigurado kung ang lakas ng weapon ay depende ba sa oras na tinapos mo ang Den of Trials o sa kung paano mo to ginawa at kung oras ang pagbabasehan it means na yung weapon mo ang pinakamalakas so far sa mga Eternal weapon na nagmula sa Den of Trials," paliwanag niya.

Ang natatandaan ko ay tinapos ko ang Den of Trials sa loob ng 59 mins at ang sabi ni Marcus ako daw ang current holder ng rank 1 sa Den of Trials challenger.

"Pwede ko bang malaman kung ilang player na ang nakatapos ng Den of Trials sa loob ng 1 at kalahating oras!?" pag-uusisa ko sa kanya.

"Ahh.. Wait ha.. Check ko lang," sambit niya sabay tipa ng kanyang keyboard.

At sa ilang pindot ay lumitaw na ang isang teksto kung saan makikita ang mga pangalan na nakahilera paibaba.

"So anong sabi diyan!?" tanong ko.

"Hmm.. Base dito out thousand players ay 7 pa lang ang nakakagawa nun and you are the current holder ng rank 1," sagot niya.

So totoo pala ang sinabi ni Marcus pero hindi pa din ako kombinsido kaya naman inilapit ko ang mukha ko sa monitor upang basahin ito.

Napakunot ang noo ko ng mabasa ko ang isa sa mga pangalan na naka-indika sa listahan sa monitor sa harapan namin.

=========================================
4. MONTBLANC                                01:11:36
=========================================

Tama ba tong nababasa ko!?

"Ikaw din!?" sambit ko.

"Syempre naman! Ako pa ba!?" pagyayabang niya.

Tales Of Heimdohr: Mana BringerWhere stories live. Discover now