• Episode 29 - The Slave's Chamber •

1.2K 60 13
                                    

*********************************************

Slave's Chamber, Daeguldar...

Kid's PoV

Matapos ang pagbibigay ni Helena ng impormasyon kay Klohro ay minabuti na naming paunahin na siya sa paglabas ng kastilyo dahil sigurado akong magiging mapanganib para sa kanya kung sasama pa siya sa amin.

Ngayon ay nasa bukana na kami ng chamber kung saan sinabi ni Helena na  nakapiit ang mga bihag ni Aghka.

"Andito na kayo," kalmadong wika ni Klohro.

Mula dito sa pwesto ko ay tinanaw ko ang bukana ng chamber, may dalawang gwardiya ngunit iba sa mga naunang mobs na nakalaban namin liban sa maputla ang mga balat nito ay halos wala silang pinagkaiba sa tao.

"Robin, mapapatumba mo ba ang dalawang yun ng sabay," tanong ko kay Robin.

"Psh! Yun lang ba!? Syempre naman," pagmamalaki ni Robin sa akin, "manuod ka!" wika pa nito.

Pagkakuha'y iniumang na ni Robin ang kanyang busog sa patungkol sa dalawang gwardiya.

[[ TWIN ARROW ]]

Zooommm!!

At tulad ng sinabi niya ay nagawa ka niyang mapataob ang dalawang bantay ng sabay ng tumama ang mga pinakawalan niyang arrow sa mga dibdib nito.

"Nice shot!" papuri ni Klohro ng makita ang ginawa ni Robin.

"Thanks!" tugon naman nito, "nakita mo yun Kael? Di man lang ako pinagpawisan," pagyayabang nito sa akin.

Well! Aaminin ko naman na humahanga ako sa kakayahan niya na gumamit ng bow na para bang real life archer siya o baka naman ganun nga talaga siya dahil masyadong precise at accurate ang bawat bitaw niya ng palaso.

"Yeah! Nice," singhal ko.

"Yun lang ang comment mo," parang inis na sabi nito.

"Meron pa bang dapat sabihin na iba?" tanong ko.

"Hayss!" buntong hiningang wika nito.

"Oh tama na yan ha!" awat naman ni Rei sa amin.

Wala naman akong ginagawa na kung ano ha! Bakit kailangan pang awatin?

"Fine!" singhal ni Robin sabay lingon nito sa ibang direksyon.

"Kael, ano ng plano?" tanong ni Klohro sa akin.

"Back to formation tayo! Yung pangalawang formation na ginawa natin kanina. Kailangan pa din natin mag-ingat dahil hindi tayo sigurado kung anong meron sa loob ng chamber," sagot ko kay Klohro.

"Okay!" Sabay-sabay naman nilang sagot.

Sa pangunguna ko ay tinahak na namin ang pasilyo na magdadala sa amin sa loob ng chamber na tinutukoy ni Helena.

"Wait!" wika ni Rei bago kami pumasok sa pasilyo, "sayang ang loot!" dagdag pa niya kasunod ang pagkuha niya ng loot mula sa dalawang mobs na napatay ni Robin kanina.

Habang kinukuha niya ang loot mula sa dalawang mobs ay di ko mapigilang suriin ang katawan ng dalawang mobs dahil sa wangis nila na gaya ng isang tao liban na lang talaga sa maputlang balat nila.

At matapos nga ang pagkuha ni Rei ng loots ay dumiretso na kami sa loob ng pasilyo kung saan nakakagimbal na tunog ang sumalubong sa amin.

Papaaak!!

"Aaarrggghh!!"

Paaakkk!!

"Ugaaahh!!"

Tales Of Heimdohr: Mana BringerWhere stories live. Discover now