• Episode 28 - Klohro's Quest •

1.2K 62 4
                                    

*********************************************

Castle's Courtyard, Daeguldar..

Kid's PoV

Nakapasok na kami sa kastilyo ng Daeguldar at ngayon ay naglalakad sa malawak na courtyard ng kastilyo.

Binago ko na din ang formation namin ng makapasok na kami sa courtyard, ako pa rin ang nasa unahan pero si Rei na ang sumusunod sa akin at magkatabi naman si Klohro at Robin sa likuran.

"Mukhang sinuswerte tayo ha!" saad ni Klohro habang tinatahak namin ang isang malawak na daan.

"Paanong swerte?" usisa naman ni Robin.

"Normally kasi puno ng mga mobs ang courtyard na to pero ngayon ay wala ni isa kaya ko nasabi yun," tugon naman ni Klohro na nagbigay ng palaisipan sa akin.

May mali dito. Kung totoo ang sinasabi niya na normally puno ng mobs ang lugar na to, imposibleng basta na lang mawalan ng mobs dito liban na lang kung...

Huminto ako sa paglakad para lumingon sa pinanggalingan namin dahilan para bumunggo sa akin si Rei na ikinawala ng balanse nito sa pagtayo at mabuwal patalikod.

Mabilis naman akong kumilos para hawakan ang kamay nito at hatakin ito pabalik sa akin, dahil na din sa lakas ng pagkakahila ko sa kanya ay aksidente itong napayakap sa akin.

Dahil sa pagkabigla ay nanatili kami sa ganoong pwesto ng ilang minuto hanggang sa...

"Bakit may yakapan?" nakapamewang na tanong ni Robin.

Napabitaw naman si Rei sa pagkakayakap sa akin at napalingon sa ibang direksyon.

Kahit na naka-side view ay pansin ko ang pamumula sa mukha ni Rei kaya naman naalerto akong bigla, hinawakan ko ang noo nito sa pag-aakalang may lagnat siya ngunit bigo ako dahil normal lang ang temperatura niya at nang lingunin ang kanyang mukha ay lalo itong namula na siyang pinagtaka ko.

"Bakit ka namumula? May problema ba?" agad kong tanong sa kanya.

Napasapo naman ng palad si Robin sa kanyang noo ng madinig ang sinabi ko na ikinataas ng kilay ko.

"Wa-wala lang to.. Ano kasi! Basta.." sagot naman ni Rei. Diskumpiyado ako sa sagot niya.

"Sigurado ka!?" bulalas ko.

"Ano ba namang klase ka? Hindi mo talaga alam!" bulyaw naman ni Robin sa akin.

Magtatanong ba ako kung alam ko!

"Hindi eh! Pasensya na," tugon ko.

"Bwahahaha!" nagulantang naman ako ng bigla na lang humagalpak ng tawa si Klohro mula sa likuran.

Ano naman ang nangyayari sa isang to at makatawa ay parang wala ng bukas!

Binatuhan naman ni Robin si Klohro ng matalim na titig na siyang nagpatigil dito sa pagtawa.

"Ano ba kasing problema?" usisa ko dahil wala talaga akong ideya.

"Hayss! Ewan ko sayo, Kael!" singhal ni Robin sabay irap sa akin.

Lumapit naman si Klohro sa akin at tinapik ang balikat ko ng tatlong beses kasunod ang pagbabato sa akin ng nakakalokong ngiti.

Nilingon ko naman si Rei at humarap naman ito sa akin ng mapansin na nakatingin ako sa kanya.

"A-ano kasi Kael.. Pa-pabayaan mo na yun! O-okay nanaman ako," nakangiting wika ni Rei at nang akin ngang tingnan ang mukha niya ay nawala na nga ang pamumula niya kaya naman nakampante na ako.

Tales Of Heimdohr: Mana BringerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon