• Episode 23 - At the Time of Needs •

1.4K 65 2
                                    

*********************************************

Umbra Field...

Kid's PoV

Ilang minuto na din naming walang tigil na nilalabanan ang ang mga Walkers na nakapaligid sa amin at pakiramdam ko ay hindi sila nauubos.

"Aaayy!!" dinig kong hiyaw ni Rei kaya agad kong nilingon ang direksyon niya.

Nakasalampak na siya sa lupa at sa harapan niya ay tatlong Walkers ang nakaambang sumunggab sa kaniya.

"Huraaahh!!"

Dali-dali akong kumilos patungo sa kanya na halos luksuhin ko na lang pagitan namin upang siya ay masaklolohan.

Gamit ang aking karet isang marahas at ubod lakas na wasiwas ang agad na tumapos sa tatlong Walkers na kanina'y muntik ng umatake kay Rei.

"Miss Rei, okay ka lang ba?" agad kong tanong ng harapin ko siya.

"O-oo! T-thanks!" utal na sagot niya sa akin.

Inilahad ko ang aking kamay para tulungan siyang makatayo kaso nga lang...

"Huraaahhhhh!!"

Nanlaki ang mata ko ng maramdaman ang kung anong bagay na tumusok sa likuran ko.

"Kael!!" hiyaw ni Rei ng mapansin ang nangyari sa akin.

Damn! Ang sakit!! Halos mapaluhod ako sa atake nila.

"Kael! Yuko dali," hiyaw ni Robin na siya namang ginawa ko.

[[ BARRAGE ]]

Isang skill ang pinakawalan ni Robin kung saan 5 arrow ang sabay na pinakawalan niya gamit ang kaniyang bow na agad na tumama sa ilang Walkers sa likuran ko.

"Thanks!" saad ko.

"Maliit na bagay!" pagpapakumbaba niya, "hey, besh! Cure mo siya agad bago pa kumalat ang lason ng walkers na yun," baling naman nito kay Rei.

Lason? May lason na dala ang atake ng mga zombie na yun.

"Oo nga pala! Kael, relax ka lang ha!" sambit ni Rei sa akin.

Tumango naman ako at sinimulan na niyang mag-chant ng kung anong salita at kalaunay lumitaw sa paanan ko ang hugis bilog na simbolo at may kakaibang marka't linya.

Mukhang pati ang paraan ng paggamit ni Rei ng skill ay napalitan na din dahil doon sa maintenance.

[[ CURE ]]

Isang dilaw na liwanag ang bumalot sa katawan ko at makalipas ang ilang segundo ay agad na naglaho ang kirot na nararamdaman ko.

"Thanks!" Pasasalamat ko kay Rei. Ito pa lang ang unang beses na nakita kong ginamit niya ang skill na yun at masasabi kong useful ito.

"Welcome!" Magiliw na sagot nito.

"Hey, mamaya na yan! Madami pa sila," sita ni Robin sa amin.

"Kael, sa likod mo!" Hiyaw ni Rei.

"Huuraaaahh!!" dinig kong hiyaw ng Walker sa likuran ko kaya naman agad akong pumihit paikot kasabay ang paghampas ko ng aking karet na siyang nagpabagsak sa Walker.

Nang bumagsak ang Walker na inatake ko ay agad na ang sumulpot ang ilan pang Walkers mula sa likod nito kaya dali-dali kong binawi ang sandata at nagpakawala ng isang skill.

[[ POMMEL BEAT ]]

Gamit ang puluhan ng aking karet ay pinuntirya ko ang noo ng isa sa mga Walker dahilan para mabutas ang ulo nito at bumagsak sa lupa.

Tales Of Heimdohr: Mana BringerWhere stories live. Discover now