• Episode 40 - Damn Crazy Night •

1.2K 73 25
                                    

*********************************************

Strauss' Residence, Real World...

Kid's PoV

Halos kakadating lang namin ni Claire dito sa bahay, expected ko ay nandito na si Kuya David dahil pass 9 PM but sa kasamaang palad ay wala pa siya, mabuti na lang at binigyan niya ako ng duplicate keys ng bahay.

Maaring may kinalaman ang pagsabog sa Ortigas kung bakit wala pa din si kuya ngayon.

Tsiik!!

"Pasok na!" sabi ko ng mabuksan ko ang main door ng bahay.

"Eeh! Mauna ka ang dilim kaya sa loob," reklamo naman ni Claire.

Hindi na naman ako sumagot at dumiretso na ako sa loob para buksan ang ilaw dito sa sala.

Nang mabuksan ko ang ilaw ay dali-dali namang pumasok si Claire.

"Lock the door!" sambit ko habang papasok ako ng kusina.

Uminom lang ako ng tubig at saka lumabas na din pabalik ng sala.

"Oh bakit di ka pa naakyat!?" puna ko ng makita ko si Claire na nakaupo sa gilid ng isang sofa.

"Wala akong kasama eh," nakangusong sabi niya.

What's with her!?

Tinungo ko ang switch ng ilaw para buksan ang dim light at patayin naman ang led light then pinuntahan ko ang pintuan para i-double check kung na-lock na ba ni Claire.

All done! Oras na para umakyat ng kwarto.

"Tara na!" pag-aaya ko sa kanya.

Agad naman siyang sumunod sa akin ng maglakad na ako paakyat sa kwarto.

Dahil tanging dim light lang ang bukas na ilaw ay may kadiliman pa din lalo na dito sa hagdanan kaya naman dahan-dahan lang at maingat ang paglakad ko hanggang sa tuluyan na akong makapanhik sa itaas.

"Kid, wait lang.." ani Claire kaya naman napahinto ako sa paglakad pero ang mas kinagulat ko ay ng yapusin niya ang braso ko ng pagkahigpit higpit.

Ang pakiramdam na to... Ang lambot... Parang may kuryente na dumadaloy sa katawan ko na nagbibigay kakaibang sensasyon sa akin.

Hinugot ko ang phone ko at binuksan ang flash light nito para kahit paano ay may ilaw kami.

"Ano lakad na tayo!?" ani ko.

Tumango naman siya kaya nagsimula na kaming lumakad sa madilim na hallway patungo sa kwarto ko.

Yun nga lang ng matapat kami dun sa bakanteng kwarto na nadadaanan bago ang kwarto ko ay mas lalo pang humigpit ang pagkakayapos niya sa braso dahilan para bumaon ang braso ko sa dibdib niya na nagresulta sa lalong pagtindi ang kakaibang sensasyon na nararamdaman ko.

Mainit!? Bakit bigla na lang uminit!? Ayos naman kanina ha..

"Ako lang ba o bigla talagang uminit!?" tanong ko sa kanya. Yun nga lang ay hindi siya sumagot at medyo weird yun kasi naman hindi ganun si Claire kaya pasimple ko siyang nilingon.

Teka nga!? Ano bang nangyayari dito kay Claire!? Bakit parang nanginginig siya!?

Ang ekspresyon na yun sa mukha niya sigurado akong dala yun ng takot pero hindi ko alam ano o saan siya natatakot.

Wala din akong planong usisain siya at baka hindi maganda ang resulta kapag nagtanong ako kaya naman nagtuloy-tuloy na lang kami sa paglakad hanggang sa marating namin ang kwarto ko.

Tales Of Heimdohr: Mana BringerDonde viven las historias. Descúbrelo ahora