• Episode 12 - Save the Prisoners •

1.6K 70 3
                                    

*********************************************

Goblib Camp, Hyeros Mountain...

Kid's PoV

Kakabalik ko lang dito sa itaaa ng kabundukan mula sa pag-sisiyasat sa kabuuan ng kampo ng mga Goblin.

Agad kong napansin si Rei na ngayon ay nakasilip sa teleskopyo na para bang nag-sa-site seeing lang.

"Kael, nakabalik ka na pala! Halika dito mukang kailangan mo tong makita," turan ni Rei sabay lahad sa akin ng teleskopyo.

Anak ng kamote!!

"Mga tao ba yun?" tanong ko habang patuloy pa rin sa aking ginagawa.

"Oo siguradong mga tao yun at mukhang bihag sila ng mga Goblin," sagot naman ni Rei.

6 na katao ang nakikita ko ngayon, tatlong lalake, dalawang babae at isang batang lalake. Nakaupo sa lupa at nakagapos ang mga kamay sa likuran.

Sa tingin ko ay NPC ang mga ito pero di ko inaasahan na may maabutan kaming ganitong sernaryo.

Ang mga lokong Goblin na to nakuha pa nilang bumihag ng mga tao.

Ilang sandali pa ay nasagap ng aking paningin ang isang Goblin na iba sa karamihan nasa 5 hanggang 6 na talampakan ang taas niya na tumitindig ng gaya sa isang tao, niyayakap ng itim na baluti ang katawan nito at isang itim na helmet naman ang kumukubli sa ulo nito.

Ito marahil ang target ni Rei sa kampo na to, ang Goblin Commander.

Nag-lalakad ito patungo sa direksyon nung mga taong nakagapos at sa likuran niya sumusunod naman ang dalawa pang Goblin tangan ang kani kanilang sandata.

Nang makalapit ito sa mga bihag ay agad nitong kinumpronta ang isa sa mga lalake bagama't hindi ko nadidinig alam ko na nag-uusap sila o nag-tatalo at ang hindi ko inaasahan ay ang biglaang pag-saksak nung Goblin Commander sa taong kausap niya.

Agad itong bumulagta sa lupa at naligo sa sarili nitong dugo habang ang hayop na Goblin na yun ay nakatapak pa sa dibdib nito at patuloy ang pag-saksak sa walang buhay na katawan nung lalake na halatang tuwang tuwa pa sa ginagawa niya.

"Hayop!!" Singhal ko matapos makita ang ginawa nung Goblin na yun sa lalake.

Ayoko mainis dahil ang emosyon ay maaring maging hadlang para ikatatagumpay ng quest namin pero hindi ko mapigilan ng dahil sa nakita kong ginawa ng Goblin na yun.

"Ha!? Bakit may problema ba?" Aligagang tanong ni Rei sa akin.

Hindi ko siya sinagot at sa halip ay iniabot ko sa kanya ang teleskopyo para siya na mismo ang makakita.

Nakatingin lang ako sa kanya habang siya naman ay abala sa pag-silip sa teleskopyo at gaya ng inaasahan ko nabitawan niya ito at napahawak sa kanyang bibig.

Natahimik siya at bakas sa mukha niya ang kilabot ng dahil sa nakita.

"Miss Rei pasensya na pero mukhang maantala ng kaunti ang pag-patay natin sa Goblin Commander na target mo," seryosong wika ko.

"Mm.. A-alam kong sasabihin mo yan?" Nauutal na sabi niya.

Hindi ko maintindihan dahil kahit pilit kong sabihin sa sarili ko na laro lamang ito at nakita ko ay maaring parte lamang ng game ngunit ang sarili ko din mismo ang nag-sasabing hindi ito basta lamang laro kailangang mag-bayad ang nag-kamali at dapat parusahan ang makasalanan.

Papatayin ko ang Goblin na yun dahil sa kahayupan niya.

"Miss Rei kikilos na tayo! Priority na magawa muna nating mailigtas ang mga bihag bago ko wakasan ang buhay ng Goblin Commander na yun," singhal ko na kahit pa itago ko ay alam kong ramdam ni Rei ang galit at pag-kainis ko.

Tales Of Heimdohr: Mana BringerWhere stories live. Discover now