• Episode 19 - First Day of School •

1.5K 83 5
                                    

*********************************************

Strauss' Residence...

Claire's PoV

Bluugg!!

Aray naman!!

Nagising ako bigla dahil sa lakas ng pagkakasapok sa akin nitong katabi ko. Mabuti na lang at hindi si Aerie to kung hindi makakaltukan ko to eh.

Ayos din itong si Seiyin ang lakas manermon na parang hindi daw ako babae kung umasta eh siya nga kung matulog daig pa ang boksingero.

Kapag magpasa lang tong tinamaan ng sapuk niya lagot siya sa akin.

Umupo na lang ako sa gilid ng kama at saka nag-inat inat kasi siguradong hindi ka ako makakatulog neto.

Andito nga pala kaming tatlo sa kwarto ni Kid gabi na kasi ng matapos ang celebration ng birthday ni kuya David kaya ayun dito na kami nag-sleep over wala din namang problema yun sa mga parents nila este namin pala kasi tiwala sila kay kuya David.

Magkakatabi kami sa iisang kama buti na lang malaki tong kama ni Kid pero don't get us wrong wala siya dito sa kwarto, doon siya nakatulog sa sala kagabi wala eh weak pala sa inuman kaya madaling tumumba.

Nilibot ko ang mata ko sa paligid at agad kong napansin ang wall clock niya, 2:30 pa lang ng madaling araw. Masyado pa palang maaga pero hindi na ako inaantok.

7 pa ng umaga ang pasok namin sa school mamaya kaya mahaba ang oras para makapagrelax kami.

Wala din naman dito ang NPV ko para makapag-online at kung nandito man ay hindi din ako makakapasok kasi under maintenance ang ToH. Badtrip nga eh!

Kinuha ko naman ang cp ko sa tabi ng kama kaso naalala ko wala din palang pwedeng pagkaabalahan dito kasi wala ding games to kung music naman ay baka naman antukin lang ako.

Psh! Nakakabagot naman!

Muli kong nilibot ang tingin ko sa pagkakataong ito ay napako naman ang tingin ko sa laptop ni Kid na nakapatong sa mesa.

Dahan-dahan akong tumayo para hindi magising tong dalawa at saka naglakad patungo sa mesa at saka binuksan ang laptop ni Kid.

Alam kong masama makialam ng hindi mo gamit pero anong magagawa ko eh nababagot ako.

Nang mabuksan ko ito ay dahan-dahan akong naupo sa swivel chair sa harapan ng mesa.

Psh! KJ naman neto! May password!!

Sinubukan kong mag-input ng isang password pero mali ang na-input ko kaya di ko na inulit pa baka mamaya ay kung ano pang mangyari sa laptop niya.

Napabuntong hininga na lang ako dahil wala na akong maisip na pwedeng gawin.

Doon na nga lang ako sa sala at tutugtog ng gitara para magpalipas ng oras. Hindi ko naman siguro magigising si Kid kahit tumugtog ako dun.

Dahan-dahan akong lumabas sa kwarto para hindi ko maistorbo ang pagtulog ng dalawang babae na to.

Tahimik lang din ang paglakad ko hallway ayoko kasi maistorbo sina kuya David nakakahiya naman kung magigising ko sila.

Malapit na ako sa hagdanan ng madinig ko ang pagbukas ng pintuan mula sa likod ko, sa tunog noon ay masasabi kong maingat ang ginagawang pagbubukas noon kaya naman agad kong nilingon kung sino ang nagbubukas nun.

"Hey, Ross! Good morning!" Bati ko sa kanya ng makita kong nakasilip siya sa pintuan ng kwarto ni kuya David.

"Good morning din!" Bati nito pabalik sa akin saka tuluyang lumabas ng kwarto, "Saan ka pupunta?" tanong niya pa.

Tales Of Heimdohr: Mana BringerWhere stories live. Discover now