• Episode 25 - Illura of the Damned•

1.3K 65 5
                                    

*********************************************

Umbra Plains...

Kid's PoV

"Ayun na siguro ang Temple of the Damned!" Sambit ko ng matanaw ko ang gusali ilang metro ang layo sa amin.

"Tama ayan na nga yun!" Sagot naman ni Rei.

"Tara na at ng makapagpahinga na tayo dun," atat na wika ni Robin.

Dahil sa atat na masyado itong si Robin ay nagdirediretso na kami ng lakad papunta sa Templo.

Habang naglalakad kami ay napansin kong itinago na ni Klorho ang staff niya na siyang pinagtakahan ko.

Paano kung may lumabas na mobs dito!? Anong gagawin niya?

"Nagtataka ka kung bakit ko tinago ang staff ko diba?" tanong niya sa akin gayong hindi naman niya ako tinitingnan.

Sandali akong napahinto sa paglakas at gayon na din ang ginawa niya.

"Ahh.. Oo eh!" tipid kong sagot sa kanya.

Nababasa ba niya ang iniisip ko!? Kanina ko pa kasi napapansin na para bang alam niya ang susunod kong ikikilos.

"Wag ka mag-alala hindi ko nababasa ang iniisip mo," kalmadong wika niya na nagbigay ng matinding pala-isipan sa akin, "hindi mo na kailangan pang kabahan dahil ilang sandali na lang ay nasa safe zone na tayo at sa mga boundary gaya nito ay bibihira ng lumalabas ang mobs," dagdag pa niya bago tuluyang lumakad.

Habang tumatagal na kasama namin siya ay lalong umiigting ang hinala ko na may mali dito, ang problema lang ay di ko mawari kung ano.

Ramdam ko naman na hindi siya gagawa ng mali sa amin at nakikita ko yun sa mukha niya pero alam ko ding may mali at yun ang nais kong malaman.

"Kael, bakit ka ba nakatunganga diyan? Tara na!" sigaw ni Rei mula sa unahan na nagpatigil sa pag-iisip ko.

"Nariyan na!" sagot ko at saka tumuloy sa paglalakad.

Habang sinusundan ko sila si Rei ay napansin kong wala na din ang mga sandata nila kaya minabuti kong ikubli na din ang karet ko gaya nila.

< Temple of the Damned >

Agad na nag-pop up ang notification na yan ng makatapak ang paa ko sa mismong bukana ng templo.

"Hayss! Makalipas ang mahabang lakarin nakarating na din sa wakas," reklamo ni Robin ng marating namin ang bukana ng Temple of the Damned, "makakapapagpahinga na din," dagdag pa niya habang nag-iinat inat pa ng mga braso niya.

"Pasok na tayo!" wika ni Rei at tango naman ang aking isinagot sa sinabi niya.

Pagkapasok namin sa templo ay hindi ko inaasahan ang makikita ko, maihahalintulad ko ang lugar na ito sa isang monasteryo malawak ito at nahahati sa apat na gusali ngunit ang kapansin pansin ay ang gitnang gusali kung saan makikita ang rebulto ng isang babae na sa palagay ko ay makita ko na.

May pabilog na rotonda sa gitna ng apat na gusali kung saan makikita ang mga NPC na nakasuot ng kulay abong robe at pawang natatakpan ang mga mukha ng hood mula sa kanilang suot.

"Kael, lam mo kung nagkataong kulay gray din yang suot mo baka pagkamalan ka nilang kasamahan nila!" Nakangiting sabi ni Robin.

"Besh, wag ka ngang mang-asar diyan!" singhal ni Rei sa kanya.

May pagkakahalintulad nga ang itsura ng suot ko sa kanila liban na lang sa kulay at mga disensyong nakaimprenta dito.

"Greetings adventurer! It is rare to see a visitors, so may i know whats brought you here in our temple?" Salubong ng isa mga hooded NPC kay Robin dahil siya ang nauunang maglakad.

Tales Of Heimdohr: Mana BringerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon