• Episode 17 - Gredlin's Dilemma •

1.5K 79 16
                                    

*********************************************

Sylvanite Gaming Tech..

Kid's PoV

Linggo ngayon at narito ako sa loob ng Sylvanite Gaming Tech kung saan ko naganap ang briefing tungkol sa misyon ko dahil nakatanggap ako ng tawag mula sa isang babaeng nagngangalang May Delos Reyes, siya daw ang secretary ni Engr. Gredlin at kailangan daw akong makausap ng Engineer para sa inportanteng bagay.

Mayamaya ay bumukas na ang pintuan at niluwa nito ang isang babae na sa tansya ko ay nasa edad 20 pataas, nasa 5'5 ang taas at balingkinitang katawan. Kapansin pansin ang maamong mukha nito suot ang mapanghumaling ngiti sa kanyang labi.

"Good morning, Mr. Lyserg!" nakangiting bati nito sa akin sabay lahad ng kangyang kamay sa akin, "I am May Delos Reyes, but you can call May!" Dagdag pa nito.

"Good morning, ma'am!" tugon ko naman dito saka inabot ang kanyang kamay, "Kid na lang po!"

"Kung yan ang gusto no, Kid!" she replied with a smile on her face, "So let's go Engr. Gredlin is waiting for you at his pod!" pag-aaya nito sa akin.

"Okay, ma'am!" maiksing tugon ko.

Nagsimula na siyang lumakad at sumunod naman ako dito, lumabas kami sa briefing room at nagpatuloy siya sa paglalakad samantalang patuloy lang din ako sa pagsunod sa kanya hanggang sa huminto na siya sa harap ng isang pinto.

tok tok tok!

Kinatok niya ang pintuan ng tatlong beses bagi magsalita.

"Sir nandito na po si Kid!?" saad niya matapos kumatok.

"Come in!" dinig kong sabi ni Mr. Gredlin sa loob ng kwarto.

Si May na ang nagbukas ng pintuan pero hindi siya pumasok at sa halip ay tumabi na lang habang nakahawak sa door knob ng pinto.

"Pasok ka na!" Nakangiting wika ni May.

"Ikaw?" takang tanong ko.

"Hindi na ako papasok kasi madami pa akong dapat tapusin pero pagkatapos mo ako na lang ang maghahatid sayo palabas! Okay ba!" sambit niya kasunod ang pagkindat nito akin.

Anak ng kamote! Ano yun? Bakit niya ako kinindatan?

Napapaisip man ay pumasok na din ako sa loob dahil ayaw ko paghintayin si Engr. Gredlin ng matagal.

"Thanks nga pala Miss May!" sambit ko bagi tuluyang pumasok sa loob ng kwarto.

"Your welcome! Mamaya na lang!" masayang sabi nito at saka isinara ang pintuan.

Pagpasok ko pa lang ay nakita ko na agad si Engr. Gredlin na nakaupo sa isang swivel chair na nasa harap ng isang lamesa.

Mukhang abala ito sa kanyang ginagawa kaya di niya ako napansin na pumasok kaya naman minabuti ko ng batiin siya.

"Good morning, Sir!" Magalang na bati ko dito para pukawin ang atensyon niya.

"Magandang umaga din iho! Halika umupo ka dito sa harap ko," pag-aaya nito sa akin kahit na hindi naman ito nalingon sa akin.

Gaya naman ng sinabi niya ay umupo na din ako sa upuan na nasa harapan ng lamesa kung saan siya nakaupo, abala pala siya sa pagkalikot sa isang Holo-Tab sa harap niya.

"Sir-" yan pa lang ang sasabihin ko ng agad akong putulin ni Engr. Gredlin.

"Relax ka lang diyan iho!" singhal nito sa akin habang patuloy pa din sa ginagawa.

Tales Of Heimdohr: Mana BringerWhere stories live. Discover now