• Episode 44 - Event Quest Start•

1.3K 61 14
                                    

*********************************************

Seraphica's Alliance Guild House, Rowen City..

Matapos ibigay ni Kael ang detalye ukol sa event quest ay madali niya namang napapayag ang grupo ni Serene na samahan sila upang mapunuan ang 6 na taong party requirements para mabuksan ang nasabing quest.

At ngayon magkakasama ang anim sa ikalawang palapag ng Guild House upang pormal na buksan ang quest.

"Kung bubuo tayo ng 6 man party. Sino ang tatayong party leader?" pagbubukas ni Cold sa usapan.

Walang umimik hanggang sa magbigay ng suwesyon si Serene.

"Total kay Kael naman ang event ticket. Bakit hindi na lang siya ang gawin nating party leader," nakangiting sabi ni Serene.

"May point si Serene. Go ako diyan," segunda naman ni Cold sa suwesyon ng kaibigan.

"Kayo ba!?" tanong ni Serene sa mga kasamahan.

"Okay lang sa akin, ate!" sagot naman ni Rei.

Nag-thumbs up naman si Cross bilang tugon sa dalaga.

"Ikaw, Althea!" baling naman ni Serene sa isa pang kaibigan.

"Sige lang! No problem," sagot naman ni Althea.

"Ay parang labas sa ilong ha!" banat ni Cold na ikinakunot ng noo ni Althea.

"Cold, nagsisimula ka na naman!" puna ni Serene sa dalaga na agad namang ngumiti sabay pukol ng peace sign sa kaibigan, "so Kael, malinaw ang naging botohan! Ikaw ang party leader ng magiging party natin para sa quest na to," baling naman ni Serene sa binata.

"Anak ng kamote! Kaya ko bang pamunuan ang apat na to!" turan ni  Kael sa sarili.

"Hey, Kael! Kinakausap ka oh!" sambit ni Rei sabay siko sa braso ng binata.

"Pasensya na!" singhal ni Kael dahilan para lihim na matawa ang mga dalaga sa harapan niya.

"Mukhang tense ka ha! Wag ka ma-star struck kami lang to," nakangising banat ni Cold.

"Ang totoo iniisip ko kung makakaya ko ba kayong pamunuan gayong mas matagal na kayong naglalaro ng game na to kumpara sa akin at kung ikukumpara sa totoong buhay ay mga superior ko na kayo," dirediretsong wika ni Kael dahilan para lalong matawa ang mga dalaga harap niya.

Nagpatuloy sa pagtawa ang mga magkakaibigan na akala mo ay wala ng bukas na tumagal pa ng ilang minuto.

"Kael, listen! Relax ka lang ha nasa game world tayo! Hindi to totoo! Okay," sambit ni Cold pero hindi yun nagustuhan ni Kael dahilan para kumunot ang noo ng binata.

"Ahmm.. Mga ate wag na po tayo tumawa kasi po-" hindi na naituloy ni Rei ang dapat niyang sabihin ng awatin siya ni Kael sa pamamagitan ng paghawak sa balikat niya.

"Pasensya na ha! Sige ako na ang tatayong party leader at gagawin ko ang trabaho ko sa paraang alam ko," seryosong sabi ni Kael na nagpatigil sa tatlo sa pagtawa.

Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa pagitan ng anim na akala mo'y mayroong dumaang anghel hanggang sa basagin ito ni Serene.

"Okay! Bale ididisband ko na muna yung dating party namin tapos add mo kaming apat ng isa-isa sa party niyo," saad ng dalaga kasunod ang pagkalikot nito sa VS niya, "ayos na Kael! Add mo na kami," sambit niya matapos iwaksi ang VS sa harapan niya.

"Okay!" tipid na sagot ni Kael at ginawa na nga niya sinabi ni Serene, isa-isa niyang in-add ang apat sa party na meron sila ni Rei.

Sunod-sunod ang notification na nag-pop up sa VS niya matapos niyang padalahan ng party invitation ang apat.

Tales Of Heimdohr: Mana BringerWhere stories live. Discover now