• Episode 38 - After The Battle •

1.3K 80 11
                                    

*********************************************

F.I.S.T, Real World...

Kid's PoV

diiingg!! doonnngg!!

It's already 4 PM at katatapos lang ng klase namin.

"Hey, mag-oonline ka ba mamaya!?" sabi ng isa sa mga classmates ko.

"Oo! Pupunta ako sa guild house ng Seraphica para makita si Kael," masiglang sagot ng isa ko pang kaklase. Halatang excited siya sa boses niya.

"Uy! Sama ako diyan ha," wika nung isa pa at halata ding excited siya.

"Edi tara na at ng makauwi tayo," pag-aaya nung isa pa at naramdaman kong naglakad na sila pauwi.

Hindi na ako nag-abala pang lingunin ang dalawa kasi wala naman silang kinalaman sa akin.

Napabuntong hininga na lang ako ng tuluyan ng makaalis ang dalawang yun.

Ang totoo medyo hindi na ako komportable sa mga nadidinig ko kasi naman simula pa ng dumating kami ni Claire dito sa school at pulos tungkol sa akin at ang laban ko kay Shiden kagabi ang mga nadidinig kong pinag-uusapan ng mga istudyante dito sa eskwelahan.

Hindi ba dapat pag-aaral nila ang pinagtutuunan nila ng pansin kapag nandito sila at hindi yung buhay ng ibang tao.

"Hey, problema!?" napalingon na lang ako bigla ng magsalita si Claire, muntik ko ng makalimutan na andito pa pala sila.

"Wala naman," maiksing tugon ko.

"O..kay!" tugon niya at pakiramdam ko ay hindi siya naniniwala sa akin pero wala naman akong planong ipagpilitan sa kanya na paniwalaan ako, "di ka pa ba tatayo diyan!?" tanong niya sa akin at saka ko lang naalala na uwian na nga pala.

Hindi ko na siya sinagot at tumayo na lang ako mula sa upuan ko.

Sa pintuan naman ng class room nakatayo sina Aerie, Seiyin at Ross, malamang ay hinihintay nila kami.

"Tagal ha!" mataray na wika ni Aerie. Problema nito!? Hindi ko naman sinabing hintayin nila ako.

"Si Kid kasi eh! Lutang! Mukhang ewan lang," tugon naman ni Claire. Aba at ako pa ang sinisi.

"Kung hindi ko pa alam siguradong nag-iisip nanaman ng kung anong kamanyakan yang pornstar na yan," ismid naman ni Miss Aerie. Ang babaeng to!

"Kung sayo lang din naman. Di bale na lang," seryosong sagot ko at saka tumuloy sa paglabas ng classroom.

"At ano namang ibig mong sabihin dun!? Aber!" hiyaw nito sa akin.

"Miss Aerie, nakita ko na yan diba!? At masasabi ko lang ay wala akong interes diyan at sa katawan mo," malamig na tugon ko.

"Ikaw na pornstar kaaaa!!" at mas lumakas pa ang paghiyaw niya samantalang parang kamatis naman na namumula ang mukha niya.

Napansin ko naman na pasimpleng napangiti sina Claire at Ross.

Akmang hahampasin niya ako ng sling bag niya kaya lang ay agad na humarang si Seiyin para awatin siya.

"Tama na yan ha!" saway ni Seiyin kay Aerie, "nakakahiya na sa mga tao oh!" dagdag pa niya.

Pinagtitinginan na pala kami ng mga kapwa namin estudyante kaya naman pinili ko na lang din manahimik.

"Pasensya na," maiksing tugon ko at saka ako tumalikod sa kanila.

Nagsimula na akong lumakad at agad namang sumunod si Claire sa akin.

"Hey, saan ka!?" usisa ni Claire sa akin.

Tales Of Heimdohr: Mana BringerWhere stories live. Discover now