• Episode 41- Playfulness and Discoveries •

1.2K 61 8
                                    

*********************************************

F.I.S.T. , Real World...

Kid's PoV

Kalahating araw na naman ang mabilis na lumipas.

Ordinaryo lang ang bawat pangyayaring naganap para sa ibang estudyante ngunit hindi para sa akin.

Mula ng mabasa ko ang mensahe ni kuya David kaninang umaga ay hindi na ako halos makapagpokus sa lahat ng klase namin.

"Kid, alam kong napanuod mo na ang balita tungkol sa naganap na pagsabog sa Ortigas at tama ang mga hakahaka na si Ghost nga ang siyang may gawa ng pagsabog.

Hawak na namin ang ebidensya na magdidiin kay Ghost sa insedente!"

Ilang beses ko na ding binasa ang mensahe na yan ni kuya David.

Nagreply na din ako sa kanya kaso nakalipas na ang ilang oras ay wala pa din akong natatanggap na reply mula sa kanya, sinubukan ko pa siyang tawagan ang kaso lang ay patay ang phone niya.

Ang isa pang pinagtataka ko ay bakit hindi pa ako kinokontak ng head quarters dahil ba hindi kasama sa jurisdiction ko ang pangyayari sa labas ng virtual world.

"Hey, kanina ka pa walang kibo ha," puna ni Claire sa akin katabi ko kasi siya.

Muntik ko ng makalimutan ko na nandito pala kami sa cafeteria ng school at kasama ko sila.

Hanggang 1 PM lang ang klase namin ngayon kaya naman naisipan nilang dumaan muna dito para kumain.

"May iniisip lang," seryosong sagot ko.

"Dapat hindi ka gaanong nag-iisip kasi baka ma-stressed ka diyan," sabi niya habang nilalantakan ang pagkain na binili nila.

Napabuntong hininga naman ako at saka ko nilingon si Claire.

"Are you going somewhere after here!?" tanong ko kay Claire.

"Wala naman! May kanya-kanya kasing lakad yung dalawa kaya ayun," sagot naman habang patuloy pa din sa pagkain.

Teka!? Ngayon ko lang napagtanto na wala na pala sina Miss Aerie at Seiyin sa harapan namin.

Kailan umalis ang tatlong yun!? Nakakainis sa sobrang pag-iisip ay hindi ko namalayan na nakaalis na pala sila.

"Kanina pa ba umalis yung tatlo!?" usisa ko.

"Halos kakaalis lang nila," agad namang sabi ni Claire.

"Good! Okay lang ba kung uuwi na din tayo," ani ko.

"Yup! Gusto ko ding matulog na muna kasi mamayang gabi mag-oonline na namin kami," saad naman ni Claire.

Tumayo na kami at naglakad palabas sa cafeteria.

Mula naman dito ay agad kong nakita ang tatlo na naglalakad may kalayuan sa amin.

"Ayun sila oh!" sambit ni Claire sabay turo sa tatlo, "tara bilisan mo lumakad para maabutan natin sila," dagdag pa niya sabay karipas ng lakad.

Tulad naman ng sinabi niya ay binilisan ko na din ang lakad ko para maabutan namin yun tatlo.

Tales Of Heimdohr: Mana BringerDonde viven las historias. Descúbrelo ahora