• Episode 6 - Oh My God •

1.7K 74 1
                                    

*****************************************

Strauss' Residence...

Kid's PoV

Kakatapos lang ng session ng pag-tuturo sa akin ni Fritz ng mga basic na dapat kong malaman tungkol sa Heimdohr.

Sa tingin ko ay naging produktibo naman ang pag-pasok ko sa game ngayong araw dahil bukod sa madami akong nalaman sa pag-lalakwatsa namin sa syudad ng Rowen ay nagawa ko din makapag-palevel kaya naman as of this time nasa level 21 na ako, nakapili na din ako ng class path at Berserker ang siyang napili ko. Eksakto ang lahat at compatible ang Berserker sa combat capabilities ko. At syempre nakuha ko na din ang unang skill mula sa Berserker path para sa character ko sa game.

Kaka-log out ko lang din pero hindi ko pa tinatanggal ang aking NPV at kasalukuyan pa din akong naka-higa sa kama.

Nag-palipas pa ako ng ilang minuto bago ako bumangon, hinubad ko na ang NPV ko at saka nilapag ito sa kama.

Nilingon ko ang wall clock and surprise to see na maaga pa pala, 10:42 AM pa lang at sa pag-kakatanda kong sinabi ni kuya ay anytime after lunch.

Pababa na sana ako ng kama ng mapansin kong naka-siwang ang pintuan ng kwarto na siya namang pinagtaka ko.

Sa pag-kakatanda ko ay isinara ko ito bago ako pumasok ng game, baka naman si Kuya David.

Agad na akong tumayo para isara ng ayos ang pintuan ng kwarto kasunod ng pag-aayos ko ng mga higaan ko.

Mas makakabuti kong mag-asikaso na ako habang maaga pa kaya naman nag-pasya ako na maligo na muna.

Hinubad ko na ang aking boxer leaving me naked at saka nag-diredirecho patungo ng banyo.

Pag-kabukas ko ng pintuan ng banyo ay isang senaryo ang hindi ko inaasahan na minsan ay hindi sumagi sa isip ko na magaganap.

Bakit nasa banyo ko si miss Aerie at naka-upo sa cubicle habang nakababa ang salawal nito hanggang sa kanyang tuhod!?

Nakaharap ako kay miss Aerie habang siya ay naka-upo sa cubicle paharap naman sa akin, pag-pasok mo kasi sa banyo ay ang cubicle ang una mong makikita.

Pakiramdam ko ay pareho kaming nakakita ng multo ng dahil sa nangyari.

Nanlaki ang mata niya at nag-katitigan kami, napansin kong bumaba ang tingin niya na para bang sinusuri ang nasa harapan niya na siyang ipinagtaka ko.

Napansin ko ang mabilis na biglaang pamumula ng kanyang mukha matapos mabalik ang tingin niya, sa akin.

Muli ay pinasadahan niya ng tingin ang buong katawan mula sa itaas paibaba at sa baba paitaas at saka...

"KIYAAAAAAHHH!! BASSTTTOOOOSSS!" Sigaw ni miss Aerie kasunod ang dali-dali niyang pag-susuot ng kanyang salawal at pag-tayo mula sa cubicle.

Akmang tatakbo siya ng hindi niya mapansin yung tabo na naka-lumpaga sa sahig na dahilan para mapatid siya at kasamaang palad ay sa akin pa siya bumangga dahilan para mag-kauntugan kami ng ulo.

thuggs!!

Malakas na kalabog ang nangyari matapos kaming bumagsak sa sahig ng kwarto.

We end up in an awkward position, napahiga ako sa sahig ang itaas na bahagi ng katawan ko ay nasa labas ng banyo samantalang ang ibaba naman ay sa sahig ng banyo bumagsak and as for miss Aerie nakadapa siya at nakapatong sa akin and I think mukhang nawalan siya ng malay matapos ang banggaan ng ulo namin.

Napakabigat niya at isa pa hindi na din maganda ang pakiramdam ko dahil naiipit ng isang hita niya yung ano ko at kakaiba ang sensasyon na inihahatid nun sa katawan ko.

Tales Of Heimdohr: Mana BringerDove le storie prendono vita. Scoprilo ora