• Episode 32 - Come Back For Real •

1.3K 76 5
                                    

*********************************************

Strauss' Residence...

Kid's PoV

"Hey, Kid! Napanuod ko kanina sa t.v na ngayon na pala bubuksan ulit yung server ng game na nilalaro niyo ha," sabi ni kuya David.

Kumakain kami ngayon ng hapunan.

"Yeah! 7 pm kuya," ako habang sumusubo ng pagkain.

"Oh! Malapit na mag - 7 ha!?" tugon naman niya at napatingin naman ako sa wall clock sa loob ng kusina.

6:38 na pala dapat bilisan ko ng kumain dito.

"Oo nga noh! Kuya, mamadaliin ko na to ha,"  sambit ko at minadali ko na nga ang pagkain.

"Sige! Ako ng bahala sa hugasan natin," nakangiting sabi ni kuya.

Halos sabay lang kaming natapos ni kuya sa pagkain, ako na ang siyang nagligpit ng kinainan namin at inilagay ko iyon sa lababo saka nagpaalam kay kuya David na aakyat na ako.

Nang makapanhik na ako ay dumiretso na ako sa loob ng kwarto nang may bigla akong naalala.

"Kung panaginip lang ang mga nangyari kanina maaari kayang.." saad ko sabay dampot ng aking cellphone sa mesa para icheck ito.

tut tut tut!!

After a few seconds of checking I let out a big sigh.

Narito ang mga hinahanap ko so ang ibig sabihin ay na-itext ko nga si Rei at May, nandito pa sa phone ko ang text messages ko sa kanila at narito din ang mga replies nila sa akin.

Ano kaya sa mga nangyaring naaalala ko ang panaginip at ang totoong nangyari kanina!?

Naguguluhan talaga ako sa kung anuman ang nangyari kanina.

Kailan ba ako nakatulog!? At paano akong nakatulog!?

Ibinaba ko ng muli ang cellphone ko sa mesa para magtungo na sa aking kama para makapaghanda na sa pagpasok sa game.

Paupo na ako sa gilid ng kama ko ng bigla na lang...

Diiinnngg!!

Message notification!? Gaya nung nangyari sa panaginip ko.

Agad akong tumayo upang abutin ang cp ko and to my surprise kagaya nga ng sa panaginip ko ay galing sa unknown number ang message.

________________________________________________

10 minutes bago ang muling pagbubukas ng server. May ilan akong dinagdag mula sa mga bagay na napag-usapan natin. Make sure to check your inventory kapag nakapag-log in ka na kasi may regalo ako sayo alam kong magugustuhan mo.

-Engr. Charles Gredlin

________________________________________________

Hindi ko maiwasang ma-shock sa mga nangyayari.

Sa pagkakatanda ko ay hindi ito ang eksaktong sinabi niya pero halos kaparehong kapareho ng message niya sa panaginip ko.

Ibababa ko na sana ang phone ko ng isang notification na nanaman ang dumating.

Diiinnngg!!

Tales Of Heimdohr: Mana BringerDär berättelser lever. Upptäck nu