• Episode 35 - Kael X Shiden

1.1K 72 37
                                    

*********************************************

Rowen's Arena, Rowen City...

Sa isang sulok ng arena kung saan magaganap ang laban ni Kael at ng G.A. na si Shiden ay makikitang nagtitipon-tipon ang karamihan sa mga Seraphs na siyang miyembro ng mga guild na Seraphica's Alliance upang suportahan ang kapwa nila Serpahs sa laban nito.

"Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang laban pero wala pa din si Kael," saad ni Rei. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala.

Lumapit naman si Serene sa dalaga upang aluin ito.

"Relax ka lang! Darating yun," pagpapalakas loob naman ni Cold sa dalaga.

"Baka naman natakot na! Hahaha!" bulalas naman ni Tank habang naglalakad palapit sa mga kasamahan kasama ang dalawang buntot nito.

"Hindi naman duwag si Kael na gaya mo," pambabara ni Cold sa binata.

"ANOOOO!?" hiyaw ni Tank ng dahil sa sinabi ni Cold dahilan para mapangisi ang dalaga.

"Bakit Tank totoo naman diba!?" nakangising tanong ni Cold, "na... Duwag ka!!" dugtong pa nito na nagpausok ng ilong ni Tank.

"Ikaw na babae ka!! Ang lakas ng loob mo ha," hiyaw ng isang alalay ni Tank.

"Wala kang karapatan na sabihan si boss ng ganyan," singit naman ng isa pa.

"Oopps!! Mukhang nagalit ang mga aso ha," tugon naman ni Cold sa sinabi ng dalawa.

"Cold, tama na!" saway naman ni Serene sa kaibigan.

"Okay lang yan, Sis! Wala namang masamang magsabi ng totoo," ani Cold kasunod ang nakakalokong ngiti.

At sa huling sinabi ni Cold ay tuluyan na ngang pumutok si Tank, ganun din ang dalawang kasama nito.

Akmang hahablutin ng dalawang kasama ni Tank si Cold ng biglang...

"Ouch!!" "Aray!!" nagpasigaw ang dalawa dala ng sakit sanhi ng pagkakapilipit ng kanilang mga braso.

"K-Kael!!" gulat na sabi ni Cold ng makita si Kael na nakatayo sa harapan niya habang hawak ang tag-isang braso ng dalawang kasamahan ni Tank.

"Kayong dalawa! Kahit na magkasama tayo sa iisang guild hindi ako magngingiwing saktan kayo kapag sinaktan niyo siya o sinuman sa mga kasama niya," seryosong sabi ko.

"Hoy! Bitawan mo ang mga kasama ko ang lakas ng loob mo ha," bulyaw naman ni Tank  kay Kael.

"Sa tingin ko ikaw ang leader ng grupo niyo, gaya kaya ng mga mobs sa field kung uunahin kitang patumbahin ay magpupulasan din ang dalawang ito," walang buhay na wika ni Kael.

Namula naman mukha ni Tank dala ng sobrang pagkainis ng dahil sa tinuran ni Kael.

"Hinahamon mo ba ako!?" sigaw ni Tank kasunod ang paglukso nito sa entablado ng arena, " halika dito sa ibaba!" hiyaw nito.

Ang ginawa ni Tank ay lumikha ng komusyon at umagaw sa atensyon ng mga player na nasa loob ng arena.

"Kael!" pagtawag ni Rei sa binata dahilan para mapabitaw siya sa pagkakahawak sa dalawang lalake.

"Kael, hinahamon ka oh!" pambubuyo ni Cold sa binata.

"Cold, ikaw ha! Tama na yan," saway naman ni Serene sa dalaga.

"Psh! Serene naman eh! Ang kj mo naman," nakangusong tugon ni Cold.

"Kj ka diyan! Puro ka kalokohan eh," ismid naman ni Serene.

"Hoy! Kael bumaba ka na dito at labanan mo ako!!" sigaw ni Tank na tuluyang umagaw sa atensyon ng mga player sa loob ng arena.

Bulungan at kanya kanyang usapan ang mga player na nakakakita kay Tank na nakatayo sa gitna ng arena habang ang ilan ay nagtatawanan dahil sa inaasal ni Tank.

Tales Of Heimdohr: Mana BringerOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz