• Episode 11 - Party!? •

1.6K 88 7
                                    

*********************************************

Seraphica's Alliance Guild House...

Kid's PoV

Kanina pa akong nakaupo dito sa lobby ng guild house.

Alas - 8 ng umaga ang usapan namin pero halos alas - 10 na ng umaga at wala pa din ni anino nitong si Fritz.

Mabuti na lang at umaga ngayon di hamak na mas kaunti ang mga naririto kesa kagabi.

Ang kaso lang kahit na kaunti ang mga naririto ngayon ay naroon pa din yung weird na pakiramdam kasi alam mong pinagtitinginan ka ng mga taong narito.

"Bess, siya ba yung Kael?"

"Oo, siya nga yun! Mysterious papable, Bess!"

"Uy, madinig ka nun, Bess!"

"No, worries Bess kasi handa akong isuko ang bataan kung lalapit lang siya!! Charot!!"

"Ang landi mo, Bess!!"

Dinig kong usapan ng dalawang babae sa bandang kanan ko.

"Dre, bakit kaya nakatago ang mukha niyan!?"

"Baka swanget yan dre?"

"Kahit pa swanget yan eh kung nalampasan niya ang nagawa nina Montblanc at Kyrios ay sigurado na malakas yan!"

Anak ng kamote naman tong tatlong lalake sa likuran ko at saka ano ba yung swanget!?

"Si Kael yun diba!? Yung bumura ng record ni Kyrios sa Den of Trials!"

"Oo, siya yan!! Mukhang weird pero malakas yan!"

"Par, mas mataas pa din ang level natin diyan kaya sure ako mas malakas pa rin tayo diyan!"

"Sure ka!? Pumasok ka nga sa Den of Trials tapos lumabas ka sa loob ng kalahating oras!"

"Ha!? Paano ko naman gagawin yun eh kung si Kyrios nga inabot ng lampas isang oras eh!

"Oh hindi mo pala kaya edi tumahimik ka diyan sa pag-sasabi mong mas malakas tayo sa kanya kasi real talk mga par hindi natin magagawa ang nagawa niya!"

Yan naman ang usapan nung apat na lalake dun malapit sa entrada ng guild house.

Ano ba kasing problema ng mga to at ako ang pinag-uusapan nila!

Kung bakit ba naman kasi hanggang ngayon ay wala pa din itong si Fritz eh.

"Kael!?" boses yun ni Marcus ha.

Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko siyang nag-lalakad patungo sa direksyon ko.

Tumayo ako bilang pag-respeto at saka ko ito binati.

"Magandang umaga, Sir!" Magalang na bati ko sa kanya.

Napansin ko namang napangiti ito at saka tuluyang lumapit sa akin.

"Magandang umaga din sayo," nakangiting bati nito sa akin, "Ang hirap maging celebrity noh!?" tanong niya na nag-bigay ng palaisipan sa akin.

"Ano pong celebrity!? Hindi ko po maintindihan," napatanong na lang ako kay Marcus kasi hindi ko naiintindihan yung tinutukoy niya.

"Hahaha!! You did something unbelievable kaya ano pa bang aasahan mo. Dito man sa Heimdohr o sa real world kapag may ginawa kang kakaiba ay siguradong pag-kakaguluhan ka," natatawang paliwanag ni Marcus sa akin.

"Pero hindi ko naman po gusto ang ganitong klaseng atensyon mula sa kaninuman," saad ko.

"Nandoon na tayo Kael pero what is done is done. Nandiyan na yan eh di mo mabubura kung anuman ang nagawa mo na ang kailangan na lang ngayon ay tanggapin mo ang consequences ng ginawa mo," nakangiting tugon ni Marcus, "ginusto mo man o hindi ay isa lang ang sigurado at yun ay hindi mo na magagawa pang baguhin ang sitwasyon kung nasaan ka ngayon."

Tales Of Heimdohr: Mana BringerWhere stories live. Discover now